KABANATA 23: Speechless Erin!

1508 Words
Madilim na ang paligid kaya nakahanap na ako ng tiyempo na makapunta sa clinic. Dahan dahan akong naglakad papasok sa clinic nang kumatok sa pintuan. " Paano kaya ang magiging approach ko sa bagong vet?" tanong ko sa isip ko habang nag-iipon ng lakas nang loob. Napag-isipan ko na rin naman kanina kaya nga ako may dalang mainit na kape galing sa Coffee Station. "Ehem!" Bumwelo pa ako bago tuluyang kumatok sa pintuan nito. Isa. Dalawa. "Yes?" isang boses babae ang nabosesan ko na nagpihit nang seradura ng pintuan. Bahagya pa akong natigilan nang tuluyang bumukas ang pintuan nang clinic. Parehas kaming natigilan at nagkatitigan lamang. "Erin?" "Nessee?'' Wala sa sariling iniabot ko ang kape sa kanya at agad niyang ipinatong ito sa mesa. "Oh ,Erin!!!'' halos mapaiyak ito at niyakap kaagad ako nang mahigpit. Kahit pa may gulat pa at hindi na nagsi-sink in sa utak ko ay niyakap ko rin ang babae. "Kamusta ka?'' tanong nito sa akin. Luminga linga muna ako bago tuluyang pumasok sa loob ng clinic. Hindi ako makapaniwala na sa dami nang taong pwede ko muling makita ay ang aking kaibigang si Tennessee. Kaklase ko siya noon nag-aaral pa ako nang college. "Nessee,hindi ako maaaring magtagal sa lugar dito, gusto ko lang sanang kamustahin si Dominique?" "Sinong Dominique?" bahagya pa itong natigilan at, "ah 'yung kabayo!" "Ou! Kamusta s'ya?" "As of now, ay okay naman ang vitals niya. Bukas ang schedule nang operation ko sa kanya." "Ikaw? Bakit ka nandirito?'" "Ano nang nangyari sa iyo? Pagkatapos nmong takasan ang kasal n'yo dapat ni Alex Saavebra?'' " Dito ako ngayo-" Natigilan ako nang makita ko ang isang sasakyang pumarada sa labas. Agad akong tumayo at nataranta. "Hindi pwedeng may makakita sa akin dito, Nessee!" Parehas na kaming nataranta at umikot ang paningin sa loob nang clinic, saan nga ba ako pwede magtago rito. "Doon! Doon!!!" Turo ni Nessee sa ilalim nang mesa sa may operating table. May mahabang bedsheet ito kaya naman hindi agad akong makikita sa ilalim nito. Kaagad akong pumasok sa ilalim nito. Tahimik akong nag-observe sa paligid. Pigil ang bawat hiningang lumalabas sa akin at halos yakapin ko na ang aking sarili. Halos marinig ko na ang kabog nang dibdib ko sa sobrang kabang nararamdaman ko. Pinakikiramdam ko ang aking paligid. Rinig ko ang pinag-uusapan ni Doc Tennessee at nang isang lalaki. "Make sure to operate him carefully, Dominique is in his fourth year of life so be more extra careful!" "Yes, Sir! Dont worry! Ang kailangan po ay matanggal ang bukol na iyon at kapag napa-examine natin ay saka lang natin malalaman ang possible additional treatment for him!" "Thanks, Doc!" Saglit lang naman ang naging conversation nila at umalis na rin ang lalaking kausap nito. Nang marinig ko na ang pagsara nang pintuan ng clinic ay nakahinga na ako nang maluwag. "Erin, grabe si Sir no?'' "S-sino?'' "Si Sir Sky! Iyong may-ari nitong rancho!'' "Aahhh!" pagsang-ayon ko na lamang sa kanya. "Ang hot n'ya, grabe! Ang guwapo at ang macho !'' tumili pa ito at kilig na kilig sa mga sinasabi. "Bakit? Parang hindi ka- ,I mean parang walang dating sa iyo ang Boss mo? Hindi ka ba kinikilig kapag nakikita mo, s'ya?" Napaisip ako sa tanong ni Tennessee. Ano nga ba ang nararamdaman ko kapag naaalala ko ang lalaking iyon? Sa totoo lang ay confused ako. Kung trabahador ba s'ya sa farm na pinanggalingan ko tapos biglang s'ya itong boss ko rito sa rancho. Siguro ay napangasawa niya iyong masungit na babaeng nakita namin ni Cupid. "Wait lang, I'll just check Dominique first!" "Okay!'' Nilapitan ni Nessee si Dominique. "My God! Erin!'' Tawag nito sa akin na akin namang ikinagulat. Agad ko silang nilapitan at nakita ko ang sitwasyon ni Dominique! " Kailangang ma-operahan na s'ya agad!" "Tatawagan ko lang si Sir Edward to notify him na kailangang operahan na si Dominique!" "Okay ,sige!" Tinawagan ni Doc Tennessee si Mr. Edward. Si Mr. Edward na rin ang magsasabi kay Sir na kailangan nang maoperahan kaagad si Dominique. Inayos na ni Doc ang operating room. Tinulungan ko na rin s'ya sa paglilinis at pagsa-sanitize nang kuwarto. Pati ang mga gamit na kailangan namin ay inayos na rin namin. While waiting for Mr. Edward ay naka-recieve nang tawag si Tennessee. "Doc, we have a problem! " Nagkaroon nang emergency ang assistant vet na sana ay katulong mo sa operating room. "Let's wait a bit more! Maghahanap ako nang assistant na pwede mong makatulong sa operation!" "Okay, Mr. Edward!" ___-----____ After couple of hours waiting for the assistant vet, Dominique life would be in danger. Nagkaroon nang complications ang tumor na nakaapekto sa ibang niyang organs. "I need to operate him now!" Aalis na sana ako sa clinic dahil baka biglang dumating si Sir Edward at Sir Sky. "Wait! Erin!" Pigil sa akin ni Nessee at tinitigan ako sa aking mga mata. "Magiging delikado ang sitwasyon ni Dominique, pwede bang ikaw na muna ang maging assistant ko!'' "Ako?" "Nessee, ano ka ba? Ang tagal ko nang hindi nakakapag-assist sa operating table." "Please! Kailangang gawin ko na ang operation! Hindi ko na maaantay ang assistant vet na ipadadala nila." "P-pero-" "Alang alang kay Dominique! Do it, please!" ____-----____ Dominique's operation is a successful count! He is recovering at the clinic with Doc Tennessee. Naipadala na rin ang sample sa malaking veterinary laboratory. Ilang linggo pa bago malaman ang resulta. Maganda ang araw ngayon. Maaliwalas ang panahon at mabango ang humahalimuyak na bulaklak sa parang. Dumiretso ako sa Rotary para gawin ang aking usual na trabaho. Magpagatas sa mga baka. Naabutan ko si Jess na patapos sa second batch ng mga gagatasin baka. "Erin, ikaw na ang magdala ng gatas sa mansion! Ini-ready ko na ang mga dadalhin mo." "Aahhh okay!" Sampung galloon ang kailangan na madala sa mansion. Pumunta ako sa aming chiller upang kuhanin ang mga gatas at inilabas ito. Isinakay ko na rin sa electric bike na gagamitin ko. Mabilis ang naging pagdating ko sa mansion. Bumusina ako para malaman nang mga bantay dito na narito na ako. "Good morning po, Mrs. Griffin! Narito na po ang mga gatas na galing sa farm!" "Tamang tama ang dating mo, Iha! Saglit lamang at tatawag lang ako nang magbubuhat." Tumabi ako sa gilig nang gate. Mabilis lang naman ibaba ang sampung gallon na ito. Wala pa naman sigurong darating na sasakyan. Bumaba ako ng electric bike at kumuha nang dalawang gallon nang gatas. Sumunod ako sa likod nang mansion kung saan dumaan si Mrs. Griffin. Nagmasid pa ako sa mansion. Maganda at malakinang mansion na ito. Bungalow ang disenyo nang bahay. Gawa sa mga salamina ng pintuan at mga bintana nito. Ang mga furniture dito ay gawa sa mga nililok na kahoy, ang mga mesa at upuan ay malalaking tipak nang kahoy na natural lamang ang kulay. Hindi pa man ako nakakarating sa kusina ay may nahagip ang aking mata. May garden sa gilid nang likod bahay kaya naman napatingin ako. Ang gaganda nang mga bulaklak na nandirito at napakabango ng paligid. "Aaaaahhhh!" Nagulat na lamang ako nang isang babae ang sumulpot sa aking harapan at nabangga ako. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat at pagkabigla sa biglang pagsulpot nito. Natigilan pa ako sa lakas ng sigaw at pagtili nang babae. "My God! What the!! Aaaahhhh!'' sigaw muli nito na ikinapanting nang aking mga tainga. "Sorry po Ma'am!" "Sorry po!" "Look! Look at my dress! Natapunan na nang gatas!" Hindi malaman ang gagawin ang at kung anong uunahin. Ang pagpunas ba sa natapong gatas sa damit nito o pagkuha sa gumulong na gallon na nasa lapag. Mas marami pang tumapong gatas sa sahig. "Sorry po Mam!" Umupo ako para punasan ng towel ko ang laylayan nang damit n'ya ngunit... "D-dont touch me!'' Sigaw nito at agad akong itinulak sa sahig. Natumba ako at napaupo sa mga natapon gatas. Hindi pa ito nakuntento at kinuha pa nito sa sahig ang isang pang gallon nang gata na hindi pa bukas. At.... "This is what you deserve!" Ibinuhos sa aking nang babae ang laman ng gallon. Mula sa aking buhok at sa aking katawan. Halos hindi ako makagalaw sa pagkabigla sa kanyang ginawa. Nang biglang dumating din si Mrs. Griffin na humahangos. Napatigil ito sa naabutang eksena at halos napa-sign if the cross ito. "Mam, tama na po!" Pigil nito sa babar ngunit imbis na tumigil ay nagalit pa ito at itinulak si Mrs.Griffin. "H'wag ka makialam ditp Mrs. Griffin,kung ayaw mo madamay!" Kahit na napaupo na ang matanda ay muli itong tumayo. Muling inawat ang babaeng gigil na gigil sa akin. Dumating na rin ang isa pang kasambahay at agad na tumulong sa akin. "Tama na po Ms. Reena!" "Halika na po kayo!" Hinawakan niya ang kamay nang babae. "Hindi pa tayo tapos!" sigaw nito sa akin sabay hagis ng gallon na pianglagyan nang gatas. Iginiya na ni Mrs. Griffin ang babae paalis at ako naman ay naiwan. Sa tindi nang nangyari ay halos wala na yata akong maramdaman . What a fresh day! Naka-speechless... Breathless... My goodness! Sarap nang fresh na gatas!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD