PAGSAPIT ng gabi nang makapagtapos kumain nina Maurice at Julius ay nagpahinga muna sila sa balkonahe ng rest house. Pinalipas lang muna nila ang mga kalahating oras bago nagkaayaan na sa dalampasigan na lang sila pumwesto. "Saglit lang! Magsusuklay na lang muna ako ng buhok," aniya. "Mauna na lang ako roon kasi maglalatag pa ako nitong picnic blanket. Tapos babalikan ko pa ang mga baso, iinomin at pulutan natin." Kinuha ni Julius ang nakatuping tela na gagamitin nilang pansapin sa buhangin upang makaupo sila ng maayos. "Ako na bahala magdala ng mga baso," pahabol na saad niya. "Sige, iiwan ko na lang. Baka mabasag ko pa." Pagkasabi ay demeretso na si Julius sa baba. Tiningnan ni Maurice ang kaniyang sarili sa malaking salamin. Nakasuot siya ng plain white maxi dress ngunit ang nasa

