Ang bawat luhang pumatak sa aking mata ay senyales kung gaano kahirap para sa akin ang sitwasyon ko ngayon.
Ang lungkot ay pinangingibabawan ng takot sa mga bagay na maaring mangyari sa akin.
Mga bagay na pansamantalang nawaglit sa aking isipan sandali mula nang magtrabaho ako dito sa farm.
Lumabas ako nang opisina ni Mr. Edward.
Bitbit ang mabigat na puso at litong isipan.
Bumungad sa akin ang nakasisilaw na sinag mula sa palubog na araw.
Sumakay ako sa electric bike at sa clinic ako dinala nang aking isipan.
Naabutan ko roon si Nessee, checking up Dominique's wounds.
"Kamusta ko si Dominique?"
"Oh, Erin! Kamusta ka? Okay lang naman s'ya! His wounds are healing so fast! "
"Thank you for help, Erin!"
Niyakap ko si Nessee nang buong higpit.
Nilapitan ko rin si Dominique na nakahiga pa sa table.
Hinimas himas ko ang kanyang mukha.
At ngumiti sabay patong nang ulo ko sa kanyang katawan.
Walang lumabas na kahit anong slaita sa aking bibig.
Ayokong ipaalam kay Nesse na kailangan ko nang umalis sa rancho bukas.
Ayokong mapaiyak sa harapan niya at mag-alala pa s'ya sa akin.
Hindi ko napigilan ng isang luha ang pumatak sa aking mga mata.
Agad kong pinahid ito at iniangat ang mukha ko para hindi na sumunod pa ang mga luhang gustong kumawala sa puso ko.
"Thank you!" mahina kong bulong kay Dominique sabay dampi nang halik sa noo nito.
It maybe sounds weird but kissing on the forehead of the animals I'd love is a very common thing to me.
"Okay ka lang ba, Erin?"
"Ou naman! Masaya lang ako na magaling na si Dominique!"
"Aalis na ako, marami pa akong gagawin eh!"
"Sigurado ka ba, okay ka lang?''
Umalis na palabas nang clinic at sumakay ng electric bike.
Dumiretso na ako ng uwi sa aking kubo.
Ayoko nang magpaalam pa sa kanila dahil mas mararamdaman ko lang na aalis na ako.
Inayos ko na ang iba kong gamit at humiga na sa kama.
Paano kaya ako bukas ng umaga?
___----____
Maaga ako nagising, halos madilim dilim pa nang buksan ko ang pintuan ng kubo.
Marami pang bituin sa kalangitan nang lumabas ako.
Sumakay ako nh electric bike patungo sa gate ng rancho.
Iiwanan ko na lamang ito sa tabi ng gate.
Tiyak naman kukunin ito mga ibang empleyado upang ibalik sa Barn C.
Mabigat ang mga hakbang kong lumabas ng malaking gate ng rancho.
Halos napabuntong hininga ako sa unang hakbang na ginawa ko.
Mula nang dumating ako dito sa rancho ay hindi talaga ako nagtangkang lumabas.
Dahil sa takot ko na makita akong muli ni Alex Saavebra at hindi na ako makatakas.
Maaga pa naman at madilim dilim pa, siguro naman sa ganitong oras ay wala pang nagbabantay na tauhan si Alex.
Luminga linga muna ako sa paligid, bago nagsimulang lumakad paalis ng farm.
Sa totoo lang ay hindi ko naman alam kung saan pupunta.
Hindi pa man ako nakakalayo sa gate nang farm ay nakita kong isang kotse ang paparating.
Ilang metro pa ang layo nito kaya naisip kong baka maaari kong parahin at makisakay.
Nakalimutan ko kasi wala namang biyahe dito kundi ang mga mini truck o kaya personal vehicle na ginagamit sa pagpunta sa mga rancho.
Malapit lapit na ito nang makilala ko ang kotseng ito.
Hindi ko ang kotse ng Boss namin.
Napalunok ako at humugot ng malalim na hininga.
Bahala na!!!!
Sigaw nang utak ko sabay takbo sa gitna nang kalsada at hinarangan ito.
Napapikit na lang ako dahil hindi ko naman alam ang resulta ng gagawin ko.
Babanggain ba ako nang boss ko o hindi!
Bahala na talaga!!!!
___----____
SKY
Malayo pa ay natatanaw ko na ang isang babaeng naglalakad sa kahabaan ng kalsada.
May maliit itong backpack, naka-jeans at nakasuot ng t-shirt lamang.
Papunta ako ngayon sa isang conference meeeting sa city.
Wala akong balak na huminto dito pero nagulat ako sa ginawa nito.
"Sh*t!''
Napamura na lang ako nang magulat sa kasunod ginawa nito.
Halos buong diin kong inapakan ang preno nang aking kotse para lang mapatigil ito.
Rinig na rinig ang matinding friction ng gulong sa kalsada.
Halos pihitin ko na pakaliwa ang maniwala nang sasakyan para lamang maiwasan ang babaeng biglang humarang sa gitna nang kalsada.
"Huh!" halod hugutin ang aking hininga sa kung saang bahagi nang aking katawan dahil sa gigil na mapatigil ang sasakyan.
Mabuti na lamang at tumigil sa eksaktong oras ang sasakyan at hindi ito nabangga sa puno na nasa kalsada.
Agad umakyat ang galit sa aking puso at mabilis kong inalis ang seatbelt.
Agad akong bumaba nang sasakyan at lumapit sa babaeng nasa gitna ng kalsada.
Nakapikit pa ito at hindi natitinag sa puwesto sa gitna nang kalsada.
Nakatakip ang braso nito sa mukha.
"W-what is your problem?'' singhal ko sa babaeng natigalgal sa kanyang kinatatayuan.
Sa sobrang pinaghalong inos at galit ay hinawakan ko s'ya sa isaa niyang braso dahilan para makita ko ang kanyang mukha.
Bakas na bakas ang takot at kaba sa mukha nito.
Napatigil ako nang makita ang mukha nito.
S'ya na naman!!!!
"S-sir!" halos manginig ang boses nito sa takot.
"A-ano bang problem mo?"
"S-sorry po, Sir! G-gusto k-ko l-lang po s-sa-sana kayong ka-kausap-pin!"
"Papatayin mo ba ako!"
Ramdam ko ang paghigit niya sa braso niyang hawak hawak ko.
"S-sir!" sabay pilit na hinihigit ang kanyang braso," hindi po gan'on ang intensyon ko!'!"
"S-sir nasasaktan po ako!"
Kita ko ang takot sa kanyang mga mata.
Agad kong binitawan ang braso nitong namumula na pala.
"Pasensiya na po kayo, Sir! Gusto ko lang po sana na kausapin kayo!"
"For what?''
"S-sir ,Sir ma-makikiusap lang po sana ako na hayaan n'yo pa akong mag-stay sa rancho!"
"Huh?" agad nagsalubong ang kilay ko at tiim bagang na tumingala sa itaas.
"Sa tingin mo ba, sa ginawa mo pababalikin pa kita?"
"S-sir wala na po akong ibang pupuntahan! S-sir maawa po kayo sa akin!"
"You've cause many trouble here!"
"S-sir!"
Nakapamewang pa ako sa sobrang tindi nang emosyong nag-uumapaw sa dibdib ko.
Napahawak ako sa noo ko at muling binalingan ang babae.
"Look, what you've done? " sabay turo ko sa kotse kong isang hibla na lang ay tatama na sa puno na nasa kalsada.
"Muntik na akong maaksidente sa iyo!"
"S-sorry po!"
"Puro ka sorry! Umalis ka na! Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo dito sa rancho!"
"Sir!"
Tawag nito pero baka kung ano pang magawa ko sa babaeng ito kaya tumalikod na lamang ako para makaiwas dito.
Agad akong sumakay ng sasakyan at malakas na sinara ang pintuan nito.
Sinundan pa rin ako nang babae at kinalampag nang kamay ang bintana ng sasakyan.
Kahit na inis na inis na ako ay ibinababa ko ang bintana ko at pansamantalang tumigil.
"S-sir please! Pakinggan n'yo po muna ako!"
"Okay! Wait me here! H'wag kang aalis hanggang hindi ako dumadating!"
"Sa'n po?"
"Dito mismo sa lugar na dito! D'yan sa puno kung saan ako muntik na mabangga! Wait for there"
"Kapag nagawa mong mag-antay dito, I try to listen to your explanation!"
Try?
Meaning, its not that sure!!!
"Okay sige po, Sir!''
"Right at that spot,wait me there!"
Sabay sara nang bintana at pinaharurot ko na ang kotse paalis.
Let's see if she can wait me there!
T'yak naman na kapag naiinip na ang babaeng iyon ay aalis na iyon.
A sarcastic smile register on my face.
Ilang oras...
Ilang oras kaya ang aantayin ni Erin para balikan s'ya ni Sky?