Chapter 53 - Surprise Visit

1883 Words

ILANG minuto pa na nagkuwentuhan sina Raiden at Joshua tungkol sa kanilang mga sarili at negosyo bago bumalik ang saleslady. Pagkatapos bayaran ang mga bulaklak ay sabay na silang lumabas ng shop. Nag-convoy na lang sila papunta sa bahay ng mga Bonifacio. Alam ni Joshua kung saan iyon matatagpuan kaya nauuna ang sasakyan nito. Nang huminto ang F-150 ni Joshua sa entrance ng San Lorenzo Village ay huminto rin si Raiden. Napansin niyang lumabas si Joshua kaya sinundan niya ito. “Sir, pupunta lang kami kina Dok Kentt Bonifacio. Pakisabi na sina Joshua Sarmiento at Raiden Antigua ang naghahanap sa kanya.” Iyon ang inabutan niyang dayalog ni Joshua habang kausap nito ang mga guwardiya. “Sige, Sir. Tatawag lang kami sa bahay nila,” paalam ng guwardiya. “Bakit si Dok Kentt ang pupuntahan nat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD