Gid
***
"Nathalie, mukhang kabado ka?" Natatawa kong tanong sa kanya.
Yung p********e ni Nathalie biglang nawala. Parang sinaniban ng espiritu ng kalalakihan e.
"Yung childhood crush ko nakauwi na." Sabi niya habang nakatitig sa phone niya.
Sumilip naman ako doon, at nakita ko ang family picture post sa f*******:. Umismid ako, at inasar si Nathan.
"Eh ang pogi nyan, di ba si Friar yan? Matagal na yan nakatira dito sa Santa Monica ah?" Tanong ko.
"Gago ka ba? Si Rayne yung tinutukoy ko, babae." Seryosong sabi niya.
Totoo ba 'to? Dating may gusto si Nathan sa babae? Eh mas babae pa nga 'to sa mga nakilala kong babae.
Muli kong tinignan ang picture sa f*******:. Doon ko nakita si Friar Evans kasama ang mga magulang niya, at ang isang babae na hindi pamilyar sa akin.
"Ano kayang meron sa kanya bakit ka nagkagusto sa kanya? I mean don't get me wrong Nathan but you're a gay. Mas maganda ka pa nga sa mga babaeng nakilala ko." Pagtatanong ko out of curiosity.
Nagblush naman agad si bakla. Vaklang two! HAHAHA!
"Pereng shere, Gid." Sabay hawi sa buhok niya.
Tumawa naman ako, ang bilis magpalit ng katauhan e.
"Pero seryoso, Gid. Iba siya sa mga babaeng nakilala mo. Ako alam ko sa sarili ko na bakla ako simula noong pinanganak ako pero nahulog ang loob ko sa kanya noon." Seryoso niyang sabi.
Umingay naman ang paligid nang dumating sila Thomas, Daniel, at Harvey. Mga bandmates ko sila. Nathan is our producer, siya ang humahawak ng schedules namin, nakikipagkasundo kapag may gig, at nakikipagdeal sa mga kliyente. Magaling kasi siya makipagusap, at isa pa marami siyang kaibigan at kakilala.
"Seryoso ng pag-uusap niyo ah. Gid, dumadamoves ka na ata kay Nathalie e." Pang-aasar ni Thomas.
"Siraulo ka ba? Nagkukwento nga si Nathalie tungkol sa girlfriend niya dati." Pang-aasar ko.
Pero imbes na maasar ay mas naging seryoso si Nathan.
"Kung naging girlfriend ko lang siguro noon si Rayne, hindi ako bading ngayon." Sabi niya habang nakatitig sa malayo.
"Oooow!" Malakas na sigaw ng tatlo na may halong pagkabigla, at pagtawa.
"Umayos kayo baka tigasan bigla si Nathalie!" Pang-aasar ni Daniel.
Natawa naman kami, medyo natawa rin si Nathan sa sinabi ni Daniel pero mababakas pa rin sa mukha niya na malalim ang iniisip niya.
"Tangina niyo, baka kapag nakita niyo 'yon kayo ang tigasan." Nakangisi niyang sabi.
"Oooow!" Muli naming sigaw.
"Sige na, umayos na kayo. Isang linggo lang meron kayo para magrehearse." Sabi ni Nathan na parang bumalik na sa pagiging normal na Nathalie.
Parang namaligno kasi kanina e.
Tama siya isang linggo lang meron kami para magrehearse. Isa kasi kami sa mga banda na tutugtog sa Summer Opening ng Santa Monica Beach.
Actually dapat nga nagpapahinga kami dahil graduation na namin bukas. Pero syempre isang linggo lang ang palugit namin para magrehearse kaya kailangan gawin. Isa pa pagkatapos ng Graduation bukas diretso na ang practice namin. Siguradong sunod-sunod nanaman ang gig dahil summer na.
Habang kumakanta ako di ko maiwasan maisip yung mukha ng babae sa picture. Hindi ko alam kung bakit sumasagi siya sa isip ko. Yes, aaminin ko she's cute, and definitely attractive. What I am curious about is paanong ang isang binabaeng katulad ni Nathalie nagkagusto sa kanya?
Mababakas kasi talaga sa mukha ni Nathan yung doubt na baka hindi siya tanggapin nung babae kapag nagkita na sila ulit.
Marami rin akong kilala, at kaibigan na gay pero hindi uso sa kanila ang magkagusto sa babae. I just can't understand what's so special with that girl?
Bago dumilim napagpasyahan namin umuwi na dahil kailangan din namin magprepare para sa graduation bukas.
"Gabi na alam mo naman na graduation mo bukas dapat pumipirme ka rito sa bahay!" Galit na sabi ni Mom.
Sa totoo lang wala naman akong pake kung graduation bukas. School is not my thing. Mas priority para sa akin ang musika, at ang pagbabanda. Sa pagbabanda may pera, sa school wala. Boring pa.
Actually hindi sa pagmamayabang pero may kaya naman ang pamilya namin, businessman si Dad, lawyer naman si Mom. Si Ate nasa Italy, doon siya nagtatrabaho kaya minsan mag-isa ako sa buhay, at bahay dahil laging busy si Mom, at Dad.
Yung kinikita ko sa pagbabanda ang binibili ko ng luho, hindi ko alam kung bakit pero ayoko manghingi sa kanila e.
Siguro kasi nakakaproud lang dahil nanggaling sa sarili mong pawis yung mga bagay na nabibili mo.
"Puro ka na lang banda!" Lagi sinasabi ni Mom ang kataga na 'yan. Sa tuwing pagagalitan niya ako hindi pwedeng hindi madadamay ang banda.
I closed the door of my room. Dad is on his business trip kaya wala siya bukas sa graduation ko.
It sucks when you got the brain, looks, money, pero yung love from your family kapos na kapos. Tapos wala pa silang support sa gusto mo? Ayaw nila Mom at Dad na nagbabanda ako dahil napababayaan ko raw ang pag-aaral ko. Hindi nila alam na gumaganda career ko sa school dahil Band Vocalist rin ako ng SMU Band, bukod sa Banda ko ang Uno, miyembro rin ako ng Banda sa School.
Dad's always busy, mom as well. Si Ate wala, si Santino nga lang kausap ko minsan kapag nangangamusta. Kung wala akong mga bandmates napakaloner ko sigurong tao.
Speaking of Santino, I haven't heard from him for while. Busy ata, gagraduate din kasi siya ngayong taon.
Nakatulog ako nang hindi namamalayan dala na rin siguro ng pagod sa rehearsal, at sa antok. Ni hindi na rin ako nakakain.
Isang malakas na katok ang gumising sa akin, tinakpan ko ng unan ang ulo ko knowing it's Mom.
Kapag nagmamadali siya she's knocking out loud.
"Babangon ka ba o ano? Gideon!" Sigaw niya. "Tanghali na! Kailangan pa kita ihatid sa school!"
Goddamn, 19 years old hinahatid pa e.
"I'll just use my bike!" Sigaw ko sa magaspang na boses.
"Malelate ka na! Bumangon ka na, ako rin malelate sa hearing!" Pahabol niya.
Kumunot ang noo ko, she'll attend the hearing? Pero graduation ko?!
Binuksan ko ang pinto, "What the heck! Mom it's my graduation day?! Hindi ka makakaattend?" Galit na tanong ko.
"First hearing ng client ko, hindi pwedeng wala ako sa hearing Gideon. Babawi na lang ako mamaya pag-uwi ko." Pakiusap ni Mom.
Padabog kong sinara ang pinto, at naupo sa kama.
Bakit sa ganitong pamilya ako napunta?!
Naligo na lang ako, at nagsuot ng black pants, at blue shirt. Kinuha ko na sa closet ang toga ko bago bumaba.
"Mag-almusal ka muna, hindi ka kumain kagabi." Sabi ni Mom.
"Just drop me to school." Walang ganang sabi ko.
Tahimik lang kami sa kotse hanggang sa makarating sa university.
"Congratulations nak." Narinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinansin sa sobrang sama ng loob ko.
Marami ng tao, at mukhang malapit na mag-umpisa ang ceremony. Hanggang sa may mabangga ako, at naramdaman ko na napaso ako.
Nakita kong natapunan ako ng kape ng nabangga ko.
Mapapamura sana ako nang bigla niyang punasan ang damit ko gamit ang panyo na hawak niya habang paulit-ulit na nagsosorry.
It's her. Yung crush ni Nathalie. Napalunok ako, hindi ko alam kung bakit lumakas yung pintig ng puso habang dumadampi yung kamay niya sa abs ko. s**t! Bakit tinitigasan ako?! Para akong natuod. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya dahil hindi ko na mapigilan ang pagtayo ni junjun.
Napatingin siya sa akin, at ako rin sa kanya. Natigilan ako, pati rin siya. Hindi ko alam pero parang nawala yung maraming tao sa paligid ko. Parang siya na lang yung nakikita ko. Parang tumahimik ang paligid.
Napalunok ako, "O-okay lang, miss." Nauutal kong sabi na may halong piyok.
Mukha siyang inaantok, parang nagising ang diwa dahil sa nangyari.
"Rayne." Pareho kaming napatingin sa lalaking tumawag sa pangalan niya. It was Friar. "Anong problema?" Tanong niya, at napatingin siya sa damit ko.
"Gideon, the vocalist! Nako bro, pasensya na. Bangag talaga kasi yung kapatid ko e." Paghingi niya ng tawad.
Ayos lang bayaw! Sigaw ng utak ko. Napalunok ako.
"Hindi wala 'to. Matutuyo rin mamaya." Sabi ko.
Napatingin siya sa hawak kong toga, "Graduating ka na pala. Congrats!" Sinalo ko naman ang shakehands niya.
"Salamat." Bayaw.
Muling lumapit si Rayne sa akin, at inabot ang panyo niya sa akin, "Sorry talaga. 'Yan sa'yo na lang 'yan. Itakip mo dyan." Aligaga niyang sabi bago dali-daling umalis.
"Pasensya na talaga." Sabi ni Friar.
Kinumbinsi ko siya na ayos lang, sabi niya babayaran niya lang daw para makabili ako ng bagong damit sabi ko hindi na. Parang iba-iba naman tayo bayaw e.
But seriously, hindi man lang ako nagalit o kung ano pa man.
Nathan is freakin' right, tinigasan nga ako dahil sa pagdampi ng kamay niya sa abs ko. The heck.
Napatingin ako sa panyo na binigay niya sa akin saka napatawa. Paano ko ipantatakip to sa damit ko? May saltik ba siya? Ibinulsa ko na lang ito bago pumunta sa venue.
Nakalimutan kong badtrip ako kay Mom, nakalimutan ko na dapat galit ako, at malungkot dahil mag-isa ako sa araw ng pagtatapos ko. Tapos nang dahil sa ganoong encounter parang nakalimutan ko agad lahat ng problema na dala ko.
Nathan is right again, may kakaiba nga sa babaeng 'yon.
~~
Thank you!