KAPITULO-SIETE

1069 Words
Bawat hakbang at ingay na nililikha ng Christian Louboutin 'So Kate 120 leather pumps na suot ni Alexandra Alonzo Martinez, ay umaani ng pansin mula sa palagid. Bawat taong madaanan niya ay halos mabali ang leeg o hindi naman kaya ay mababakas ang gulat sa mga mukha. Mukhang masyado yata siyang napaaga. Deretso niyang tinahak ang opisina na siyang dahilan kung bakit siya naroon nang ganito ka-aga. Mangilan-ngilan pa lang ang tao sa lugar, walang hirap naman siyang nakarating sa ika-dalawampung palapag ng gusali. Lahat nang maadaan niya ay bumabati ng may paggalang sa kanya. Mula sa pinakamababang empleyado na naroon. Taas noo siyang lumakad at nang sapitin ang salaming pinto ng opisina ay napabuntong-hininga siya. Bahagyang bumalik sa kanya ang tagpong sana at hindi na lang niya nasaksihan. Kagabi pa niya pinag-isipan ang gagawin kaya wala ng atrasan iyon. Itinulak niya ang salaming pinto at sumalubong sa kanya ang lamlam ng buong silid. Walang pang tao sa loob. Iyon ang dahilan kaya siya pumunta ng ganito kaaga. Iyon ay ang tiyaking walang gasinong tao ang makakaalam ng magaganap na pag-uusap sa pagitan nila ng taong sadya niya roon. Umupo siya sa shivel chair na naroon at prenteng pinagmasdan ang marmol na nasa lamesa. Eng. Edward Martinez, President and C. O. O. of Alonzo Constructions. Mapakla pa sa bubot na bayabas ang ngiting gumihit sa kanyang labi. Hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa siya nitong pagtaksilan. Sa loob ng limang taon wala siyang kahit katiting na pagdududa sa asawa. Buong-buo ang tiwalang binigay niya rito. Now, she'd realized na marami pa nga pala siya talaga hindi alam sa lalaking pinakasalan. "Edm—" Nabitin sa ere ang kung ano man ang dapat ay lalabas sa bibig ng babaeng kakapasok lang. Hindi siya makapaniwalang ganito kumilos ang isang empleyada lang sa loob ng opisina ng President ng Kompanya. Ni hindi man lang ito kumatok at walang pasubali na pumasok na para bang welcome na welcome ito roon anytime. "Ahm— Good morning, Alex!" hindi halos magkandatutong bati nito sa kanya. "Good morning, Trexie," malamig pa sa yelong saad niya. "And correction, it is Ma'am Alex, not just Alex," dugtong pa niya. "Oh, I'm sorry Ma'am Alex, nagulat lang ako na narito ka nang ganito kaaga." "Kaya ba hindi ka man lang kumatok? Is that how you work with your bosses here, Ms. Torres?" taas noong tanong niya. "Ahm—, I'm sorry again Ma'am Alex. I promise it won't happen again." "Yes, of course it won't happen again, Ms. Torres. Know where is your place and don't f**k with my husband!" Bakas sa namutlang mukha nito ang takot at gulat. Akala yata ng babaeng ito habang buhay ng mga itong maitatago sa kanya ang mga kababuyan ng mga ito. "Ma'am... I—, I'll explain everything," tarantang saad nito ngunit wala siyang balak marinig kung ano man ang lalabas sa bibig ng makating higad na ito na balak wasakin ang pamilya na ini-ingatan niya. "You know your way out, right? You can leave!" "But, Ma'am..." "I said leave! Leave this company, leave my husband alone... and don't you dare ruin my marriage, you f*****g hoe!" sigaw niya nang tuluyan nang napatid ang natitirang pisi. "Marriage?" nakangising turan ng babae ng bumaling sa kanya na bahagya rin niyang ikinagulat. This is the real deal. The real attitude behind that sweet faced secretary of her husband. Isang mapagbalatkayong hunyango. "You didn't know who was your husband, Alexandra. And I pity you for that! How much do you trust him?" saad nito bago tuluyang nawala sa paningin niya. Ni hindi na rin nito hinintay pa ang sagot niya sa tanong nito. Para siyang mauubusan ng lakas na napa-upong muli sa swevil chair na nasa gawing likuran niya. Anong ibig nitong sabihin? Na nakakaawa siya dahil pinaglaban at isinalba niya ang relasyong meron siya. Damn it! Para siyang kinapos ng hanging dahil sa bigat ng dibdib niya. Hindi pa siya nakakahuma nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang asawa niya. She's not yet ready to face him after what she did to this man's f*****g hoe. Pakiramdam niya ay hindi pa niya naiibalik ang humulagpos niyang pasensya at pagtitimpi kanina. "Alex! Sweetheart..." bungad nito na para bang isang maamong tupa na handang lumuhod para lang sa kapatawaran niya. Tumingin siya ng deretso sa mga mata nito nang gagapin nito ang mga kamay niya. Pinagsalikop nito iyon at mariing hinalikan. Pero bakit sa halip na kiligin siya ay parang gusto pa niyang mangiwi sa dramang iyon. Pakiramdam niya ngayon lahat ng bagay sa paligid niya ay isang malaking kasinungalingan. Totoo pala talaga ang kasabihan na pagtiwala ang nasira, mahirap na itong ibalik pa. "Listen to me, Sweetheart. Inakit lang ako ng babaeng 'yon. Alam mong mahal na mahal kita Alex... hindi ko magagawang ipagpalit ka sa ganong klaseng babae," paliwanag nito. Taliwas sa lahat ng nasaksihan niya ng gabing iyon. Taliwas sa nakita at narinig ng dalawang tenga niya. Nang hindi siya natinag at sumagot ay nagulat na lamang siya nang lumahod ang asawa sa harap niya habang nakaupo sa mismong upuan nito. "Please, sweetheart listen to me! I'm sorry, it's all my fault! Naging marupok ako sa tukso. I'm sorry!" Ano bang dapat niyang gawin? Ano bang dapat niyang maramdaman? Sukdulan bang katangahan na gusto niyang patawarin ito kahit hindi niya alam kung saan uumpisahan? " Get up Ed," utos niya sa asawa. " I believe you!" Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa niyang ngumiti kahit pinipilas ng mismong salita at desisyon niya ang puso niya. Yes, she love herself. But she also love this man, even if he hurt her so bad. Mahal niya ito at iyon ang totoo, mas hindi niya kakayaning makita ito sa piling ng ibang babae. And if swallowing her pride was the only way to fix their marriage, she will gladly will. Lulunukin niya ang lahat. Kakalimutan niya ang pait. Magpapanggap siyang ayos lang ang lahat, that's what a good wife always do, hindi ba! Tumayo siya at gumanti sa yakap nito. Hindi siya uuwing talunan. Walang Alonzo ang umuuwing kawawa. Isasalba niya ng reputasyon niya at ang iniingatang pangalan ng pamilya niya. "I forgive you, Ed..." saad niya. Ngumiti ang asawa niya na para bang nanalo sa lotto ng jackpot at hindi siya naka-react ng tama ng lumapat ang labi nito sa kanya. She froze, and the supposed to be feeling was gone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD