Chapter 2

1463 Words
Ray *** "Bakit malungkot ka?" Tanong ni Cain. Napatingin naman ako sa kanya. I'm leaving, Cain. Umiling-iling ako. "Ang moody mo talaga. Siya nga pala,  kailangan ko na bumalik sa bahay. May mga bisita kasi doon eh. Sinabi ko sasaglit lang ako dito." Sabi niya. Nakita ko sa mga mata niya parang meron pa siyang gustong sabihin. "At?" Dagdag ko. Ganito naman kasi ang ginagawa ko kapag may hindi siya masabi. "May gusto kasi akong sabihin." Sabi niya. Naputol naman ang pag-uusap namin nang mapukaw ang pansin namin dahil sa pagtapik ni Tito Lance sa baso na hawak niya gamit ang tinidor. Heto na. Bumilis ang t***k ng puso ko, at pigil na ngumiti. "Ano nanaman ang pakulo mo?" Tanong ni Tita Rose. "Oh, wait yung banner." Hinila ni Cain ang kamay ko palabas sa bahay papunta sa kotse ni Tito Lance. Naroon ang isang banner, at bouquet ng paboritong bulaklak ni Tita Rose. Pareho kaming napatanaw sa loob ng bahay kung saan makikita na nagsasalita pa si Tito Lance, nagtatapat pa siguro siya ng feelings. "Sorry ha, nakalimutan kong sabihin. Alin sinabi kasi ni Tito na tayong dalawa yung maglalabas ng mga 'to. Sa'yo yang banner ako naman ang magbibigay nito kay Tita." Pagpapaliwanag ni Cain. "Hays sana kanina pa natin naihanda. Naririnig ko sana yung pagtatapat ni Tito Lance kay Tita Rose." Paninisi ko sa kanya. "Sorry na." Kinuha ko ang hawak niyang banner, at patakbo kaming bumalik sa loob ng bahay. Kinakabahan ako, at hinihingal. Nagtago muna kami ni Cain lalabas daw kami kapag nilabas na ni Tito Lance ang singsing. "Kapag ako na ba yung nagpropose sa'yo tatanggapin mo ba?" Tanong niya. Mas bumilis naman ang t***k ng puso ko. "Tumigil ka dyan." Hindi ko alam ang isasagot kaya iyon na lang ang nasabi ko. "Not now, syempre sa future. Tatanggapin mo ba kapag nagpropose ako sa'yo?" Tanong niya ulit. "Oo, syempre." Nahihiya kong sagot. Nakita ko naman ang pag-ngiti niya ng matamis. Tuwang-tuwa, at para bang nanalo ng jackpot prize. "Rose, gusto mo bang sabay tayo maghampasan ng baston sa pagtanda natin? Be my Mrs. Sullivan." Inilabas ni Tito Lance ang engagement ring, kasabay nun ang paglabas ni Cain sumunod naman ako habang hawak ang banner. Takte kinakabahan ako, first time ko makasaksi ng ganito. Napatingin si Tita Rose sa singsing, bakas sa mukha niya ang saya, at ang pagkabigla. Naluluha siyang napatingin kay Cain pero nag-iba ang emosyon niya nang mapatingin siya sa akin, at sa hawak ko. Para siyang natatawa, napatingin din sa akin si Cain, at bumulong. Pigil ang tawa niya. "Ray, baliktad yung banner." Bulong niya. Napatingin naman ako, baliktad nga. Agad ko namang inayos yon. Ngumiti si Tita Rose saka tumango. Tongena nakakahiya. Perfect na sana ang tanga ko lang talaga. "Yes." Sagot niya. "Yes?" Pag-uulit ni Tito. "Yes, yes, yes." Paulit-ulit na sabi ni Tita Rose. Niyakap ni Tito Lance si Tita, at maririnig ang palakpakan sa paligid. Taena, naiiyak ako. I'm so happy for the both of them, saksi ako sa lahat ng pinagdaanan nilang dalawa. At walang araw na umiyak si Tita dahil sa sama ng loob, she only cried happy tears. Sana yung taong makakatuluyan ko in the future katulad din ni Tito Lance. Napatingin naman ako kay Cain habang masayang inaabot, ang bouquet kay Tita Rose. Niyakap niya si Cain, habang nagpupunas ng luha. Naghigh-five naman sa akin si Tito Lance. Lumapit naman si Tita sa akin, at niyakap ako. "So you knew about his plan huh?" Natatawang sabi ni Tita Rose habang nagpupunas ng luha. "Aha, congrats Tita. I know matagal mo 'tong hinintay. I love you!" Naluluha kong pagbati habang yakap ko siya. Bumitaw naman ako dahil sila naman ni Mom ang nagyakapan. "Congrats po Tito! Sabi sa inyo sasagutin niya kayo e." Masayang sabi ko. "Sorry sa banner. Palpak po talaga ako lagi!" Natatawa kong sabi na may halong hiya. "Nako ayos lang! Ang mahalaga soon to be Mrs. Sullivan na ang Tita mo." Sabi ni Tito. Lumapit naman si Cain, "You'll be the next Mrs. Sullivan." Pasimple niyang sabi. Siniko ko siya sa tagiliran habang tumatawa pero takte kinilig ako doon mga 50 percent. Cain Trevorr Sullivan, my ideal man. "Siya nga pala, ano yung sasabihin mo?" Tanong ko. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa sasabihin niya. Napahawak naman siya sa batok niya, madalas niyang ginagawa yan kapag may bumabagabag sa kanya o nahihirapan siyang sabihin ang isang bagay. Lumabas siya kaya sumunod ako. "Hindi na kasi ako dito mag-aaral sa San Juan. I'm not sure kung saan pero ang sabi nila Mama, at Papa hindi raw dito." Nakayuko niyang sabi. "So aalis ka rin dito sa San Juan?" Tanong ko. Bakit? Ibig sabihin ba nito maghihiwalay na kami ng landas? Magkikita pa ba kami? Ito na ba ang huli? "What do you mean? Aalis ka rin ba?" Tanong niya. Umiwas ako ng tingin, "I have to leave, kailangan na nila Tito at Tita ng privacy. Baka sasama na ako kila Mom, at Dad pabalik sa Santa Monica." Pagtatapat ko. Sheet, bakit ang bigat sa dibdib? Eh wala naman akong dibdib. "Santa Monica? May relatives kami doon. Mahihintay mo ba ako?" Tanong niya. "Magkikita pa tayo?" Naluluha kong tanong. Ngumiti siya pero mababakas sa mukha niya ang lungkot. "Magkikita pa ulit tayo, hahanapin kita. 'Wag ka na umiyak." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha na hindi ko na napigilan ang pagpatak. "Magkakalayo na tayo." And its tearing me apart. He's my comfort zone. "Ray, hahanapin kita. I have to go na, baka hinahanap na ako sa bahay." Pagpapaalam niya sa akin. "Kailan ka aalis sa San Juan?" Tanong ko. Tumingin lang siya sa akin, at hindi sumagot. "Cain." Seryoso kong sabi. Alam niyang kapag ganito ang tono ko ay galit ako. "Bukas." Mahina niyang sabi. Naiwan akong nakatulala, muli siyang pumasok sa loob para magpaalam kila Mom, at Dad na kailangan niya na umuwi. Hinatid naman siya ni Tito Lance. Hindi ko siya binigyan ng tingin habang papaalis. Bakit ngayon lang niya sinabi? Bakit bukas agad? Ibig sabihin ngayon ang huling pagkikita namin? Tapos after nito wala na? Wala ng kasiguraduhan na magkikita pa kami ulit? After that day I packed my stuffs na dadalhin ko sa Santa Monica. My parents told me not to bring everything dahil alam nila na babalik-balikan ko pa rin ang San Juan. Nalungkot si Tita Rose sa desisyon na ginawa ko pero naintindihan niya ang gusto kong mangyari, and promised her to visit here kapag may oras ako. My parents wanted to leave today but I begged them not to. Sinabi kong hihintayin ko si Cain dahil ngayong araw siya aalis, at alam kong magpapaalam siya. Alam kong hindi siya papayag na umalis nang hindi ako nakikita sa huling pagkakataon. But he left me disappointed. Halos tumirik ang mata ko sa paghihintay maghapon pero walang Cain na nagpakita. Hindi rin dumalaw sa bahay si Tito Lance kaya wala akong balita. I tried to chat him but no response. I managed to say goodbye to Tita Rose pero after that tulala akong sumakay sa kotse.  Gabi na nang makabiyahe kami. Siguradong madaling araw na kami makakarating sa Santa Monica dahil 8 hours ang biyahe. Pero dahil gabi naman baka 6 hours lang. Humingi ako ng sorry kila Mom, at Dad dahil sa paghihintay. Dapat kasi nakauwi na kami ngayon. Pero hindi naman sila nagalit, at naiintindihan naman daw nila. Sobrang sama ng loob ko, hindi ako makapaniwala na 'yun na ang huling araw na makikita ko siya. Galit pa ako kahapon sa kanya, akala ko magsosorry siya sa biglaan na pag-alis niya. Akala ko makikita ko siya bago kami magkahiwalay. Walang paalam, walang response sa mga tawag at chat ko. Para niya akong iniwan ng wala lang. I managed not to cry but I failed. "Nak, bakit?" Tanong ni Mom nang mag stop over kami sa gasolinahan, lumabas si Dad para bumili ng pagkain. "Namimiss ko lang po si Tita." I lied. "Yun lang ba yung dahilan?" She asked. Nagpahid ako ng luha pero dahil sa tanong ni Mom mas naiyak ako. "Hindi siya nagpaalam sa akin, Mom. Para niya akong iniwan ng wala lang." I said on my cracked voice. "Stop crying, maybe he has his own reasons and besides you'll meet new friends in Santa Monica." Pagpapatahan ni Mom sa akin. Umiling-iling ako. Tumigil ako sa pag-iyak nang makita na pabalik na si Dad sa kotse. I thought I can't be with someone new. Akala ko hindi ako makakabawi mula sa pagkalugmok sa pag-iwan sa akin ni Cain. I thought no one can replace him because he's my comfort zone, and my only one buddy. But then, I met this annoying man. Who proved me wrong that Santa Monica is boring- Gideon Kage del Vañe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD