Craig's POV:
Later that asaran moment with Justine ay hindi na ito nagpakita sa amin for dinner kaya medyo tahimik ang kainan mabuti na lang dahil mas nakapagkwentuhan kami ni Meghan about her studies. I also had a chance to teach her how to sing lullabies na madalas kantahin sa akin ni Mama Catherin before. I miss her.After kung maturuan si Meghan ay maaga din naman itong nakatulog kaya I took the chance para makagawa ng reports and designs para sa project namin. Madaling araw na nang matapos ako pero hindi pa rin umuuwi si Justine kaya minabuti kong hintayin na lang ito.
"Saan ka galing?" nagtataka kong tanong kay Justine na kararating lang maghahating-gabi na
"Bakit gising ka pa?" ganting tanong sa akin nito
Bakit parang pagod na pagod ito?
"Tama bang sagutin mo ako ng tanong? Ang sabi ko saan ka galing?"naiinis kong tanong ulit dito
"wala sa labas lang"sagot nito bago tuluyan umupo sa sofa na para bang pagod na pagod
"Anong wala? Eh bakit pawis na pawis ka? Teka nga at ikukuha kita ng damit at towel"sabi ko dito bago pumunta sa kwarto niya para ikuha siya nito
"hubadin mo muna yang t-shirt mo, ano ba yan Justine pawis na pawis ka magkakasakit ka sa ginagawa mo e"sermon ko dito habang pinupunasan ko ang likod niya
Pero nakatingin lang sa akin si Justine
"saan ka ba talaga galing ha?para ka namang bata Justine at nagpapatuyo ka pa ng pawis sa likod mo" naiinis ko pa ring tanong dito
Pero nakatingin pa rin siya sa akin
"magsalita ka nga, ano bang nangyayari sayo" nagaalala kong tanong dito
"Craig"sabi nito habang hindi makatingin ng diretso sa akin
Problema nito? kanina lang makatingin sa akin halos tunawin na ako
"ano yun?"tanong ko dito
"ahhhh..ano kasi..." nahihiyang paguumpisa nito
"ano nga yun?"naiinis kong tanong dito
"ahhhh mas maganda ba talaga katawan ni Mr. Ramirez?"mahina at nahihiyang tanong nito sa akin
"ano?"gulat at hindi ko maintindihang tanong sa kanya
"kung mas maganda ba talaga ang katawan ni Mr. Ramirez kesa sa katawan ko?"sagot ulit nito pero this time medyo malakas na ang boses nito
"anong kinalaman nun sa tanong ko sayo"nagtatakang tanong ko sa kanya
Pero hindi makasagot si Justine
"ano nga?"galit ko nang tanong sa kanya
"kasi kung may kulang pa sa katawan ko pwede pa naman akong magbabad sa gym e. sabihin mo lang kung..." naihiyang sgaot nito
"ANO??!!" gulat kong tanong sa kanya
"ehh kasi..."parang bata nitong paginterupt sa akin
"NAGPAKABABAD KA SA GYM DAHIL LANG DOON? PARA KA NAMANG BATANG NAKIKIPAGKUMPETENSYA NIYAN JUSTINE?!!"galit kong sabi sa kanya
"anong gusto mo magkasakit ka sa ginagawa mo? Eh ano naman kung maganda ang katawan ni Mr. Ramirez?"galit ko pa ring tanong sa kanya
"gusto ko lang naman iplease ka e"mahina nitong sagot na nakapagpatahimik sa akin
"tingin mo pag nagksakit ka mapeplease mo ako?"tanong ko dito
"hindi"mahina nitiong sagot habang nakayuko
"sorry na"mahina ulit nitong sabi sa akin pero this time nakatingin na siya sa mga mata ko
Pero hindi ko siya sinagot. Nakakainis kasi parang bata. Dahil lang doon magpapakapagod na siya.
"uyyy sorry na kasi"sabi ulit nito sa akin habang nakalabi
"sorry na ha"sabi nito habang hinahawakan ang mga kamay ko
"kumain ka na ba?" tanong ko na lang dito
Pero umiling lang ang gago sabay kamot sa ulo nito
"hindi pa?!! alas-dos na ng madaling araw hindi ka pa kumakain?"gulat na may halong inis kong tanong dito
"ehh naggym nga ako di ba?"pangangatwiran naman nito
"magpapakamatay ka ba ha?"tanong ko dito sabay palo braso niyang nangingintab pa rin sa pawis
"ayy hindi pwede yun, eh di wala ng magmamahal sayo pag namatay ako"sabi naman nito sabay ngiti sa akin
"sige !! gumanya ka pa!!!" inis kong sabi dito habang hinahampas ko siya
"sa palo mo ata ako mamatay Craig e"sabi nito habang pinipigilan ako kakapalo sa kanya
"oo, papatayin talaga kita" nanggigil kong sagot dito habang nilalakasan pa rin ang palo sa kanya
"pwede pati sa sarap?"malokong tanong nito sa akin
Aba!
"perv ka talaga! Manyak!" sagot ko
"kumain ka na nga doon!" pahabol kong sabi sa kanya
"paghain mo ako"nakanguso nitong sabi sa akin
Pero dahil nga mukhang pagod si Justine ay ipinaghain ko na lang siya.
"salamat ha"sincere nitong sabi sa akin
"for what?"takang tanong ko dito
"for this.... You don't know how you make me happy for doing this"nakangiti nitong sagot sa akin
"parang yan lang e" sagot ko naman
"malaking bagay sa akin. This simple actions of yours make me feel special, yung concern mo sa akin kanina,yung pagsisilbi mo sa akin ngayon...big deal sa akin yun" sincere nitong sabi sa akin
Pero wala akong masabi. I don't know na he can be so shallow at the same time appreciative like this.
"pakiramdam ko tuloy...mag-asawa na tayo" pahabol na sabi nito sa akin sabay kindat
Oh la la. Bakit may kindat pa? kinilig ako doon hahahaha
"kinilig siya?" nakangisi nitong pagpapariinig sa akin
Ay! Naman! Nakita pa
"ulul! Kumain ka na nga diyan. Aakyat na ako sa kwarto " sabi ko sabay alis
"Doon ka sa kwarto natin ha ikaw naman papakainin ko" sigaw nito sa akin nakapagpamula sa akin
Manyak talaga ng taon to e
"Manyak ka!!" ganting sigaw ko sakanya
"I know right!" tumatawang sigaw naman nito sa akin
Haaay naku!