KABANATA 26: RAIN GENTLY FALLS!

1937 Words
(SKY) It's a long busy day for me, talking to suppliers, new clients , future partners and many more. Maraming opportunities ang nabuksan sa conference na ito. Hindi ko na namalayan ang oras malapit na palang maggabi. "Thank you so much, Mr. Montenegro! It's a pleasure to meet you!" " Thank you Mr. Sy, I'm looking forward working with you!" Sabay shake hands dito. " It's my pleasure! By the way, I would like to invite to my birthday next month! My secretary would send you the details later!" "Okay, thank you very much!" " See you!" sabay tapik sa balikat ko at umalis na ang matanda. Si Mr. Sy ay bagong client na nakilala ko dito sa conference. He wants me to be his new supplier of meats and vegetables sa kanyang mga Hotels. He's one of the business tycoons na kinikilala sa Farm and Ranch Industry kaya naman malaking opportunity ito para sa akin. Naglalakad na ako sa lobby nang Hotel nang maka-recieve ako ng tawag mula kay Mr. Edward. "Yes?'' "Sir, ngayon na nga po pala ang schedule ng alis nang Vet dito sa rancho!" "Si Dr. Cruz, kailan ang balik niya?" " Within this week din po,Sir!'' " Can you please tell the Vet to wait for me, I just need to ask her about Dominique!" "Okay, Sir!'' Mabilis na akong pumunta sa parking at sumakay nang sasakyan. Nagmamanionbra na ako palabas nang parking nang may makita akong pamilyar na mukha. It's Reena, kasama ang isang batang lalaki. Sa tant'ya ko nasa ten o eleven na ito. Pansamantala akong tumigil ako pinagmasdan muna sila. Marahil ito ang anak nila ni Alex Saavebra. Paano niya naitago sa akin ang bagay na ito. Marahil talaga sigurong nabulagan ako nang pag-ibig ko sa kanya kaya wala akong pakialam sa mga imperfections niya. Napabuntong hininga ako, ayoko nang maalala ang pagmamahal ko sa kanya. Tinuloy ko na ang pagmamaniobra sa sasakyan at tuluyan nang umalis sa parking. Nang makalabas ako nang Hotel ay napansin ko ang madilim na paligid, at madilim na kaulapan na tiyak na may dalang malakas na ulan. Isa. Dalawa. Tatlo. Ang paisa isang malalaking patak nang ulan ay naging dalawa, tatlo hanggang sa sunod sunod na. Agad na nabasa ang aking sasakyan sa malakas na buhos nito. Nasa gitna pa ako nang city nang may madaànan akong coffee shop. Pansamantala akong tumigil rito at bumili nang isang mainit na kape. Ang malakas na ulan. ----_____---- (Erin) Halos maghapon akong naghintay sa kalsada para sa pagbalik nang Boss namin. Halos aliwin ko na nga ang sarili ko sa kung anu-anong bagay na maaring mapaglibangan ko. Halos maiukit ko na rin ang pangalan ko sa malaking punong ito kung saan ako pansamantalang naghihintay. "Erin!" ito nga ang naiukit ko na sa punong ito kung saan ako nakasilong. "Gggrrrr!" "My goodness!" napabuntong hininga ako , naririnig ko na ang tunog ng aking sikmura na kanina pa rin naghihintay nang kakainin ko. Gutom na ako! Hindi naman ako kumain kanina. Mabuti na lang at may baon akong tinapay na nilaman ko sa aking tiyan kaninang tanghalian. Salamat sa malaking tubig na baon ko na ngayon ay paubos na rin. Pero konting tiis lang hapon na kaya malamang darating na rin ang boss namin. Mas mahalaga sa akin na makabalik nang rancho sa ngayon kaysa ang gutom na nararamdaman ko. Kinuha ko na lamang ang tumbler na nilagyan ko nang tubig. Binuksan ko ito. "Konti na lamang pala ang laman nito!" Nilagok ko na ang lahat nang laman ng tumbler ko. "Aaahhh!" Gusto kong dumighay upang dayain ang sarili ko na nabusog na ako sa tubig na ininom ko. Pwede na ito, kaya ko pa naman. Nang biglang may pumatak na tubig sa tumbler ko. Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa sunod sunod na ang malalaking patak nang ulan. Hala, lagot na umuulan! Wala pa naman akong payong na dala. Bumalik na lang kaya ako sa rancho. Tumingala pa ako sa langit. Hindi naman siguro magtatagal ang ulan. Dadaan lamang siguro ito at titila din maya maya. Kumuha na lamang ako nang isa pang damit at ipinantakip sa aking ulo. Bahagya akong muling tumingin sa langit at saka tumingin sa paligid. Naglakad ako papasok sa kakahuyan para maghanap nang dahon na maaari kong maging pangtaklob man lamang sa aking ulo. Babalik na ako sa rancho. Marahil ay wala pa naman sigurong isang kilometro ang layo ko rito. Humakbang ako sa loob nang kakahuyan . Madulas na ang daanan pababa sa kakahuyan. Saktong nakahanap ako ang malaking dahon nang elephant ears o beaver tails na maaari kong magamit pangsangga sa ulan. Agad akong humakbang pababa sa kinaroroonan nito ngunit... "Aahh!" Hindi sinasadyang nadulas ako sa bungkos nang mga kahoy na aking dinaanan. Minsan iniisip kong napakalampa ko talaga. Agad akong tumayo at pinagpagpag ang aking mga kamay. May mga sanga pa ito at maliit na hibla nang dahon. "Aray!" nabigla pa ako at napasigaw sa sakit nang makita ko ang isang sanga na tumama sa braso ko. Nagkaroon ako nang malaking hiwa sa kanang braso at patuloy ang pag-agos ng dugo nito. Ano ba iyan? Wala na akong magawa, napabuntong hininga na lamang ako na muling lumakad palapit sa dahon na kukuhanin ko. Ilang hakbang mula rito at nahawakan ko na rin ang dahong kailangan ko. Agad kong hinawakan ang isang malaking dahon na nasa bandang ilalim nang halaman. Hinigit ko ito. "Emmm! Ayaw!" Makailang ulit ko pa ulit hinigit ito sa puno ngunit sadyang matindi ang pagkakapit nito sa sanga. "Ano ka ba, please matanggal kana!'' Para akong sira na inuulit ulit na pakikiusapan ang halaman. "Bumitaw ka na!'' Isa. Dalawa. Tatlo! Bum'welo pa ako nang malakas upang mahigit ito ngunit... "Ayaw talaga!" Hindi ako susuko! Kaya ko ito! Muli kong hinigit ang sanga ng dahon. Matigas talaga! "Aaaahhhh!'' Iniikot ikot ko muna ang sanga nito para lumambot. Sariwa kasi at matanda na ang mga sanga kaya marahil mahirap itong higitin. Inipon kong lahat ang natitira kong lakas.. One! Two! Three! Thugzzz! Tanggal ang dahon, at talsik din ako sa paupo sa lupa. "A-aray!'' Muli pang natamaan ang aking sugat kaya naman mas dumoble ang sakit nito. Ano pa ang sense nang dahong ito eh basang basa naman na ako! Dinidibdib ko pa ang sakit nang biglang makarinig ako tunog nang isang kotse. Bagamat may kalakasan ang patak nang ulan ay malakas ang tunog nang sasakyan palapit na naririnig ko. Agad kong inipon ang aking lakas upang makatayo. "Wait! Baka si Sir na iyon!" Kahit na masakit ang aking pang-upo sa pagkakabagsak ko ay hindi ko na ininda pa ito. Tumayo ako at dahan dahang naglakad paakyat pabalik sa kalsada. Bitbit ko ang malaking dahon na itinakip ko sa aking ulunan. Madulas pero hakbang Erin, hakbang! Ang ining nang gulong ay palapit nang palapit hanggang sa... Dumaan na ang sasakyan inaasahang kong titigil man lamang kahit saglit. Dire diretso ito sa paglagpas sa aking kinatatayuan. "W-wait po! Sir! Wait!" Sigaw ko rito na para namang maririnig ang boses ko. Buong pagmamadali kong hinakbang pataas ang patungo sa kalsada. Kahit na malakas ang ulan at malakas ang tubig na umaagos pababa ay hindi ako nagpatinag. Makailang beses akong nadulas pero hindi ako sumuko. Ang kotseng iyon na kanina ko pa hinihintay. Makakabalik na ako sa rancho! May kasiyahang bahagyang kumurot sa puso ko na nakapagbigay lakas sa aking kalooban. Huh! Ito ang hinga nang sa wakas ay marating ko na ang itaas at nakaapak sa patag na bahagi nang kalsada. Halos yakapin ko ang punong pinagtitigilan ko kanina. Thank you po , Lord! Napangiti ako sa isiping malapit na akong makabalik sa rancho. Ang malakas na ulan ay lalo pang naghasik nang bagsik. Sinabayan pa ito nang malakas na kulog at kidlat na talaga namang tila mga galit na galit. Dumadagundong ang malakas na tunog nang kulog sabay ang pagliwanag nang kalangitan sa nangangalit na pagguhit nang mga kidlat. Umupo muna ako saglit sa tabi nang puno at kumuha nang isang pirasong damit sa bag ko. Agad kong pinunit ito at itinali sa sugat ko sa braso. Nagpahinga ako saglit bago tinahak ang daan pabalik sa rancho. Hindi ko alam kung gabi na ba o sadyang madilim lamang dahil sa malakas na ulan. Kahit na puno nang takot at kaba ay sinimulan ko ang hakbang pabalik sa rancho. Bitbit ko ang pag-asang sana'y payagan pa ako bumalik ni Sir sa trabaho. Kahit nga tagapakuha lamang ng damo ay papatusin ko na. H'wag lamang ako mapaalis sa farm. Well, I plan to stay for couple of years more, pero gusto ko rin namang umalis pagdating nang panahon. Kapag ayos na ang lahat at sigurado ko nang hindi na ako hahabulin ni Alex Saavebra. ___----___ (Sky) Dumiretso na ako sa clinic para kausapin si Doc Tennessee. Ngayon ang schedule n'ya to leave the ranch at gusto kong personal s'yang makausap about Dominique. Malakas pa ang ulan kaya baka maantala ang biyahe nito at kinabukasan na lamang. Nang pumasok ako nang clinic ay kaagad kong napansin ang cast na nasa sa braso nito. But it's too personal to ask kaya naman nag-alangan akong tanungin kung bakit ito may cast sa kanyang braso. Doctor Tennessee explained everything to me about Dominique's condition. Luckily, he is well now, he is out of danger and he just need to stay here in the clinic for couple of weeks for the completion of his medication. " You can call me, in case anything happens! Kailangang maipa-X Ray ko muna kasi itong braso ko." "Yes, Doc! By the way, may I ask , what happened to your arms?" "Ahhh, well!" ngumiti ito at tiningnan ang brasong naka-cast. "I got this, " pansamantalang tumigil ang Doctor at pumunta sa maliit na coffee station sa clinic. "Nakuha ko ito nang araw na operahan namin si Dominique! Because of the urgent situation ay hindi ko na nahintay ang assistant vet na dapat na makakatulong ko sa pag-opera kay Dominique!" Sabay lapit sa akin at abot nang isang tasa ng mainit na kape. "That day, Dominique condition got worst, so we need to do the operation right away! But suddenly, Dominique became aggressive. Siguro ay hindi na n'ya makayanan ang pain so nagwala s'ya and tried to escape and run out of the clinic." "Hindi sinasadyang nasipa niya ako at tumama ang braso ko sa operating table kaya naman parang nabalian ako!" Humigop ito nang kape saka nagpatuloy. "Natakot pa nga ako 'non dahil how can I do the operation if my arms are not well." "Mabuti na lang at nandirito si Erin. Pinakalma niya Dominique!" " And she did the operation!" Bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa narinig ko at nagtaka sa sinabi ni Doc. "Yes, Sir! You heard it right, nang araw na iyon, because of this injury, nakiusap ako kay Erin para operahan si Dominique!" "How? As in I don't understand? She's just a mere cow's milk collector? How can she operate an animal." "Lahat tayo ay may sari sariling buhay bago tayo mapunta sa isang lugar!" "W-who really is she?'' "You'd better ask her yourself! In fact, she's your employee? Feel free to ask her things you want to know about her! But I am telling you, as more thing is for sure." ''She saved Dominique's life! " ____-----____ ''She saved Dominique's life! " ''She saved Dominique's life! " Ito ang paulit ulit kong naririnig sa aking isipan habang minamaneho ang kotse palabas nang rancho! Nakalimutan ko na pinag-antay ko nga pala s'ya sa labas at nangakong makikinig sa mga paliwanag n'ya! Nando'n pa kaya s'ya? Malakas pa ring ang ulan!!!! Paano na? Ano kayang nangyari sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD