Sa pangatlong kubong pupuntahan ko ay tila ba may kung anong puwersa na humuhigit sa mga paa.
Huminga ako nang malalim.
At nang buksan ko ang pintuan.
"My God! W-what the h-heck..."
Halos hindi ko na maituloy ang sinasabi ko.
Nakita ko na ang hinahanap ko.
Dominique sitting beside a girl...
A girl????
Naked???
"My goodness!"
Iniikot ang aking mga mata sa paligid nang kubo.
At agad kong ikinagulat nang makita ko ang basyo ng used syringe sa ibabaw ng lamesa.
Agad umakyat ang galit ko at nakumos ko ang aking mga kamay.
Sabay pa nito ang pagkita sa nakasampay na damit nang babae.
"Thief!''
Nakita kong ang pagpungas pungas nang babaeng kagigising lamang.
Samantalang si Dominique ay bahagyang tumayo at nagpagpag ng mga dayami na dumikit sa kanyang katawan.
Nag-unat pa ang babae na tila galing sa napakasarap na tulog.
Nag-unat pa ito nang isa at tumayo.
Halos iiwas ko ang aking tingin nang malaglag ang tuwalyang nakabalot sa katawan nito.
Well, she's still wearing her bra and undies , so she was not totally naked.
Siguro ay inaantok pa talaga ang babae.
Gulo gulo ang maiksi nitong buhok at may ilang piraso pa nang mga dayami ang nasa buhok nito.
Bigla na lamang itong yumuko dahilan para tumambad sa akin ang may kalakihang dibdib nito.
Napalunok ako ngunit para kong na-freeze sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa babaeng ito.
Ramdam ko ang pag-init nang aking katawan pero agad kong pinutol ang maari ko pang maramdaman.
"Hoy Miss!"
Sa una ay parang wala itong narinig kaya kinailangan ko pang ulitin ang pagkuha sa atensyon nito.
"Hey, thief!" malakas kong sigaw na ikinagulat nang babae.
Kita ko ang paglaki nang mga nito nang makita ako.
Agad nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa tuwalyang nakabalot sa katawan.
"S-sino ka?" tanong pa nito na tila ba naging signal para umakyat na ang init ng ulo ko!
Agad ko s'yang nilapitan, wala na akong pakialam kung nakahubad man s'ya o whatsoever!
Agad kong hinawakan ang pulsuhan nang kanyang kamay at nilapit s'ya sa akin.
"Ang lakas ng loob mong kuhanin ang kabayo ko?"
"S-sir!" halos ramdam ko ang panginginig nang kalamanan nito habang mahigpit kong hawak ang pulsuhan nito.
"Anong ginawa mo kay Dominique?" singhal ko sa kanya na halos ikagitla niya sa gulat.
Sa sobrang takot ay umiling iling na lang ang babae.
"Ano? Anong ginawa mo?" muli kong tanong dito na halos idikit ko na ang mukha ko sa kanya.
Kitang kita ko ang takot na unti unting sumasakop sa kanyang sistema.
"Ano?" muling tanong ko na halos ikanginig na niya.
"W-wa wala po!" mahinang sagot niya.
"Anong wala?" naggagalaiti na ako sa galit kaya naman hinawakan ko s'ya ng madiin at hinila palapit sa mesa kung nasaan ang used syringe na nakita ko.
"Ano ito?"
"S-sir! M-may lagnat po k-ka-!"
"Ano?"
Halos mangiyak ngiyak na ito sa takot at hindi na nagawang sumagot pa nang maayos.
"May lagnat po kasi s'ya kagabi!''mabilis na sagot nito na napapikit pa nang magulat sa muli kong tanong.
Binitawan ko ang babae at tinulak ko s'ya palayo.
Napasandal ito sa mesa at hindi ko alam kung napalakas ba ang tulak ko o nawalan ito nang lakas dahil sa takot sa ginawa ko.
" Kapag may nangyaring masama kay Dominique, pagbabayaran mo lahat ito! Tandaan mo iyan!"
Ito na lang ang nasabi bago tuluyang kinuha ang tali ni Dominique at iginiya ito palabas.
Halos hugutin ko ang malalim kong paghinga upang pakalmahin ang sarili ko.
Tinawagan ko si Mr. Edward para sabihing nakita ko na si Dominique.
" I want her out of my property!"
Ito na lamang ang nasabi ko nang tanungin ako ni Mr. Edward tungkol sa kumuha kay Dominique.
Tinawagan ko rin si Ms. Alice para magpadala ng mini truck kung saan ko pwedeng isakay si Dominique.
Dominique looks pale at parang nanghihina na ito.
Kailangang madala ko ito sa vet para mabigyan agad nang nararapat na gamot.
Tinawagan ko na ang aking secretary and attorney na si Attorney David Smith.
"Kailan ba dadating 'yung ni-request kong Vet dito sa farm!"
"Padating na po, Sir! Ipinahatid ko na s'ya sa chopper dahil hindi makakatawid ngayon sa highway. May nabuwal na naman pong puno sa daan kaya tinatanggal pa nang mga tauhan natin."
"Pakisabi, bilisan! Dominique is not in good condition!"
"O-opo Sir!"
Idiniretso ko si Dominique sa clinic.
Dito ko s'ya pinahiga at pinainom nang tubig.
Naghintay ako hanggang sa makarating ang chopper na sinasabi ni David.
---____----
( Erin)
Naiwan akong mag-isa sa kubo.
Halos mawalan ako nang lakas dahil sa takot sa lalaking iyon.
Basa pa ang mga damit na isinampay ko kagabi
Kamusta kaya si Dominique?
Halos buong magdamag ko siyang binantayan dahil sa kanyang lagnat.
Pasikat na ang araw nang masigurado kong bumaba na ang kanyang lagnat.
Kaya halos doon pa lamang ako nakatulog.
Masakit din ang ulo ko sa pinaghalo halong puyat, pagod at gutom.
Nagbihis ako at lumabas nang Kubo.
Tanghali na at masakit na sa paningin ang sikat nang araw.
Marahil ay nasa alas-nuebe o alas diyes na nang umaga.
Lumakad ako papunta sa aking kubo para makapagpalit nang damit.
Masakit ang ulo ko, pero kahit gan'on ay kailangan kong pumunta sa Rotary.
Naabutan ko si Jess na naroroon.
Halos patapos n siya sa pagpapagatas nang mga baka naming alaga.
"Saan ka ba galing ,Erin? Halos nagkakagulo na rito kanina dahil may kumuha sa alagang kabayo nang Boss natin! Galit na galit nga at ang usap usapan ay palayasin daw dito sa rancho ang magnanakaw na iyon!"
Sa haba nang sinabi ni Jess ay sa huli ako natigilan.
Paano nga kung totoo?
Mapapalayas ako dito sa farm nang wala sa oras.
At saan naman ako pupunta?
Baka kapag lumabas ako dito sa farm ay makita pa ako ni Alex Saavebra.
Tiyak na hindi na ako makakawala.
Napabuntong hininga ako.
Kahit may sapat na akong ipon para makapagsimula muli ay walang kasiguraduhan kung makakasakay man lamang ba ulit ako ng tren.
Halos isang taon na ako dito sa farm at kahit kailan ay hindi ko nagawang itapak man lamang ang paa ko palabas dito.
Mas okay sa akin na magtiis dito sa loob ng rancho, kaysa lumabas pa ako.
Mahirap pero masaya naman dito sa rancho.
Pero paano nga kung palayasin ako dito sa rancho.
"Erin!'' untag sa akin ni Jess na ikinagulat ko.
"Huh??''
"Ano na bakit nakatulala ka d'yan? Daig mo pa ang binuhusan nang malamig na tubig ahh!"
Isang pilit na ngiti ang aking iginuhit sa aking mga labi at alanganing tumingin kay Jess.
Nanlaki ang mga mata nito sabay takip nang bibig.
"Don't tell me!!!"
Napatili pa ito sabay lapit sa akin.
Inalog niya ang aking mga balikat nang kanyang dalawang kamay.
"A-ano ??? I-ikaw nga??"
Umiwas ako sa kanya nang tingin .
"Erin, magsabi ka nang totoo?"
"Eh...Paanong gagawin ko, Jess?" dahil sa reaksyon ni Jess ay tila ba dumoble ang mga dagang nagtatakbuhan sa dibdib ko.
Binitawan ako ni Jess at nagbuntong hininga.
"Hindi ko rin alam?"
Ikinuha ako nang tubig ni Jess at umupo sa tabi ko.
Pansamantala katahimikan ang sumaklob sa buong Rotary, dahilan para agad naming marinig ang tunog ng isang chopper na parating.
___---___
Montenegro Clinic
Isang chopper ang dumating at agad na lumapag sa bakanteng lupa ng farm.
Sinalubong kaagad ni Mr. Edward ang babaeng dumating mula sa chopper.
"Hello, Doctor! Welcome to Montenegro Ranch!"
Tinulungan ito ni Mr. Edward sa mga dalahin nito at agad isinakay sa mini truck.
Dumiretso sila sa clinic kung saan naghihintay si Sky at Dominique.
Agad ibinigay ni Mr. Edward ang files ni Dominique kay Dr. Tennessee Narva.
Agad din nitong kinuha ang mga gamit nito at in-examine si Dominic.
Mula sa paglente nang mata nito hanggang sa pagtibok nang puso nito.
In-examine din ni Doc Tennessee ang bukol sa may tiyan nito.
Kinuhaan din niya ng dugo si Dominique para sa karagdagang examination nito.
Halos gabi na nang matapos ang lahat ng examination ni Dominique.
Napagpasyahan ni Doctor Tennessee na operahan na si Dominique.
Tatanggalin ang bukol nito pero kailangang ipadala ito sa mas malaking vet laboratory para malaman kung benign o malignant ang tumour na aalisin kay Dominique.
___---___
Nasa coffee station ako at kumukuha nang kape nang humahangos na tumakbo palapit si Jess sa akin.
"Erin!"
Hingal na hingal ito at pasalampak na umupo sa upuan na nasa mesa ng coffee station.
"Huh! May chika ako sa'yo!"
"Ano ba iyon? Wait!"
Kumuha ako nang tubig at binigya ito kay Jess.
Halos mabilis nitong nalagok lahat ng tubig sa basong binigay ko sa kanya.
"Ano ba iyon? Ano palalayasin na ba ako sa farm?" tanong ko sabay upo sa upuan na kaharap nito.
"Hindi! Bukas pa siguro ang judgement sa iyo!"
"So ano nga?''
"Eto na nga, dumating na ang bagong vet dito sa rancho. At balita na naroon daw si Dominique."
"Kamusta naman daw si Dominique?"
"Okay naman daw kaya lang ay kailangan maoperahan!"
"Ah gan'on ba? Marami bang tao sa clinic?'
"Wala naman. Pansamantala iniwan muna nila kay Doc si Dominique ngayong gabi."
"Ahhh gan'on ba?"
Humigop ako nang kapeng aking itinimpla at tumahimik.
Maaari ko sigurong kanustahin si Dominique!