Ang mundo ay tila ba tumigil nang mga oras na ito.
Kahit pa nararamdaman ko ang sunod sunod na pagtahol ng German Shepherd sa bandang ulo ko , at halos basang basa na ang mukha ko sa laway nito ay okay lang.
"Neeiiiiigggghhh!"
I remember this Black Horse na minsan ko nang nasakyan.
Tumigil ang kabayo sa harapan ko.
Agad kong hinawakan ang kabayo para makabuwelo ako.
Ngunit...
"Ahhh!''
Nawalan ako nang balanse at tuluyan na ngang nalaglag sa bakod.
"Aaarrrhhh! Aaarrrhhh!" ito ang patuloy na pagtahol ng aso.
Mabuti na lamang at nakaharang ang kabayo sa akin kaya hindi ako naabot ng aso.
"P-perry stop!" rinig kong saway nang isang boses sa hindi kalayuan.
Ayoko naman mahuli nang may-ari dito kaya i-grav the situation and agad akong sumakay sa kabayo.
"Y-yaahhh!"
Sabay hawak sa tali sa kabayo at pinatakbo ito.
Dahil sa halo halong kaba at takot na mahuli nang may-ari nito ay dagli kong pinatakbo ang kabayo.
Sa kung ano mang dahilan ay para bang makiayon sa akin ang sitwasyon at tumakbo nang mabilis ang kabayong sinasakyan ko.
Rinig ko ang pagsigaw nang isang lalaki na pinahihinto kami ngunit hindi na ako nag-atubiling pakinggan pa ito.
Tumakbo ang kabayo palabas nang farm.
Mabilis ito at tila ba sanay na sanay sa pagtakbo.
"W-wait!" ito na lamang ang naisigaw ko nang biglang tumakbo ang kabayo...
Tila ba ilang segundong tumigil ang mundo ko na hindi makapaniwalang tinalon nang kabayo ang mataas na bakod.
____----____
Tttuuugggzzz!
Halos para akong mahilo hilo sa pagbagsak namin sa lupa nang kabayo.
Hindi ako makapaniwalang tinalon nito ang bakod at ngayon ay narito na kami sa kabilang burol.
Tiyak na malalagot ako kung sino man ang may-ari nito.
Hinigit ko ang tali nang kabayo at pansamantalang tumigil ito.
"Pasensiya ka na huh, at pati ikaw ay nadamay sa kalokohan ko!"
"Hay! Sayang naiwan natin 'yung sunflower na kinuha ko. Ipapalagay ko sana kay Cupid iyon kung saan man s'ya nakalibing." biglang tila ba bumalik ang sakit sa akin nang pagkawala ni Cupid at
niyakap ko na lamang ang kabayo.
"Thank you for saving my life!"
Malaki ang utang na loob ko sa kabayong ito, dahil kung hindi ay baka nalapa na ako nang asong bantay na sunflower farm.
Muli kong niyakap ang kabayo.
He is s black stallion na sa tant'ya ko ay ito ang breed nang isa sa mga pinakamahal at pinakamatitikas na kabayo.
From head to toes hanggang sa mga buhok nito ay pure black ang kulay.
Makintab ang buhok nitong para kumikinang sa gabi sa sobrang shine.
Matigas din ang mga muscles rito at tila ba sanay sa pagtakbo at paglundag.
Mabango rin ang amoy nito at halatang alagang alaga.
Muling naglakad ang kabayo at tinahak namin ang daan patungo sa farm.
Madilim na sa daang tinatahak namin.
Hindi lamang dahil sa gabi na kung hindi madilim ang kalangitan.
Mukhang malakas ang ulan na papatak ngayong gabi.
Kailangan naming magmadali pabalik sa Barn C.
Mahirap na maabutan ng malakas na ulan sa daanan lalo na't madilim at malamig.
Madilim man ang daan ay naliliwanagan pa rin dahil sa sikat nang buwan na panaka nakang lumilitaw sa pagitan nang mga malalaking ulap.
Gayon din ang sunod sunod na paglabas nang mga kidlat na sunod sunod na nagsusulputan sa iba't ibang bahagi nang kalangitan.
"Malapit na tayo! Konting tiis na lang!"
Patuloy pa rin ang aming pagtakbo nang kabayong ito nang biglang unti unti pumatak ang ulan.
Isa.
Dalawa.
Tatlong malalaking patak ang naramdaman kong dumampi na sa aking mukha.
Hanggang....
Tuluyan na ngang bumagsak ang malalaking patak ng ulan.
"Ho!" hinigit ko ang tali ng kabayo at pansamantalang nagmasid sa paligid.
Inikot ko ang aking mga mata at sa hindi kalayuan ay may nakita akong maliit na habong na maaari naming pansamantalang matuluyan.
"Y-yaahhh!"
Iginiya ko paliko ang kabayo sa gitna nag damuhan para doon muna kami magpahinga.
Mabuti na lang at narito na kami sa patag na pinagsosogahan namin ng mga baka.
May maliit kami ditong pahingahan habang nagbabantay na mga baka.
Lumalakas na lalo ang ulan at nagmamadali na akong makarating doon.
Tamang tama at kadadala ko lamang ng tubig dito kahapon kaya naman tiyak na may maiinom at makakain rito.
Nang makarating kami sa kubo ay agad akong bumaba sa kabayo at binuksan ang maliit na tarangkahan nito.
Agad kong hinala ang kabayo papasok rito.
Agad na nagpagpag ang kabayo nang katawan nito.
Hindi naman ako nag-aksaya pa nang oras at agad akong kumuha nang malinis na basahan para ipunas sa kabayo.
Dahan dahan kong pinunasan ang katawan nito at ang buhok.
Nang madako ako sa bandang leeg nito ay nakita ko ang buckle nitong parang nameplate.
Agad akong hinawakan ito at sa tulong nang liwanag ng kidlat na sunod sunod na lumiliwanang sa kalangitan ay nabasa ko dahan dahan ang nakasulat rito.
"D-do---dom---domi--"
Ang haba naman ng pangalan mo.
"Domi--- ni-ke?"
"Ano daw?"
Muli akong nag-antay nang liwanag mula sa kidlat at..
"Ahhh, D-dominique pala ang pangalan mo!"
Dominique!
"Ang sosyal naman nang name mo! At ang haba ahhh!"
"Dominique ---ang haba masyado! D-dom na lang ang itatawag ko sa iyo!"
"Okay ba?" tanong ko pa sa kabayo na as if naman ay sasagot ito.
Siguro kung may makakakita sa akin ay mapagkakamalan pa akong may tetet sa ulo.
Pero, talking to animals is good!
Muli kong pinunasan si Dominique hanggang sa matuyo siya.
Pinainom ko rin siya ng tubig at matapos nito ay ako naman ang nag-ayos sa aking sarili.
Kumuha rin ako nang malinis na pamunas at tinuyo ko ang buhok kong nabasa nang ulan at ipinatong ito sa aking balikat.
Malakas pa rin ang ulan sa labas at sumasabay na ang pagdagundong nang malalakas na kulog at kidlat.
Mukhang matatagalan ang pag-stay namin ni Dominique sa lugar na ito.
Humiga si Dominique sa damuhan.
Napagod siguro ito sa mahabang paglalakad at pagtakbo.
Mataman ko s'yang tinitigan at sa kung anong dahilan ay parang may mali kay Dominique.
Sa kisig nang katawan nito at shiny ng balat ay tila ba sunod sunod ang paghinga nito nang mabilis.
Nahapo kaya ito?
Nilapitan ko si Dominique.
"Pasensiya ka na huh, hayaan mo at bukas na bukas din ay ibabalik kita sa kabilang farm!"
"Salamat at hinayaan mo akong makasakay sa likod mo huh!"
Niyakap ko si Dominique at nagpahinga ako sa tabi niya.
___----___
(SKY)
Malakas ang ulan sa labas at narito ako sa opisina ko sa mansion.
May mga tinatapos pa akong paperworks dito sa farm.
Magiging abala na naman kasi ako sa mga susunod na araw para sa pag-aasikaso sa Rancho.
Balak ko kasing mag-breed nang mga black na sheep na pagkukuhanan ko nang mga black wool sa susunod na taon.
Ang kulog at ang kidlat sa labas ay talaga namang nakakabahala para sa mga alaga naming mga hayop.
Takot ang mga hayop sa malakas at dumadagundong na kidlat at kulog.
Si Dominique ,takot si Dominique sa tulog nang kulog at kidlat.
Naalala ko pa nang minsan na abutin kami nang malakas na ulan sa rancho at sumilong kami sa isang kubo roon.
Kinailangan ko pang tabihan si Dominique para kumalma.
Bigla kong naalala na bukas nga pala ang check up nito sa veterinary.
Nagkaroon ng emergency
ang vet namin sa rancho kaya naman naghahanap pa ako nang pansamantalang makakapalit nito.
Nakarinig ako nang sunod sunod na katok sa pintuan.
"Come in!''
Hindi ko tinapunan nang tingin ang nasa pintuan kaya naman laking gulat ko nang marinig ang boses ng aming katiwala.
"Sir!"
"Yes!"
"Tumawag po sa akin ang katiwala natin at nakawala daw po si Dominique!"
Ito ang wika ni Ernest na katiwala ko dito sa bahay.
"It's okay! He be back! Malamang na nagtatakbo lang si Dominique sa kung saan."
Ito ang kampanteng sabi ko habang pinagpapatuloy ang pagbabasa ng mga report.
"S-sir!"
"Ano!"
"M-may-"
"What?''
"M-may sumakay po kay Dominique papunta sa rancho!"
Napatigil ako sa aking ginagawa at nabaling ang pansin kay Ernest.
"What?" para akong nabingi sa sinabi ito ni Ernest.
That's impossible!
Si Dominique ang tipo nang kabayong hindi kaagad agad na nagpapasakay sa likod niyo.
Sino naman kaya ang nagtangkang sakunin si Dominique!!!