Makalipas ang ilang linggo ay hindi pa rin bumabalik si Cupid sa farm.
Halos araw araw ko nang kulitin si Jess kung saan ba nila dinala si Cupid.
Maging si Ram ay hindi nakaligtas sa pangungulit ko.
"Ram, nasaan na ba si Cupid?"
"Erin, nagpapagaling pa si Cupid kaya hindi pa s'ya pinababalik dito sa rancho!"
"Bakit naman napakatagal!"
"Erin, hindi ko hawak ang mga desisyon dito sa rancho. Sumusunod lang din ako sa desisyon ng mga Boss natin!"
"Eh 'di ba pinagamot lang naman si Cupid?''
Napatingin ako kay Ram dahil tila ba natahimik ito.
Napabuntong hininga ito at humarap sa akin.
Bahagyang nalungkot ang mukha nito at ngumiti sabay lakad palayo sa akin.
"Ano iyon?"
"Ram!"
Tawag ko rito ngunit hindi na ito nag-atubiling lingunin pa ako.
Naiwan akong naka-hang sa tanong na nasaan na ba ang alaga ko.
Dumiretso na ako sa Rotary para tanungin si Jess.
Naglalakad ako papasok nang marinig ko na nag-uusap si Jess at si Mr. Edward.
"Please don't tell Erin, what happened to Cupid!"
"Ano po ba talagang nangyari kay Cupid, Sir?''
Natahimik ito at hindi kaagad nakasagot.
"Cupid died! His injuries got serious and the vet didn't notice it immediately. The wound got infected and it spread out rapidly. It's too late before they realized that the wound is not just an ordinary infection!"
Malungkot na wika ni Mr. Edward.
"At dahil bata pa si Cupid ay hindi niya nalaban ang impeksyon!"
Mr. Edward nod his head.
___----___
Impit ang hikbing gustong kumawala sa puso ko.
"Cupid!" sunod sunod ang luhang nag-una unahang pumatak sa aking mga mata.
"Cupid!" hindi ko na napigilan ang sakit ng dibdib na biglang umusbong sa akin.
Mariin akong napapikit at mas pinili ko na lamang na umalis na lamang sa aking kinatatayuan.
Tumakbo ako palabas ng Rotary at kaagad sumakay sa Electric bike.
Agad kong minaniobra ito sa daang hindi ko naman alam kung saan papunta.
Sarado ang aking isipan at tanging lungkot lamang ang aking nararamdaman.
Walang paglagyan ang mga luha dumadaloy sa aking mga mata.
"Tugggzzz!" ito na lamang ang ingay na aking narinig sabay ang pagtigil ng electric bike.
"Bakit kaya tumigil?"
Pinahid ko ang aking mga luha at tiningnan ang gulong ng electric bike.
Nang hindi ko masipat ang gulong ay nagpasya akong bumaba para i-check ang gulong.
"My goodness!"
Nalungkot ako nang makitang na-flat pala amg gulong nito.
May pakong tumusok sa gulong nito.
Chi-neck ko rin ang battery nito at malapit nang ma-low battery.
Ano nang gagawin ko!
Tumayo ako sa gilid ng electric bike at nagmasid sa paligid.
Tila sa haba ng nilakbay ko ay hindi ko na naisip kung saan ako pupunta.
Hanggang sa hindi ko namalayang malayo na pala ako sa Barn C.
Halos hindi ko na matanaw ang daan kung saan ako nanggaling.
Sa tantiya ko ay mga alas-singko na dahil malapit nang lumubog ang araw.
Dito pa yata ako aabutan nang gabi.
Mula sa p'westo nang E-bike ay naglakad lakad ako.
Malawak pa pala ang ranchong ito.
Pero sa bandang ito ay puro matataas pang damo.
Umakyat ako nang makakita ako ng tila burol.
May gabay namang daan na gawa sa kahoy kaya ndi ako nahirapang umakyat.
Ilang minuto lamang ang lumipas at narating ko rin ang taas ng burol.
Sariwang sariwa ang hangin na humahampas sa aking katawan.
Napuno nang pagkamangha ang puso ko nang matanawan ko ang napakagandang paligid.
Halos mapuno nang luntiang paligid ang taas ng burol at isa pang nakapagpagaan nang loob ko ay nang matanaw ko ang manilaw nilaw na paligid.
Isang sunflower farm!
Isang maganda at napakalawak sunflower farm!
Isang napakalawak na lupaing punong puno nang mga sunflower.
Mabilis akong bumaba ng kabilang side ng burol ngunit may bakod ito na tila ba naghahati sa mga lupain.
Pansamantala akong tumigil at nag-iisip.
Gusto ko talagang pumunta sa sunflower farm.
Kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa nang oras.
Agad akong naghanap ng butas na pwede kong suutan sa bakod.
Gawa sa malalaking kahoy ang bakod kaya imposibleng may mahunang parte rito.
Muli kong tiningnan ang mga bakod.
Saglit lang naman akong titigil sa sunflower farm.
Mag-aalis lang ako nang kalungkutan at tapos ay uuwi na ako.
Kahit na alam kong hindi tama ay umakyat na nga ako sa bakod ng kabilang farm.
Titingnan ko lamang naman ang mga bulaklak.Ito ang ideyang tumatakbo sa isipan ko.
"Huh!" halos talunin ko na ang bakod pababa sa sobrang excitement.
Napakalawak ng farm at labis akong naaaliw sa ganda ng lugar na ito.
Hindi ko na namalayang nasa gitna na pala ako nito. Iba't ibang uri ng sunflower ang naririto.
May makapal ang petal, may maninipis.
Karamihan dito ay kulay dilaw ang bulaklak.
Namangha rin ako nang makita ko ang mga malalaking sunflower na sa tant'ya ko ay nasa six to nine feet ang taas.
Halos mamula mula ang kulay nang nga ito.
May parang maputi puting kulay , mayroong dilaw na dilaw.
Ang pinakapaborito kong sunflower ay ang Strawberry Blonde Sunflower.
Lumalaki ito nang hanggang five feet.
Ang mga petals nito ay kakaiba kumpara sa mga nakikita nating sunflower kung saan ang petal sa dulo ay katulad nang kulay ng cream white hanggang sa nagiging ma-pink na mapula sa gitna.
Hindi ko napigilan ang aking sarili.
Kumuha ako ang isang bulaklak at pinitas ito.
Nakagawa na ako nang maraming pagkakamali kaya naman oras na para tumigil at baka mahuli na ako nang may-ari nito.
Sa hindi sinasadya ay napaapak ako sa isang sariwang tanggkay nang sunflower, dahilan para madulas ako.
Sakto ang pagkakatumba ko sa mga sunflower kaya naman natumba ang mga ito.
Lagot talaga!!!
Kahit pa bahagyang sumakit ang aking pang-upo at balakang ko ay tumayo pa rin ako kaagad.
Pinagpagpag ang pants kong suot at muling pinulot ang sunflower na pinitas ko.
Nagpasya na akong bumalik sa bakod.
Umupo ako at isinuot ang bulaklak sa nakasiwang na bahagi ng bakod.
Napangiti ako nang muling tingnan ang bulaklak na nakuha ko.
Nawala ang aking pagkakangiti nang may kakaibang pakiramdam akong naramdaman.
"Aahhhh!" pilit kong hinihigit ang manggas ng suot kong pantaas ngunit sumabit ito sa sanga ng isang kahoy na nasa bakod.
Hinigit ko nang paulit ulit nang mag-angat ako nang tingin sa kabilang side ng sunflower farm ay ..
Nanlaki ang aking mga mata
Isang aso ang
patakbong papalapit sa akin.
"Aahhah, bilis bilis bilis!" habol higitin ko na ang braso para lamang matanggal ang pagkakasabit nito sa kahoy.
"S**t! Lagot!!!"
"Aray!" dahil sa matinding takot at nahigit ko rin ang aking manggas ngunit kasama nito ang pagkakaroon ko nang mahabang sugat sa aking braso.
Pinahid ko ang dugong unti unting lumalabas sa sugat at pinahid ito.
Kumuha ako nang buwelo at agad umapak sa bakod.
"Raaaarrr!"
Ngunit sa kasamaang palad ay inabot ako nang aso.
Nahagip nito ang tela ng pantalon kong suot dahilan para mapunit ito.
Matinding takot ang aking naramdaman dahil hindi pa rin umaalis ang aso sa baba ng bakod.
Kahit na masakit ang braso ko ay patuloy pa rin ako sa pagtawid sa bakod.
Nang nasa tukttok na ako ay pilit na itinatawid ng paa ko ang aking paa patungo sa kabila side palabas ng bakod.
Ngunit hindi naging madali ang nangyayari.
"Aaaaahhhh!"
"Aaarrrhhh!"
"Aaarrrhhh!"
"Aaarrrhhh!''
Nawalan ako nang balanse dahil dumulad ang paa ko sa kahoy.
Hindi ko napigilan ang aking katawan at nakabitaw ako sa bakod.
Mabuti na lamang at mabilis kong naisabit ang paa ko sa bakod kaya hindi ako tuluyang nalaglag.
Ngunit hindi nga ako nalaglag pero para naman akong karneng nakabitin sa bakod.
Ang ulo at buhok ko ay nakalaylay sa bakod halos tumalsik na ang laway sa akin ng asong pilit akong inaabot!
Lord... help!
Help!
Ano na naman ba ang gulong pinasok mo Erin!!!
"Arrrfff!" tahol nang aso sabay ang pagtalon.
Halos pangilabutan ako sa pagtingin sa gigil na gigil na mukha nito.
Isang German Shepherd na may kulay brown sa bandang batok at black sa katawan.
Pumikit ako at nagdasal , ito kasi ang mga asong kabilang sa mga pinakamababangis na bantay, matalino at matapang na aso.
Pilit kong pinatatag ang muscles ko sa aking binti para humigpit ang pagkakapit sa bakod, gayon din ang kamay kong nakahawak sa isa pang bakod.
Kailangang ipunin ko ang lakas ko para nakabuwelo pakapit sa bakod.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Pero epic fail!
Muli kong sinubukan ito.
Bagamat pinaghaharian na nang takot ang loob ko ay kailangan ko ito, kaysa naman lapangin ako nang matutulis na pangil nang asong ito.
Isa pang subok ang ginawa ko.
Isa...
Kailangang maiangat ko ang kalahating katawan ko...
Dalawa...
Tat---
"Neeiiiiigggghhh!''
Ito naman ang narinig kong tunog.
Napalingon ako sa kabilang side at isa namang kabayo ang namataan kong papalapit sa akin!!!!!
"Erin, paano na!"