KUMALAS si Maurice sa mahigpit na yakap ni Julius at piniling ilayo muna ang sarili. Inilubog niya ang kaniyang sarili sa tubig-dagat upang maibsan ang nag-iinit niyang katawan. Samantalang si Julius ay pinapanood at binabantayan lang siya. "Nabasa mo na ang buong katawan mo kaya umahon ka na," ani ni Julius. "Kiss mo muna ako," nakangisi niyang sabi. "Tigilan mo ako, Maurice! Hinding-hindi mo ako maaakit!" singhal ni Julius. "Bakla ka yata eh! Kung normal kang lalaki kanina ka pa nag-iinit at kanina mo pa ako hinalikan," aniya. "I'm not a gay, Maurice! Umaayos ka sa pinagsasabi mo at baka hindi ako makapagtimpi—" "Kapag hindi ka nakapagtimpi ay hahalikan mo na ba ako?" putol niya sa sinasabi ni Julius. "Hihilahin kitang muli sa malalim at sa pangalawang pagkakataon na gagawin ko iy

