These past few days all my past were coming back one by one. Its like a reminder on me on how am I years ago.
And im getting nervous about that.
Now one of them were standing in front of me..
Sebastian Pantalleon.
"Seb..."
He smirked. "Im flattered you still remember me. So how's my little wife?"-sarkastiko niyang saad.
Akmang hahawakan niya ako pero agad iyong winaksi ng lalaking nasa tabi ko. Nakalimutan ko ng kasama ko pala sila. Kanina pa tuloy ako sising-sisi na sumama pa akong lumabas sa kanila.
"Don't you dare lay your finger on her."-kitang-kita ko ang biglang pagdilim ng anyo ni North ng lingunin ko ito. At alam kung konting kalabit pa ay mapuputol na ang kapirasong pagtitimpi na ginagawa niya. Naramdaman ko rin ang maliliit na kamay na pumulupot sa akin.
"North, don't do that in front of your daughter."-bulong ko sa kanya kaya biglang lumambot ang anyo niya.
"Not now, Seb! I owe you an explanation but please not now."
Pakiusap ko sa kanya bago saglit na sinulyapan si Nari at muling nakipag-tagisan ng tingin kay North.
"Magkikita pa tayo Alitha. Remember that!"-saad niya bago ko siya lagpasan.
Napakuyom nalang ang kamao ko habang naglalakad palayo dito. Ang paghinga kung kanina ko pa pinipigilan ay bigla ko nalang nailabas. Sa dami ng lugar at araw ay dito pa talaga! Ano bang mayroon sa mall at dito ko silang lahat nakikita? Noong una ay si Ate ngayon naman ay si Seb.
Unti-unti na talaga akong ginugulo ng mga nakaraan ko.
Three years ago, I was bound to marry Sebastian but I escaped. I run away from him, from everything that's making me feel like a prisoner. Now their showing up one by one. Like a monster in my dreams.
"Sino siya Al? Anong koneksiyon mo sa kanya? At ano ang sinasabi niyang runaway bride? Ikakasal ka sa kanya? Kailan? Bakit hindi ko alam—" Sunod-sunod ang mga tanong ni North sa akin. Halatang kanina pa siya nagpipigil sa harap ng anak namin. Mabuti nalang ngayon ay nag-aya itong maglaro sa kidzania kaya malaya din kaming dalawa.
"Pwede ba, North hindi ito ang tamang lugar para doon."
"So kailan at saan pa ang tamang lugar para sa mga tanong ko? Just give me a f*****g reason to stop me from bugging you!"-frustrated niyang sigaw kaya pati mga taong dumadaan ay napapatingin sa amin.
"He's my fiance. Happy now?"
He froze on what I said.
Gusto niyang malaman, gusto niyang tumigil e'di ibigay ang gusto. Dahil ako mismo pagod na pagod ng tumakbo at magkunwaring ayos lang ang lahat. Kahit ang totoo ay konting-konti nalang bibigay na ako.
Sa sobrang inis ko ay nagwalk-out ako doon. Wala ako sa mood makipagtalo sa kanya o ikwento ang mga nangyari sa akin noon. At sa tuwing naaalala ko ang lahat mas masakit lalo na't nasa harap ko siya. Sinadya man o hindi, may dahilan man siya o wala pareho lang 'yong masakit.
Pagbalik ko kay Nari ay saktong tapos na rin ang oras niya. Gustohin ko man silang iwan ay ayokong magduda ang anak ko. Ayokong magtanong siya dahil ako mismo ay hindi pa handang sagutin lahat iyon.
"Mama, where have you been?"- Nari hugged me. Pasimple kung tiningnan si North ng maramdaman ko ang mabibigat niyang tingin.
"Nagcr lang si Mama anak. So uuwi na ba tayo?" Hindi ko alam kung effective ba ang pagpapasigla ko ng boses ko, pero kailangan kung gawin 'yon.
"May pupuntahan at ipapakilala lang ako kay Nari. Are you going with us? Or do you have plans?"
He's not asking me, his initiating something.
"I need to go home early, can you take Nari home?" He smirked on what I said.
Tumalikod na sila at naglakad papuntang parking lot. Parang kung maglakad ay hindi ako kasama. Kakairita na kailangan kung magpahuli sa paglalakad hindi ako makapag-inarte at iwan sila. Nagpaalam lang ako kay Nari bago sila iwang dalawa. Hind na ako tanong kung saan niya balak dalhin ang anak ko, dahil sigurado din naman akong hindi niya ipapahamak si Nari.
Pagdating nila sa bahay ay pinabayaan ko siyang magstay hangga't gusto niya. Baka sabihin kontrabida ako sa kanilang mag-ama. Kaya siya ang nagasikaso sa anak niya mula sa pagkain hanggang sa pagtulog nito.
"Uuwi ka na?"-tanong ko sa kanya ng malingunan ko siyang palabas ng kwarto ni Nari. Nandito kasi ako sa study table ko at inaayos ang mga benta namin sa tindahan.
"Nagmamadali ka bang umalis ako? Bakit may iba ka pa bang bisita?"
"Wala. Gabi na kasi baka may kailangan ka pang gawin o puntahan."
"So, anong sinasabi mo na may iba pang mas importante sa anak ko at kailangan kung unahin 'yon?"
Walang hiyang 'to parang pinapalabas niya pa na ako ang masama sa aming dalawa dahil iniwan ko sila kanina. Kung may ayaw akong makasama ay siya 'yon at hindi ang anak ko. Ayaw ko lang na pilitin maging okay sa harap niya dahil baka kung anong masabi ko.
"Nag-aaway ba kayo? Alalahanin niyo nasa loob lang ang anak niyo. Pag-usapan niyo yan ng maayos."
"Opo, Nay." Inirapan ko si North ng makaalis si Nay Meding.
Naglakad ako papunta sa may veranda dala ang kapeng lumamig na kakahintay ko sa paglabas niya. Kaya ngayon ininit ko pa ang wesit babadtripin lang pala ako paglabas. Sana hindi ko na lang pala siya dinamay sa pagtimpla ko.
"Is he really you fiancé?"- umpisa niya ng maupo siya sa harap ko.
Saglit ko siyang pinagmasdan bago muling tumingin sa mga bituing nakabandera sa langit.
Marami na talagang taon ang lumipas simula noon, marami na ding nagbago sa itsura niya. Pero isa lang talaga ang humihila sa akin pabalik sa kanya ang mga mata niyang wala ka pang ginagawa ay parang kinakausap na ang buo kung kaluluwa.
"Sinagot ko na yang tanong mo diba? Kailangan ko pa bang ulitin sayo ng maraming beses para maniwala ka?"
"What happen then?" He ask me without glancing at me.
"Nari happen North. Maybe everything really happens for a reason. Sa lahat ng kagagahan ko noon binalik 'yon sa akin for the three years I lost my life. I found it on her North, I found it on our daughter." Pagbaling ko sa kanya ay naabutan ko siyang nakatingin sa akin pero agad ding nagbaba ito ng tingin. "Three years ago, North I lost everything. Even my own life I almost lost it! But god has reasons, he gave me Nari on that day and decided to change everything for her."
"I came that day.." Mahina at pabulong pero rinig na rinig ko. At damang-dama ko lahat ng sakit sa apat na salitang iyon. Para bang iyong sakit ng tatlong taon ay damang-dama ko. "But i can't get near you."
"Why? Sa loob ng tatlong taon inisip ko na iniwan mo ako at pinabayaan. Now your telling me that you came, but you can't get near me? Why?"
"I just can't."
"Bullshit! Reasons after reasons... Wag mong sabihing dumating ka kung hindi mo kayang sabihin ang rason kung bakit hindi ka makalapit! Cuz that day my father disowned me but i'm still their for you!"
Ang kaninang mga luhang pinipigil ko pa ay kusa ng kumawala sa sobrang sama ng loob ko sa kanya. Para bang kahit anong pag-unawa ko sa sinasabi niya ay wala akongmaintindihan.
Basta ang alam ko nasasaktan ako.
"Im sorry..."
Iyon ang huli kung narinig bago ako tumayo at walang lingon likod na bumalik sa bahay.
Napipikit nalang ako ng marinig ang tunog ng sasakyang paalis hudyat na wala na siya.
Naalala ko noon, hindi siya umaalis sa tabi ko o tumitigil kakasuyo hanggat hindi kami nagkakabati. Siguro nga iba na ngayon!
Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto. Maaga ata nagising ang lahat pati ang batang makulit at mukhang nakikigulo sa kanila. Nagpalit lang ako ng sando at cotton shorts as my usual pambahay bago lumabas.
Mukhang hindi lang anak ko ang nagkakagulo sa sala at kusina. Dahil paglabas ko naabutan ko si West at South na nakikipaghabulan sa anak ko sa sala. Pagdating sa kumedor ay papalabas naman si East na mukhang nag-ayos ng lamesa.
"Shhh.. Let him." - bulong ko kay East ng akmang tatawagin ang kaibigan.
And there he is...
Standing in front of the store half naked wearing our purple apron dancing in a tune of a song.

Naalala ko bigla ang babaeng kumanta ng musikang 'yon habang kumikendeng. Hindi ko mapigilang ngumiti ng saktong pagharap niya ay chorus na.
This man really amazed me everyday...
"Kiss me.. Kiss me in the morning--- Al g--good morning."-lumingon siya sa paligid at tiningnan ang sarili. "S--Sorry nalibang ako sa pagluluto kasi nandito kanina ang anak natin. Sobrang init kasi kaya napilitan akong maghubad ng damit."
"Ayos lang. Gusto mo bang ako na ang magtuloy?"
"No need. Patapos na ako. May kailangan ka pa bang ipaluto para sa anak natin or tama na ito?" Nakagat ko ang labi ko. Ayan na naman siya sa anak natin.
"No that's fine. Thanks labas na ako."
Ilang beses akong umiling habang papalabas ng kusina dahil hindi mawala sa isip ko ang itsura niya kanina habang sumasayaw at kumakanta. Para akong nanonood ng live show dahil sa kanya.
"Nahuhumaling ka na ba?" - nakasimangot kung nilingon si West na bumubulong sa tabi ko.
"Ewan ko sayo! Kaya tigilan mo ako."-pagtataray ko sa kanya. Nilakihan ko pa ng mata pero hindi man lang tumalab dito.
"Di makatulog sa gabi sa kakaisip.. Sa panaginip ko ay ikaw ang laging laman ng isip ko..." Salubong naman sa akin ni South.
"I hate you all..."-saad ko sa kanila. Pero tinawanan lang nila ako sa pang-aasar nila sa akin.
This kind of morning were really new to me..