bc

Wet Wild Summer

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
second chance
goodgirl
sweet
bxg
humorous
lighthearted
first love
friendship
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

This is all about the love-triangle between two male best friends and the girl they loved at different times. The others one had the first love, and the other one had the title of being one of a kind lover. The one she spent summer days with so much love, and the other one who came back to continue their love. The one was meant to be with her, and the other was meant to forgive and let go.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
She's one of a kind. Like a hurricane on summer days. - Gideon Del Vañe Rayne. "So what's the plan?" Tita asked. I gently smelled the bouquet of flower that Tita gave me. I sighed. "I don't know, Tita." Di talaga ako sigurado sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko sa buhay. "But thank you sa flowers." "Oh, here they are!" Excited na sabi ni Tita nang makita niya ang sasakyan na hindi pamilyar sa akin. Mula rito ay bumaba ang dalawang tao na hindi ko inaasahang dadalo ngayong araw. Naalala nila. "Sweetheart!" Sigaw ni Mom nang makalapit siya sa akin. Bago ako binigyan ng mahigpit na yakap, at matamis na halik sa pisngi. "How are you doing?! Congratulations! I love you!" "Love you too." Tipid na sagot ko. Sunod namang nagyakapan si Mom, at Tita Rose. "Congratulations, baby." Simpleng bati ni Dad sa akin. "Thanks, Dad." Sagot ko. Tumingin-tingin sa paligid si Dad at nagtanong, "So where's the boyfriend?" Dad's thing as always. "Dad wala akong boyfriend!" Asar na sabi ko. Tinignan niya ako ng parang nagdududa. I just gave him a seriously look. Tumawa lang siya, at saka nagsalita. "Mabuti na ang sigurado." Sabi niya. Umiling-iling na lang ako. Ni wala ngang may lakas ng loob na manligaw sa akin dahil mukha ko pa lang nagtataray na. Ewan? Weak lang ata talaga mga lalaki sa campus na to. We sat when the ceremony started. Nakita ko yung proud sa mga mata nila Mom at Dad nung umakyat na ako sa stage para kunin ang diploma ko. I made it! Alam ko na mas mahirap ang pagdaraanan ko sa college. But for now proud ako dahil nairaos ko ang senior. Nagpaalam rin ako sa iilan kong mga kaibigan, actually wala naman talaga akong tinuturing na kaibigan dahil ewan di ko alam kung hindi ako friendly o talagang di ko lang sila trip. Di naman ako war freak, wala rin akong kaaway tamang self-company lang. Pagkatapos ng ceremony dumiretso kami sa bahay. Sa totoo lang, bahay talaga ito ni Tita Rose kung saan ako nakatira ngayon. Si Tita kasi ang nagpalaki sa akin, dahil walang time sila Mom, at Dad para alagaan ako. But Kuya Tyler did it tho? Sabay kami lumaki ni Kuya dito kila Tita pero nung nagseventh grade siya nagdesisyon siya na doon na mag-aral sa Santa Monica kung saan talaga kami nakatira. "Congratulations! Sabi ko sayo magagawa mo e!" Inabot ko ang high five na hinihintay ni Tito Lance, boyfriend ni Tita Rose. "Thanks, tito!" Masayang sabi ko. He's the funny guy. Bet na bet ko siya para kay Tita Rose. Alam kong mabait siyang lalaki. Wala naman bisita pero may konting salu-salo pa rin kahit kami-kami lang. Habang nakaupo ako sa kama ay nagring ang phone ko. Si Kuya. "Hey! I miss you! Hinihintay kita rito." Sabi ni Kuya habang kausap ko siya sa video call. Medyo nagbago ang features niya. Kung hindi ko siya kuya baka ma-in-love pa ako sa kanya. Third year college na pala si Kuya, jowain niyo na po Engineer fresh na fresh. "Ba't di ka pumunta rito?" Patampo kong tanong. "Di pa tapos semester, and finals na rin marami akong hinahabol. I'm sorry." Excuse niya. "Charr lang, alam ko naman busy ka." Sabi ko. "So? Are you planning to study here?" Tanong niya. Hindi ako nakasagot agad. I can't leave Tita Rose. "Si Tita wala siyang makakasama rito sa bahay. I can't leave her alone, and besides I can't leave her just like that." I said. "What about her boyfriend? Come on Ray, stop being a c**k blocker!" Natatawang sabi ni Kuya Tyler. Bigla akong namula, at parang sinampal ng katotohanan. Hindi kaya hinihintay lang ako ni Tita na umalis dito sa bahay para meron na silang private space ni Tito Lance? Tinakpan ko ang mukha ko. s**t! Am I really a c**k blocker? "You know, give them some time! Dito ka na mag-aral next year." He's right. Shame on me. "Okay, I'll think about it." Sabi ko. "Sige, I have to go na. May klase pa ako. Bye, love you!" He's sweet as always. "Love you too." Sagot ko bago ko pinatay ang tawag. Nang makapagpalit ako ng damit ay bumaba na ako, at naabutan ko si Tita, at Mom na abala sa kusina habang si Dad, ay nasa labas nakaupo kaharap ang whisky, at roasted beef na pulutan. "Bakit wala kang kainuman, Dad?" Pabiro kong tanong. "Eh umalis ang Tito Lance mo. May bagong pakulo ata sa Tita Rose mo." Sambit ni Dad sabay kaming napatingin nang bumukas ang gate, at iniluwa nito si Tito Lance kasama si Cain. Tumakbo ako agad papalapit sa kanya sa sobrang excitement. "Cain!" Sigaw ko habang papalapit sa kanya. "Sorry late ako, hindi ako nakahabol sa graduation mo." Sabi niya. Iniabot niya naman agad ang flower bouquet sa akin. "Katatapos lang din kasi ng sa amin eh." "Salamat." Nahihiya kong sabi. Narinig kong nagclear throat si Dad kaya naman napatingin ako agad sa kanya. Inaya ko si Cain na lumapit kay Dad para ipakilala. "Dad si Cain, kaibigan ko po. Cain, Dad ko." Sabi ko habang inaamoy ang bulaklak na bigay ni Cain. "Akala ko ba wala kang boyfriend?" Kunot-noo na sabi ni Dad. Napatingin naman ako bigla kay Dad. Tumawa naman si Tito Lance sa narinig. "Eh George, pamangkin ko itong si Cain. Hindi pa nga ata tuli yan paano manliligaw yan?" Natatawang biro ni Tito Lance. Nakita ko naman ang pamumula ng mukha ni Cain, at panginginig dahil rin siguro sa presence ni Dad. "Dad hindi ko siya boyfriend!" Sabi ko. "Eh Cain, hindi ba't Cain ang pangalan mo?" Tanong ni Dad. Nanginginig na sumagot si Cain, "O-opo. Cain po, Cain." Pabalik-balik ang tingin niya sa akin, at kay Dad. Nagsalin si Dad ng whisky sa shotting glass. "Bago mo ligawan ang anak ko dapat lalaking lalaki ka." Seryosong alok ni Dad kay Cain habang inaabot ang shotting glass. "Shot mo." Alam kong sinusubukan lang ni Dad si Cain pero ang totoo ay ayaw niyang nakakakita ng mga bata na umiinom ng alak. I mean, teenagers nowadays are normalizing being drank. Pag high ka cool ka. Pag party goer ka cool ka. Alam ni Dad na kapag tinanggap ni Cain ang alok niya aayaw siya kay Cain. Agad na umiling si Cain, "Sorry to be rude po, Mr. Evans. Pero hindi po ako umiinom ng alak." Magalang na pagtanggi ni Cain. Nakita kong umismid si Dad, "Sige na isang tagay lang hijo." Muling alok ni Dad. "Nako, hindi po talaga, sorry po." Pagtanggi ni Cain. I know Cain will resist. He won't harm a fly even a mosquito. Yung tipong kahit kinakagat na siya hahayaan niyang mabusog yung lamok wag lang siya pumatay. Ganun siya kabait. He came from a very religious family, and witnessed that. Ibinaba ni Dad ang baso, "You know I like you already. Hindi lahat ng lalaki kayang tumanggi sa tatay ng babaeng gusto nila." Panunukso ni Dad. Napatingin ako kay Cain na sobrang namumula na, at hindi makatingin sa akin. "Thank you po, Mr. Evans." Sabi ni Cain. Bakit alam ni Dad na may gusto si Cain sa akin? Maybe he's old enough to read young boys' mind? But seriously, umamin si Cain na gusto niya ako. Well gusto ko rin naman siya pero we're not dating. Hindi ko alam kung hindi lang ba talaga siya marunong manligaw? O takot siya na baka mareject ko siya? O hindi lang siya ready for commitments? "Maiwan na po muna namin kayo, Ilalagay ko lang sa vase 'tong mga bulaklak. Hali ka na, Cain. Pakilala kita sa Mom ko." Nakita ko pang nag-bow si Cain kay Dad bago sumunod sa akin papunta sa loob ng bahay. Sobrang magalang talaga 'tong si Cain. Laking simbahan kasi, tapos sobrang relihiyoso ang mga magulang. Nagvovolunteer siya sa simbahan kapag freetime niya, o kaya kapag weekend. Nagsisimba rin kami every sunday. Kung hindi ko kilala si Cain iisipin kong sakristan siya. Tuwing may event kasi lagi siyang nasa simbahan, and guess what? Ang mga kakwentuhan niya doon ay mga sakristan, at mga pari. Tinatanong nga nila si Cain kung bakit ayaw niya na lang pumasok ng seminaryo, ang sagot niya "Hindi po Fr. Eliseo, may babae po akong gustong pakasalan." Simple niyang sabi sabay tingin sa akin. Napapangiti ako kapag naaalala ko ang araw na 'yon. Simple lang si Cain, yung tipong kaya ka niyang pakiligin gamit ang bible verses. Isa si Cain sa mga dahilan kung bakit nagdadalawang isip ako na umalis dito sa San Juan. Pinakilala ko si Cain kay Mom, at iniwan muna siya doon habang chinichika pa siya ni Mom. Inilagay ko naman ang mga bulaklak sa flower vase. "Ray, would you mind if I'll talk to you for a bit." Seryosong tanong ni Tito Lance. Kinabahan naman ako dahil hindi ko pa siya nakita na sobrang seryoso sa buong buhay niya. "Yes, Tito." Kalmado kong sabi. He showed me a little navy blue box. Nanlaki ang mata ko ng marealize ko kung ano iyon. "Tingin mo ba oo ang isasagot ng Tita Rose mo?" Kabadong tanong ni Tito. "For real? Ngayon ka magpropropose Tito?" Tanong ko habang nakatakip ang bibig. I gasped. "For sure yes ang isasagot niya Tito, she's madly into you!" Ngumiti siya. "Talaga?" Tanong niya ulit. Tumango ako. "Thank you!" Pagpapasalamat niya sa akin. I bit my lip knowing I really have to leave this place now to give them some privacy. Sa Canada kasi talaga nakatira si Tito Lance, at nakikitira siya pansamantala sa bahay nila Cain. Oo, kaya ko rin naman nakilala si Cain dahil kay Tito Lance. Of course masaya ako para sa kanila but the fact that I have to leave San Juan tears me apart. ~~~ Thank you!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook