Dahil sa nangyari kanina ay hindi na ako pinaghatid ni Mr. Edward ng gatas sa mansion.
Baka daw kasi lalo akong pag-initan ni Mam.
Bumalik na kami ni Cupid sa Barn C.
Mabuti na lang at pinahiram ako ni Mr. Edward ng jacket n'ya kaya naman hindi ako naka-topless pagdating doon.
Hindi naman topless well naka-sports bra naman ako.
But the thing is the guy.
Ang pagkakaaalam ko ay nagtatrabaho siya sa kabilang farm.
At sabi naman nung babae , s'ya ang boss ko.
Nanlaki ang akin matansa aking naisip.
Hindi kaya pinatulan s'ya ng Mam namin.
Ginawa s'yang boylet!
Napatawa ako sa aking naisip.
Sa bagay, kung s'ya talaga iyon ay jackpot din naman si Mam.
Guwapo, macho at....
"Aaayyyiiii!" halos gigil pa ang dalawa kong kamay sa...
KILIG?
Kinikilig ba ako?
Nakilala pa kaya niya ako?
Kaya lang kahit makilala n'ya ako eh, wala nang pag-asang maging kami.
KAMI????
Ano ka ba Erin? Anong naiisp mo?
Ang layo na nang marating mo ahhh!!
"Mmmooooo!''
Nagulat pa ako sa pagkibo ni Cupid na nasa tabi ko.
"Ikaw naman kasi Cupid, napakakulit mo! Sinabi ko na, na kapag wala ako hintayin mo lang ako sa labas ng kubo ko. Tingnan mo, napagalitan pa tayo nang Mam natin!''
Hinimas himas ko ang ulo ni Cupid at tiningnan ko rin ang bahagi nang kanyang paa na may sugat.
"Kawawa naman ang Cupid ko! Siguro nagmamadali kang habulin ako no? Kung saan lupalop ka na naman dumaan!"
Tiningnan ko ang paligid, wala pa si Jess.
Ang sabi kasi ni Mr. Edward ay ipasusundo niya kami kay Jess.
Hindi kasi kaya maglakad ni Cupid kaya kailangan isakay sa sasakyan.
Muli akong sumalampak sa damuhan at hinimas himas si Cupid.
Ilang sandali pa ay dumating na rin naman si Jess.
Napatawa pa ako nang maisip ko si Jess.
Hindi dahil sa kung anong dahilan kung hindi natuklasan ko kasi ang tinatago niyang sikreto.
___----____
Isang araw ay hindi nakapasok si Jess sa Barn C.
Ang sabi ni Mr. Edward ay may sakit daw ito.
Kaya naman nang makatapos ako magpagatas ng mga baka at mapagsoga ng mga ito ay dumiretso ako sa kubo ni Jess para bisitahin siya at dalhan ng sariwang gatas.
Kasama ko na noon si Cupid.
"Jess!''
"Mooooo!"
"Jess!"
"Mmmoooo!''
O 'di ba, para kaming tandem ni Cupid.
Salitan sa pagtawag kay Jess.
Dahan dahang bumukas ang pintuan.
"Ano bang kailangan mo!'' pupungas pungas pa ito at kitang kitang masama ang pakiramdam nito.
Kinuha ko ang dala kong lagayan at ipinakita ito kay Jess.
"Dinalhan kita ng gatas!"
Kita ko ang pagtirik ng mata nito at bahagyang pagsimangot.
"Ayoko ko nang gatas! Umalis ka na !"
"Ang sungit mo naman!"
"Pwede ba, Erin! Wala ako sa mood para makipagkulitan sa'yo! Umalis ka na kasi!"
"Saglit lang naman, hindi mo ba muna ako papasukin!"
Akmang papasok na sana ako pero hinarang ni Jess ang kanyang katawan sa pintuan.
"Saglit lang, titingnan ko lang naman ang loob ng bahay mo!"
"A-ano baaaaaa!''
Napatigil ako nang makita ang reaksyon ni Jess.
Mataman kong s'yang tinitigan.
"Tumili ka ba?" pabulong kong tanong sa kanya.
"Hi-hindi ano!" matigas na wika nito.
"Umamin ka nga sa'kin , Jess? "
"W-wala akong dapat aaminin sa iyo! Umalis ka na kasi!"
Halos ipagtulakan na ako ni Jess pero mabilis akong nakabuwelo at nakapasok sa loob ng kanyang kubo.
Umupo ako sa upuan at nagmasid sa loob.
Malinis naman dito at sa hindi sinasadya ay may nahawakan akong telang nakasiksik sa gilid ng upuan.
Hinigit ko ang tela..
"H-h'wag!'' malakas na sigaw ni Jess.
But it's too late.
Nakita ko na ang dapat kong makita.
Nanlaki ang aking mga mata nang tumambad sa akin ang isang t-bak.
"My God! Jess!"
"A-akin iyan!" muling tili nito.
So confirm!
Wala nang nagawa si Jess kundi aminin sa akin ang katotohanan nang kanyamg pagkatao.
Siya si Jess sa umaga ,at si Jessica sa gabi!
Kaya pala napakasungit nito sa akin.
Akala mo ay woman hater ,iyon pala ay woman din ang puso.
Ito ang naging simula nang malalim naming pagkakaibigan ni Jess.
Ngunit walang ibang nakaalam sa farm nang totoong katauhan ni Jess.
___----____
Nakarinig ako ng busina mula sa mini trak na minamaneho ni Ram.
Kasama niya si Jess na nakasakay sa unahan.
Sinakay namin si Cupid sa likod ng trak at dumiretso na sa Clinic.
"Naku, wala si Doc. Nagkaroon nang emergency kaya biglang nag-file ng leave !" wika ng isang tauhan sa farm.
"Ahhh, ganoon po ba? Paano po kaya ito!"
"Ini-report ko na ito kay Mr. Edward at sinabi niyang maghahanap siya ng pansamantalang vet na pupunta dito sa farm!"
"Ahhh, kailan po kaya ang dating niyon!"
"Naku, hindi ko sigurado Ineng! Ano bang nangyari sa baka mo?"
"Medyo malalim po kasi ang sugat ni Cupid, kailangan na malinisan at mabigyan siya ng gamot!"
"Mabuti pa ay linisin mo na muna ang sugat ng baka mo at kapag dumating ang vet ay saka natin siya bigyan ng gamot!"
"Sige po, ako na lamang po ang maglilinis ng sugat ni Cupid!"
Mabilis kong ipinasok si Cupid sa loob nang clinic at agad na nilinisan ito.
Kaagad akong naghugas ng kamay at kumuha ng gloves.
Hinanap ko na rin ang iba pang kailangan ko sa paglilinis ng sugat ng hayop.
Mabilis lang naman ang naging paglilinis ko rito.
Pero kailangang bigyan ito ng antibiotic dahil may kalaliman ang sugat nito.
Muli akong naghanap sa loob ng clinic ng syringe sa mga medical tools cabinet.
"Jess, pwede bang tulungan mo ako para matibang natin si Cupid!''
"Erin, bakit parang alam na alam mo ang gagawin? Doktor ka ba?"
Napatigil ako sandali at napatingin kay Ram at Jess.
Kanina pa nila ako tinitigan sa aking mga ginagawa.
"Aaahhh!" ngumiti ako nang alanganin.
(Sasabihin ko ba o hindi!)
( Isip Erin!)
"Aahhh, hindi na! May mga alaga kasi kami dati eh, alam mo na laging ako 'yung kasama sa vet kaya nakita ko lang 'yung gagawin!''
"Alam mo na-!" nagkibit balikat na lamang ako.
"Halika ,timbangin na natin si Cupid!"
Muli akong ngumiti at akmang bubuhatin na si Cupid pero pinigilan ako ni Ram.
"Erin , kung hindi ka sigurado, h'wag mo nang gawin! Baka mapahamak ka!" wika ni Ram na bakas sa mukha ang pag-aalala.
"Oo nga, Erin! Baka mapahamak ka pa!'' wika naman ni Jess na binalik sa pagkakahiga si Cupid.
"Ano ba kayo!!! Magtiwala kayo sa akin, alam ko ang ginagawa ko!"
"Erin, okay na muna iyang nalinisan mo ang sugat ni Cupid. May darating naman tayong vet ngayon kaya ipaubaya mo na lang sa kanya!"
"Ram, magtiwala ka sa akin!"
buong pagsususmamo kong wika kay Ram.
"Malalim ang sugat na nakuha ni Cupid kaya kailangan siyang mabigyan ng antibiotic!"
"Bibigyan din naman natin s'ya kaya lang ay kailangan ipaalam muna natin kay Mr. Edward!"
Napabuntong hininga ako at mangiyak ngiyak sa desisyong ito ni Ram.
"Ram, please!"
Hinawakan ako nito sa kamay at tinitigan ako sa aking mga mata.
"Alam ko na gusto mo lang tulungan si Cupid! Pero wala sa atin ang desisyon nito. Maniwala ka sa akin ,Erin! Iniisip ko din si Cupid at ikaw!"
"Jess!" tuluyang tumulo na ang aking mga luha at ang tawag ko kay Jess ay paghingi ko ng saklolo.
"Relax ka lang, Erin! Walang mangyayari masama kay Cupid."
Muli kong tiningnan ko si Cupid at nilapitan ito.
Niyakap ko ito.
Halos mapuno nang pagpoprotesta ang puso at isipan ko.
Gusto nang sabihin sa kanila na kaya kong gawin ito.
Pero hindi pwede! Tiyak na mapupuno sila ng pagtatanong sa akin.
"Sorry ,Cupid!'
Napahagulgol na lamang ako.
Ang hirap ng sitwasyon ko, hindi ko mailabas kung sino talaga ako.
Samantalang tinawagan na ni Ram si Mr. Edward.
"Erin, ihahatid daw si Cupid sa vet ngayon! Ako na ang maghahatid sa kanya sa vet sa farm! Gusto mo bang sumama?"
Gusto ko sanang sumama pero kahit kailan ay hindi pa ako lumabas sa farm.
Nag-alangan ako at may matindi pa ring takot na nasa puso ko, takot na kapag lumabas ako nang farm ay may makakita sa akin na tauhan ni Alex.
Ayoko nang makita si Alex Saavebra kahit kailan.
Hindi bale nang mamalagi ako rito sa farm, at least ay safe ako at hindi ako nag-aaalala.
"Hindi na, Ram!"
"Sigurado ka ba?" may pagtataka sa mga tanong nito.
"Pwede bang si Jess na lamang ang isama mo?"
"O sige!" sagot nito na kita ko ang pagtataka at ang pagtatanong sa mga tingin nito.
Umalis na si Ram at Jess kasama si Cupid.
Ako ay naiwan sa clinic at inayos ang mga ginamit ko.
Umuwi na rin muna ako sa aking kubo para makapagpahinga dahil sa mahabang araw na nangyari sa akin.