“PLEASE GO back to your room, iha? We just need to talk to Mr. Antigua,” sabi ng Papa ni Sasha. “Pero Papa ayokong bumalik sa kuwarto. Doon na lang ako kay Steph sa labas,” wika ni Sasha. Umiling ang matandang lalaki. “No, iha. You need to go back to your room now. Don’t disturb Steph and Josh. They need privacy. We also need privacy.” Sumimangot si Sasha. Dinampot nito ang basket ng bulaklak saka nagmartsa palayo sa kanila. Sinundan lang ito ng tingin ni Raiden at nang lumingon ito sa kanya ay nakasimangot pa rin. Agad siyang nagbaba ng tingin. “Mr. Antigua, come with us. We need to talk about important matters,” wika ng matandang lalaki bago siya nito tinalikuran. Tumayo si Raiden at sumunod sa matanda. Pumasok sila sa isang kuwarto na nasa baba lang ng hagdan. Napansin niyang mukha

