Again 15

1001 Words
Craig's POV: "Mommy, kanina I've heard parang inaaway mo si daddy?" malungkot na tanong sa akin ng bata Narinig niya ba yun? Nandito kami ngayon sa living room para maglaro at ngayon sinusuklay ko ang basa pang buhok ng batang ito. Okay lang naman sa akin ang maging anak to,wag lang muna yung tatay, feelingero ng taon e. "ahhh.hehee.."naisagot ko lang sa bata. Ayoko namang magsinungaling dahil mukhang narinig niya talaga "yes, baby. Inaaway ako ng mommy mo kanina. Binato pa niya ako ng big spoon. Daddy's hurt baby" singit at paawang reklamo ng manyak na si Justine Ewan ko ba saan nanggaling yan,kanina naman kaming dalawa lang ni Meghan ang nandito "oh my god. You shouldn't do that mommy for God is watching us. Mommy you should say sorry to daddy" malungkot sabi ni Meghan sa akin Hu? Ako pa magsososorry ngayon? Iba din tong batang ito e At ayun, ngising-ngisi naman si mokong sa mga kalokohan niya. "baby,mukhang ayaw magsorry ng mommy mo" paawang pahabol ni mokong habang may pasima-simangot pang nalalaman "mommy"paawang sbai naman sa akin ni Meghan "okay..i'll apologize na"sagot ko kay Meghan sabay bigay ng isang pilit na ngiti Walang hiya kang mokong ka. Gusto mo pa akong pagmukhaing masama sa bata "sorry na"sabi ko kay mokong "I think you should do something mommy, kasi everytime I'm hurt Yaya Meding would always make hilot of me. So you should do the same with daddy" suhestiyon ng batang si Meghan Ang daming alam Meghan ha? Manang-mana sa tatay ha Nang tignan ko naman si Mokong ay tuwang tuwa naman sa suggestion ng anak niya. Planado ba nilang mag-ama to at mukhang sang-ayon lahat sa kanila ang nangyayari? "oo nga mommy Craig, dapat hilutin mo din ako. Masakit pa kasi" gatong naman ng hinayupak na si Justine na kanina pa ngingiti-ngiti "anu ba yan"mahina kong reklamo "ano yun? Baby may sinasabi ata yung mommy mo"paawang sumbong ni Justine kay Meghan "hahaa, naku wala. Sabi ko halika dito ng mahilot ko na" pilit na ngiti kong sabi kay Justine "saan ba masakit?" masungit kong tanong sa kanya "dito oh! Ang sakit kaya?" sabi niya sabay turo sa ulo niya habang kanina pa nakanguso Pout pout ka pa e,kiss kita diyan e. "buti nga sayo. Next time kawali na ang ihahagis ko sayo" bulong ko dito "ay baby...."pagsusumbong ulit sana nito pero pinigilan ko na agad sa pamamagitan ng pagdiin sa hinihilot ko "aray aray,, dahan dahan naman" reklamo nito "magtiis ka" madiin kong sabi dito sabya sabunot sa buhok niya "sinsabunutan mo na ata ako e"reklamo ulit nito Oo, nang makalbo ka nang manyak ka "hahaha ano ka ba, part yan nung masahe" pilit na ngiti kong sagot sa kanya "dapat mamaya ibang ulo naman ang masahehin mo ha"bulong na sabi nito sa akin Na kaagad kong ikinagulat kaya nabatukan ko siya ng wala sa oras Ang manyak kasi! "mommy bakit mo pinalo yung head ni daddy?" nagtatakang tanong sa akin ni Meghan Hala nakita niya pala ako Isip ng palusot Craig "ahhh baby may , insect akong nakita sa hair niya.. ayun oh.... Naku baka kagatin yung daddy mo..tara paluin natin" palusot k okay Meghan na mukhang kinagat naman ng bata "oh my god. I'll help you mommy"sabi ni Meghan sabay lapit sa ulo ng daddy niya at sabay naming pinagpapalo iyon "aray ko...aray !! tama nay an Meghan , Craig !!" reklamo ni Justine "no daddy. The insect might bite you" sabi naman ni Meghan habang pinapalo pa rin ang ulo ng tatay niya Naku keep it up Meghan at magkakasundo tayo niyan "oo nga. Naku delikado yun if ever. Meghan dapat lakasan pa natin ang pagpalo" singit ko naman habang tumatawa ako ng palihim Hahahaha ako ang nagwagi "no enough na. Meghan napatay ko na. Craig isa!......" naiinis na reklamo ni Justine Huminto na si Meghan pero ako tuloy pa rin sa pagpalo sa ulo niyo "mommy stop na daw, daddy is mad na oh" pagpigil sa akin ni Meghan na kanina pa pala ako tinitignan habang feel na feel ko ang pagpalo sa ulo ni Justine "haha ay oo nga. Hahaha peace" sagot ko sabay ngiti ng pilit Nang tignan ko naman si mokong ay yamot na yamot na ang mukha nito. Buti nga sayo hahaha "patay ka sa akin mamaya, pati bata dinadamay mo ha" naiinis na bulong nito sa akin Hala? Pikon e noh? Pero hindi ko maiwasang kabahan sa sinabi ni Justine, palaganti kasi yan e at pag gumanti siya mas matindi. "Mommy Craig, I need to sleep na daddy said kasi na dapat nagiisleep yung mga bata pag tanghali" pagpapaalam sa akin ni Meghan "samahan na lang kita Meghan" sagot ko naman dito "no hayaan mo siya matulog mag-isa, ako na lang patulugin mo"nakangising singit naman ni Justine "mukha mo!" singhal ko dito "mommy, what's mukha mo?" pagtatanong ni Meghan "yan kasi e, galling ka bang US ang jologs mo kasing magsalita e?" pangaasar sa akin ni Justine "hahaahha wala yung Baby Meghan, sige matulog ka na doon sa room mo,then later we'll play na"palusot ko sa bata habang tinitignan nang masama si Justine Umalis na yung bata ng biglang kong pinaghahampas si Justine "aray ko, ano ka ba? Ginagawa mo akong battered husband ha" reklamo ni Justine "anong Jologs? Ikaw ha kanina pa ako nababadtrip sayo,kung ano-anong pinagsasabi mo sa bata!!"naiinis kong sagot dito "ikaw talaga! Ano ka ba ganun talaga magbiruan ang mag-asawa"sagot naman nito sabay tawa Asawa? Ulul "Asawa your face!! May boyfriend na ako" palusot ko dito "tsk tsk, may kabit ka na agad?"natatawang tanong dito Daming alam, natutuyuan ako ng energy sa lalaking ito e "ewan ko sayo, ang dami mong alam tinalo mo pa si kuya Kim at ang dictionary" naiinis kong sabi dito sabay takbo papunta sa kwarto "I love you honey!!" sigaw naman nito sabay halakhak ng malakas "f**k you Justine" ganting sigaw ko naman dito "I will honey, don't worry" sigaw ulit sabay tawa this time parang mamatay na siya kakahalkhak. Bastos!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD