Craig's POV:
The next day nagising na lang ako dahil sa kanina ko pang nagriring na phone. Istorbo naman inaantok pa ako , anong oras na ako nakatulog kagabi dahil sa pasaway na si Justine. Mag-gym ba naman ng hating-gabi ewan ko lang kung makabangon siya ngayon sa sakit ng katawan.
"hello. Who is this?" sagot ko sa phone ko
"Hi Goodmorning. Is this Craig Castillo?" tanong ng isang boses sa kabilang linya na sa tingin ko ay lalaki.
"Speaking, may I know who's in the line?" tanong ko
"ah its Edgar? Edgar Ramirez" sabi sa kabilang linya
"OH my God.. Sir im sorry hindi ko pala napangalanan yung number na ibinigay niya sa akin yesterday. Im very sorry po" pagpapaumanhin ko
"No its not your fault. This is not my Phone , I mean business number yung ibinigay ko sayo, the one im using right now is my personal number" pagpapaliwanag nito
"ahhh I see po. So bakit po kayo napatawag?" pagtatanong ko dito
" ahhm can I invite you for a lunch? If you won't mind?" sabi nito
Lunch daw?
"ahh sure po sir. Should I also invite Mr. DelaFuente?" pagtatanong ko dito
"no need. Its not for business naman. I just want to hang out with you"sagot ulit nito
Hala? Baka magalit ulit si Justine
"okay lang ba?" tanong ulit ni Edgar sa kabilang linya asking for a decision
"sure sir" napilitan kong sagot
Gulo na naman ito
"That's great. Ill send you the details kung saan tayo magmemeet. Okay salamat. Grab your breakfast na"sabi nito bago tuluyang in-end ang call
Okay magpapaalam na lang ako kay Justine. Ayoko namang maging insensitive sa feelings niya lalo nat sinsabi niya nga na nagseselos siya. After fixing myself for half an hour ay bumaba na ako ng dining room pero hindi ko naabutan doon si Justine
"yaya meding, si Justine po?" pagtatanong ko kay Yaya Meding na kasalukuyang nagluluto ng almusal
"nasa garden anak" sagot naman nito sa akin
"ano pong ginagawa?busy po ba?" tanong ko ulit dito
"naku, kanina pang alas-kwatro yun doon. Nagpapawis lang daw siya" sgaot naman nito sa akin
Ano ba tong taong to dalawang oras lang natulog?
"Justine!"tawag pansin ko dito
Oh la la. Ang sexy niya, naka sando lang siya kung saan kitang kita pa rin ang dibdib niya. Iba pala ang itsura ni Justine habang basang basa sa pawins
Masyadong maaga Craig!
"Good Morning babe"nakangiting bati nito sa akin
"Sabi sa akin ni Yaya Meding kanina ka pa daw alas-kwatro dito hindi ka ba natulog?!" naiinis kong tanong dito
Pero natawa lang si mokong sabay kamot sa ulo niya.
Oh lala yung armpit niya ang sexy
"babe ha, pinagpapanstasyahan mo ako. Please mamaya na yan, nagpapasexy pa nga ako for you e"malokong sabi nito
"gago! Huwag mong ibahin ang usapan. Papatayin mo ba sarili mo?"naiinis kong tanong dito para din matakpan yung pagkapahiya ko sa sinabi niya
"ehhh kasi naman e... wala akong magawa. Nakatulog naman ako e..mga 1 hour kaya nagexercise na lang ako" pangangatwiran nito
"bahala ka sa buhay mo" tanging nasabi ko dito
"kalma ka lang kasi diyan. Panuorin mo na lang ako para may inspiration at motivation ako"nakangiting sabi nito sa akin sabay kindat
"dami mong alam"sagot ko dito
"isa na doon ay ang mahalin ka"sabi naman nito sabay kindat ulit
Ow. Talaga nga naman....
Craig may sasabihin ka kay Justine mamaya ka na humarot diyan
"nga pala Justine...." Nahihiya kong paguumpisa dito
"ano yun?"pagtatanong nito pero tuloy pa rin siya sa pag pupush-ups
"magpapaalam lang kasi ako...." Dugtong ko
"saan?"tanong ulit nito
"magcocoffee lang..." dugtong ko ulit
"kape lang naman pala e..... sino ba kasama mo?" sabi nito
"ahhh si kuwan ...si Edgar e" nakangiti kong sabi dito
Pero biglang sumimangot ang mukha nito at tumigil sa page-exercise
"Justine .. sige na.. naka-oo na ako sa tao e" pangungulit ko dito
"no"madiin at seryosong sabi nito habang kumukuha ng maiinom sa ref.
"Justine naman...nakakahiya naman kung hindi ako pupunta" pangungumbinse ko dito
"I said no" madiin pa ring sabi nito
"Justine naman e"pagpapaawa ko dito
"Papayagan lang kita kung isasama mo ako" sabi nito sa akin
Pero hindi ba ang sabi niya ay kami lang daw? Baka mainis yun
"ehhhh ano daw kasi....e ..kaming dalawa na lang daw"nahihiya kong sabi dito
"eh gago pala siya e!" galit na sigaw ni Justine
"Hey, Edgar is still our client? We need to build a good relationship with him. Its not only for my benefit but also for your company Justine" pagpilit ko dito umaasang kakagatin niya ang reason ko
The truth is nagpapakaprofessional lang ako kaya nga ako nagpaalam kay Justine dahil ayokong isipin niya na bibabalewala ko ang nararamdaman niya. I don't want to be insensitive especially now that I already know that Justine is jealous with Edgar.
"Exactly Craig! He's our client and labas na sa responsibility natin ang lumabas with him without business purposes, especially ikaw!" galit namang sagot sa akin ni Justine
Ano ba ang tigas ng ulo mo Justine
"Coffee lang yun Justine, why are you putting malice on that?" naiinis ko na ding tanong dito
"Why do you think I'm putting malice on that f*****g coffee date?!!" galit na ganting tanong nito sa akin
"I don't even know kung bakit ako nagpapaalam sayo, we're not even in a relationship" mataray kong sabi dito na nakapagpatahimik kay Justine
Oops my bad! Sumobra ata
"Okay,from now on do whatever you want hindi na ako makikialam" seryoso nitong sabi bago tuluyang umakyat ng kwarto niya
Oh my God, mukhang may nasabi akong hindi maganda. Is he mad at me?