KABANATA 21: Erin and Dominique

1466 Words
Malakas pa rin ang buhos na ulan na pupampatak sa bubong nang kubong sinisulungan namin ni Dominique. Naalimpungatan ako dahil sa malamig na hanging nanunuot sa aking katawan. Bahagya akong bumangon at nasapo ng aking kamay ang mainit na katawan ni Dominique. Hindi normal ang temperatura nito. Nilalagnat si Dominique! "My God! Nilalagnat ka!" wika ko kay Dominique sabay muling sapo sa noo nito. Mainit talaga! Napagod siguro ito sa pagtakbo nang malayo at naulanan pa. Agad kong binasa ang towel at pinunas ko ito sa katawan ng nilalagnat na kabayo. Ilang minuto ko rin itong ginawa at paulit ulit hanggang sa maibsan ang init na nararamdaman nito. Dapat na madala ito sa clinic at mabigyan ng gamot. Muli akong sumilip sa kalangitan. Anong oras na kaya? Bahagya nang tumigil ang malakas na ulan. Sumilip ako sa labas. Natatanaw ko naman ang Bubong nang Barn C. Nag-isip akong mabuti sa paraang maaari kong gawin. Kung tatakbuhin ko papunta... Ano kaya? Muli akong tumingala sa langit. Humugot ako nang isang malalim na hinga at hindi na ako nagdalawang isip pa. Lumabas ako nang sinisulungan naming kubo at tumakbo palabas. Sa tant'ya ko nasa alas-dos na ito nang madaling araw. Mabuti na lamang at tumila na ang ulan. Mabilis ang mga hakbang na aking ginawa. Hindi ko na alintana anv malamig na paligid na talaga namang nanunuot sa aking mga kalamnan. Ang tubig ulan na bumabasa sa aking mga paa at ang malamig na hanging humahampas sa aking katawan. Ilang minuto ang aking tinakbo patungo sa Barn C. Agad akong sumakay ng electric bike na naroon ngunit wala ang susi nito. Kahit na pagod at nilalamig na ako ay dumiretso ako clinic nang barn. Halos lakad takbo ang ginawa ko marating lamang ito. Nang marating ko ang clinic ay naabutan ko itong may nakabukas na ilaw. Bahagya akong napatigil at pansamantalang nag-isip kung tutuloy ba ako o hindi. I sighed. At buong lakas ng loob na tumawag sa taong naroon. "Doc? Tao po?" Makailang ulit pa akong tumawag ngunit wala namang sumasagot. Dahan dahan akong pumasok sa loob nang clinic. "Hello!" "Hello!" Wala namang tao, siguro ay hindi pa dumating 'yung vet na kapalit para dito sa farm. Hindi na ako nag-aksaya pa nang oras bagkus ay agad na akong pumunta sa medicine cabinet. Binuksan ko ito at binasa ang mga gamot na narito. Agad kong kinuha ang kailangan kong gamot. Kumuha na rin ako nang syringe at gloves. Kinuha ko na rin ang thermometer na nakita ko sa cabinet. Gan'on din ang malinis na towel. Nagmamadali na ako. May nakita rin akong medical bag kaya agad kong kinuha ito at inilagay doon ang mga kailangan ko. Kumuha na rin ako nang tubig at alcohol. Nagmamadali din akong naghanap ng flash light sa mga drawer dito. Dali dali na akong lumabas nang clinic at patakbong umalis. Nasa kalagitaan na ako nang daan nang muli na namang pumatak ang ulan. Kasabay ang malalakas na kulog at kidlat. "Ano ba iyan!" Malalaking hakbang... Lakad at takbo... Malalaking patak ang ulan ang bumasa sa aking katawan. Kasabay ang malakas na hangin na humahampas sa aking katawan. Ilang metro pa ang layo ko sa kubo.. "Aaahhh!" Halos napasigaw na ako sa takot sa lakas ng mga kulog at kidlat. Halos mapundi na ang lente nang flaslight dahil sa ilang beses ko itong nabitawan. Grabe ang lakas nang ulan. Nang marating ko ang kubo ay kaagad akong dumiretso sa mesa. Kahit basang basa ako ay nilapitan ko ulit si Dominique. Hinawakan ko ang kanyang katawan at ramdam ko na mas lalong tumaas ang kanyang temperature. Tulog si Dominique kaya naman kinuha ko ang flash light, nilentehan ang mata ni Dominique. Namumutla ang ibabang bahagi nang talukap nito. May mga fine lines na makikita sa mga mata nito. Indikasyon na may sakit ito. Agad kong in-examine ang katawan nito. Bingo! May nahipo akong matigas na bilog sa bandang tiyan nito. If I am not mistaken, Dominique has a tumour on his abdomen. Sa tant'ya ko ay kasing laki na ito nang golf ball o bolang ginagamit kapag nag-go-golf. His injuries are seriously need treatment. And as for his condition kailangan na matanggal ang tumor sa kanyang katawan. Anong nangyari bakit naman lumaki nang ganito kaagad ang tumor nito. Hindi kaya ito inaalagaan nang may-ari. Muli akong tumayo at kinuha ang aking bag. Nilabas ko na mula sa bag ang gamot at mga gamit na kailangan ko. Naghugas ako nang kamay at tinuyo ito nang malinis na basahan. Napatingin ako sa labas at malakas pa rin ang ulan sa labas. Naglagay ako nang alcohol bago kinuha ang syringe. I administer the medicine by myself. Alam kong mali dahil wala namang consent sa may-ari perp kasi ay urgent na ang sitwasyon. Kailangang gawan ko na nang paraan kung hindi ay baka kung ano pang mangyari kay Dominique. Agad akong lumapit kay Dominique at ini-niksyon ang gamot sa kanya. Nilagay ko ang syringe sa mesa at kinuha ko ang basahan para ipatong sa katawan ni Dominique. Huli ko nang na-realize na ako rin pala ay basang basa sa ulan. Wala namang ibang tao dito kaya okay lang naman siguro na mag-alis ako nang mga damit ko. Inalis ko ang t-shirt na sout ko pati na rin ang pantalon kong halos tumutulo pa ang tubig. Itinakip ko sa katawan ko ang tuwalya na kinuha ko sa clinic. Sumandal ako sa bandang ulunan ni Dominique at hinawakan ang ulo nito. Muli kong pinunasan ng basang basahan ang mukha nito at ipinatong ito sa noo niya. Parang batang inaapoy nang lagnat. I sighed. Muli kong isinandal sa ulo ko sa pader at mariin akong napapikit. ____-----______ (SKY) Dahil sa malakas na ulan kagabi ay hindi na namin nahanap kung nasaan si Dominique. Nasaan kaya si Dominique? Halos dito na sa farm tumira si Dominique kaya kapag umaalis ito ay bumabalik rin naman ito sa kuwadra. Where is he? "Sir, wala pa po si Dominique!" ito ang wika nang tauhan kong naghahanap kay Dominique. Ang sabi nang bantay aa Sunflower farm ay umalis daa si Dominique sakay nang isang hindi niya nakilala. Tumawid daw ito papunta sa kabilang side ng rancho. Sino kaya ang kumuha kay Dominique? Lumabas ako nang mansion at agad tinawagan si Ms. Alice. "Ms. Alice, mayroon ba sa mga tauhan mong nakakita kay Dominique?'' "Hindi ko pa po sigurado,Sir! Magpapatawag po ako nang pulong para mapagtulungan ang paghahanap kay Dominique. "Do it, please! I'm on my way there!" "Dominique is sick, and he's injuries are not that easy to handle!" Nag-aalala ako sa condition ni Dominique. Naka-schedule na rin dapat sana ang operation nito sa veterinary sa clinic. Ang kaso nga lang ay nagka-emergency ang vet kaya naman pati ang mga schedule sa farm ay naka-hang. Ngayon ang dating nang bagong vet na ni-request ko at kailangan pang mai-endorse sa kanya ang lahat nang bagay dito sa farm. Kailangang mai-refer din si Dominique sa ibang veterinary hospital para maayos at magamot ito. Mabilis kong pinaandar ang aking kotse papunta sa rancho. ____-----____ (MONTENEGRO RANCH) Nang makarating ako sa rancho ay agad ko nang nakita si Mr. Edward kausap si Ms. Alice. Naroon din ang ibang trabahador na marahil ay maghahanap kay Dominique. Agad kong ipinarada ang sasakyan ko sa harapan nila. Bumaba ako at agad kinausap si Mr. Edward. "Nasaan si Jess?'' Tanong ni Ms. Alice sa iba naming tauhan. "Mam, hindi po makaalis sa Barn C?" "Bakit?" "Wala daw po kasi si Erin! Hindi po nila makita kaya hindi po maiwanan ni Jess ang mga baka sa Rotary." mahabang tugon nang isa naming trabahador na sumundo kay Jess. "Nasaan naman kaya si Erin?" takang tanong ni Ms. Alice. Ipinaliwag ni Ms. Alice ang nangyari kaya isa isa niyang inutusan ang mga trabahador na kumalat para mahanap si Dominique. Matapos ang maiksing pulong ay isa isa nang umalis ang mga trabahador para maghanap kay Dominique. Ako naman ay muling sumakay sa kotse ko at dumiretso sa Barn C. I don't know basta para bang may humihigit sa akin na sa Barn C pumunta. Hindi ako dumiretso sa Rotary bagkus ay nagpaikot ikot ako sa palibot nang Barn C. Sa gitna nang malawak na lupain ay natanaw ko ang mga baka na nakasoga sa damuhan. Maraming kubo na nakatayo sa gitna nang mga damuhan dahil dito ang maaaring pahingahan nang mga nag-aalaga. Nilibot ko ang damuhan at isa isang pinuntahan ang mga kubo, hoping na sana naligaw dito si Dominique. Una. Pangalawa. Ito na ang pangatlong kubong aking pupuntahan. Malayo layo na ito sa Barn C at sa Rotary. Papunta na ito sa dulo nang rancho. Mabuti na lang at sikat na ang araw at medyo na-iga na ang tubig ulan na nasa mga damuhan. Sa pagbukas ko nang pintuan ay agad akong nagulat sa aking nakita! "Dominique!''
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD