Napapakamot nalang ako sa ulo habang nakatingin sa nagkakagulong mga tao sa harap ko. Gagawa kami ng kaunting palabas dito sa bakuran ni Alitha at hindi ko alam kung matutuwa siya paggising niya.
"I think we need more speakers. What do you think?"-East ask me when he stop beside me.
"Malay ko, Easthanislao! Pag ako inaway dito ni Ali yari ka sa akin.."
"Its not my fault na talo ka sa game. You always end up loser so i wouldn't be shocked if Ali rejected you!"-kibit balikat nitong sagot na parang wala lang ang sinabi niya.
"f**k you ka! Mga bente."
Nilayasan niya na akong habang humahalakhak. Binalikan niya ang mga siniset-up nilang pagkain. Pagkatapos kasi ng tanghalian kanina ay nagpasya kaming maglaro kasama ang anak ko. Ang anak kung ilang taon bago ko nakilala at nakasama kaya ngayon lahat ng oras na pwede kung ibigay sa kanilang mag-ina ay binibigay ko.
"Norte dumating na 'yong ibang caterer san natin pwedeng ipaset up?"-South ask me.
"Doon nalang sa may kabilang gilid. Wag kang ngumisi-ngisi diyan dahil ikaw magbabayad niyan." He smirked before walking away.
Naglaro kami kanina at syempre itong anak ko ang nanalo sa Nanay at Tatay. At ito ang demand niya mini concert daw namin. At ang magaling na bata manang-mana sa Nanay ayon nagimbita ng buong Barangay. Daig pa nito ang tatakbong kapitan e. Pabibo din!
"Naayos na namin ang mga kailangan sa stage. Pag may kailangan kayo tawagin niyo nalang ang mga kapatid ko tutulong pa sila." Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa harap ko. He has more built than i am. Kaya hindi na ako magtataka kung maraming babae ito. Maitsura din at mukhang badboy look nga.
"Salamat sa tulong."
"No worries. Para kay Nari 'to kaya ginagawa namin ito."-makahulogan niyang pahayag bago ako iniwan.
Tangina kailangan ko talagang magdoble kayod para sa mag-ina ko dahil baka maungosan ako. Sabi sa report ni Benny ay simple lang daw ang pamumuhay ng magkakapatid. Pero lahat sila ay may mga naipundar ng bahay at negosyong pinaghirapan nila. Minsan talaga mahirap tingnan ang isang tao base lang sa nakikita.
Akala ko noong una ko siyang makita isang lalaking happy go lucky at walang pangarap sa buhay ang itsura niya. Pero noong nabasa ko ang report ni Benny ay biglang nagbago ang pananaw ko para dito.
"Papa..." I smiled when i saw her with her dress. Birthday niya na next month at balak kung dalhin silang mag-ina sa Hongkong. Gusto kasing pumunta sa Disneyland ni Nari kaya baka iyon nalang ang birthday gift ko sa kanya.
"Yes baby..."
"How do i look? Do i look beautiful like Mama?"
"Indeed you are, baby. You're the most beautiful in my eyes."-sagot ko sabay lahad ng dalawang braso sa kanya. Napapikit ako ng ang maliliit niyang braso ay yumakap sa akin.
Ito ang bagay na kahit saan hindi ko mahahanap, na kahit ilang milyong halaga ay hindi matutumbasan ng pera.
Hindi ko pa sila napapakilala kila Mama at Papa. Maybe one of this days. Lagi kasing maiinit ang ulo ni Ali sa akin hindi ako makabwelo. Pangalan palang ang tatawagin ko ay parang bubuga na ng apoy. Minsan napapaisip naman ako kung naglilihi ba siya pero imposible naman 'yon.
Niyaya ko siya sa stage at pinaupo sa harap ko. Kailangan ko kasing itest ang sounds at busy naman ang tatlo. Malakas siyang sumigaw at pumalakpak ng naghello ako sa mikropono.
"Go, Papa. Make me proud!" Napakamot ako ng marinig ang sigaw niya. Parang bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Ito ang unang beses na kakanta ako sa harap niya bilang Tatay niya. Baka mamaya ay hindi ko maabot ang expectation na meron siya, ayoko din naman siyang biguin.
Huminga ako ng malalim bago binitawan ang unang lyriko ng kanta. Habang nakatingin sa babaeng pababa ng hagdan ay unti-unting nawawala lahat ng kabang nararamdaman ko. Para bang ako at siya lang ang tao sa mundo ko. Walang ibang makita kundi ang maganda niyang mukha habang nakatanaw sa akin.
Ang babaeng inspirasyon ko sa lahat ng tagumpay na natamo ko.
"Hoy, Carne Norte tapos na 'yong tugtog baka malunok mo na ang mikropono." Bigla akong natauhan sa tapik ni West sa balikat ko. Hindi ko na pala natapos ang pagkanta kakatingin ko kay Alitha.
"Paano ka kakanta mamaya kung ngayon palang nalulunod kana sa presinsiya ni Ali. Tsk..tsk.." Sinamaan ko lang ng tingin si South ng daanan ako. Napangiti naman ako ng sinalubong ako ng prinsesa ko.
"Baby, sorry. Hindi kasi ni Papa kabisado ang kanta."
"Pwede pala 'yon. A singer that can forget a song, anyway that's fine Papa. I still love you." Nakangiti niyang saad bago ako inulan ng halik sa mukha.
"I love you too, Princess."
Sinundan ko siya ng tingin habang isa-isang nilalapitan ang mga bisita niya. Para siyang may charity program sa pag-iistema niya sa mga ito. Nakakatuwa lang na lumaki siyang ganito ka biba parang Nanay niya noon. Kaso mas madalas siyang itago ni Senator sa mga tao dahil pasaway nga.
"Ano naghuhubad na ba si Ali sa pangarap mo at nabaliw kana bigla?"
"Gago! Ang dumi ng isip mo, sapakin kita diyan e." Agad na umiwas si West ng ambahan ko ng suntok.
"Kasi naman ngumingiti ka mag-isa e. Ganyan ba ang epekto ng Zuldiriego fever? Kung ganyan ako 'yang maranasan, walang gamot diyan."
"Baliw! Masaya lang ako na nakikitang masaya ang anak ko. Ilang taon na halos mawalan na ako ng pag-asang makikita ko pa ulit si Ali. Alam niyo yan di'ba? Pero ngayon heto siya sa harap ko at may bunos pang Nari."
"You really deserve all this, North. And Nari really loves you so much." Tapik ni East sa balikat ko.
"Oo nga. On process maaayos mo din ang tungkol sa inyo ni Ali. Siguro masyado pang masakit sa kanya ang lahat ng nangyari before but at least its on the process of healing." South added.
"Sana nga. Sa dami ng sumusulpot na mga lalaki sa buhay niya ngayon mas lalo akong nawawalan ng pag-asa."
"Naku ah! That day you bump into Ali again after a year, your so sure that you wanted her back. Tapos ngayon nakita mo lang ang mga lalaking 'yon nagdalawang isip kana? Dude, you're not just somebody! You're North of Cardinal Directions." Napailing ako sa sinabi West. Minsan din 'tong kumag na 'to may sense ang lumalabas sa bibig e. Kaso mas madalas puro kalokohan mahirap matyempohan ang minsan na 'yon.
"West is right. Wag mo masyadong maliitin ang sarili mo. You both deserve more than just a pain from the past."
"Ito na ba 'yong iiyak ako sa dami ng payo niyo?"
"Tado! Ikaw na nga pinapasaya e. Ayon na 'yong mahal mo baka masalisihan kana naman."
Wala na akong nagawa ng itulak ako ni South papunta sa direksiyon ni Alitha. Pero bago pa ako makalapit ay naunahan na ako ni Diego. Awtomatikong ngumiti siya pagkakita kay Diego. Bawat buka ng bibig nito ay tutok na tutok siya, bawat sinasabi nito ay nakikinig siya. Para bang bawat pangyayari sa buhay nito ay nakaabang siya.
Noon ganoon din siya sa akin. Noon ako lang din ang nakikita niya. Noon ako lang din ang nagpapasaya sa kanya. At noon sa akin umiikot ang mundo niya.
Kaya kahit mahirap gagawin ko lahat para mabalik lahat ng akin noon.
Iyong sa akin lang siya nakatingin at ngingiti na halos mawala na ang mata niya.
Huminga ako ng malalim bago pasimpleng inayos ang buhok ko kahit hindi ko alam kung maayos nga ba. Hinila ko pa ang damit kung baka nagulo na sa mga ginawa namin. Inamoy ko na din dahil baka mabaho na pala ako para sa kanya.
"Sige.. Una na ako balitaan kita pag may nahanap ako." Dinig kung sabi ni Diego saglit itong huminto sa harap ko at tumango.
"Hi.." Alanganin akong bumati sa kanya na ginantihan niya din naman. Dahil sa totoo lang hindi ko rin naman ang sasabihin ko.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko ng tumayo ako sa tabi niya. Para bang hindi ako makahinga pag malapit siya. Tangina, tama yata si West nababaliw na ako. Inilagay ko nalang ang dalawang kamay ko sa bulsa ko dahil pakiramdam ko pinagpapawisan ito sa kaba.
"Ayos ka lang? Talagang pinagbigyan niyo siya dahil lang sa larong iyon." Natawa siya ng bigla akong napapitlag sa tanong niya.
"Sorry. Oo naman. Ikaw ayos ka lang? Tsaka kasunduan namin 'yon kaya kailangang tuparin."
"Oo. Sobrang effort na ang ginagawa niyo para sa anak ko."
"Anak natin Al. She's ours to be exact." Bigla akong nagbaba ng tingin ng saglit siyang napatitig sa akin dahil sa sinasabi ko. Dahil iyon ang totoo, hindi lang naman sa kanya si Nari. Hindi niya ito mabubuo ng mag-isa.
"Hindi mo naman kailangan gawin lahat ng ito North. Sapat na sa kanyang alam niya kung sino ang Tatay niya." Patuloy niya na nakatingin na sa anak naming nakikipagkulitan sa mga kalaro niya.
"Siguro para sa 'yo. Pero para sa akin kulang pa ito sa ilang taong wala ako sa tabi niya Al. I should be the one who's taking care of her. The one who sent her to school took care of her when she's sick. But im not their, im not their when she needed a father Al."
"Hindi ko naman inaalis sa 'yo ang pagiging ama sa kanya. At kasalanan ko kung bakit kayo nagkahiwalay. Pero alam naman nating walang permaninte sa mundo kaya ayoko siyang masanay." She bit her lower lip. I saw sadness crossed her eyes when she said that words.
"Hindi na mangyayari ang nangyari noon Al. I will never hurt her the way I hurt you. That's why im here."
"Sana nga.. Dahil ayokong maranasan niya ang sakit na narasanan ko noong binigo mo ako."
Nasasaktan akong marinig iyon mula sa kanya. Iyong tipong inaalay ko na sa kanya lahat pero hindi ko pa rin siya mapaniwala na mananatili na ako. Sadyang hindi pa rin siguro sapat ang lahat para mapakita ko sa kanyang seryoso ako. Marami man akong mga bagay na hindi masabi sa kanya sana pagkatiwalaan niya pa rin ako.
Gaya ng pagkapit kung mahal niya pa rin ako sa kabila ng lahat ng ito.
♡♡♡♡♡
Five Years Ago...
Ilang beses ko ng inayos ang buhok ko at huminga ng malalim. Pero wala pa ring nagbabago kinakabahan pa rin ako.
Isang beses pa akong huminga ng malalim bago naglakad sa babaeng nakaupo sa bench. Pagkatapos ng klase ay nandito sila tumatambay sa may Burnham Park ng mga kaibigan niya. Ilang beses akong sumubok na lapitan siya pero lagi ring nababahag ang buntot ko. At ngayon ang pinakahuling beses dahil baka sa susunod na pasukan sa Maynila na ako mag-aral sabi ni Mommy.
"Lapitan mo na. Sige ka pag nakarating ka ng Manila ako manliligaw diyan."
Napasimangot ako sa sinabi ni West. Isa sa apat na mga kaibigan ko dito sa Baguio. Sumusubok kaming bumuo ng banda pero kadalasan sa likod lang kami ng stage tumutugtog. Dahil lahat din kami ay nahihiya ang madalas naming audience ay ang mga ipis at daga doon. Pero ayos lang kasi iyon ang pinakalibangan naming magkakaibigan.
Doon kami sumasaya.. mga bagay na hindi naiintindihan ng iba.
"Bilisan mo na may praktis tayo. Pumayag na si Sir na kumanta tayo sa field day." Mas lalo tuloy akong kinabahan sa sinabi ni East kanina. Kaya ngayon kailangan ko na talagang lakasan ang loob ko.
"Ahemm.."
"May kailangan ka ba? O sadyang ubohin ka lang?" Muntik akong masamid sa sinabi niya. Napaka prangka naman talaga ng babaeng ito.
"A—ano kasi---- ano---"
"Hala si Kuya nautal na namumutla pa.. Crush ka yata Ali," Nilingon ko ang tatlong kaibigan kung halos hindi na makahinga kakatawa dahil sa akin.
"Tumahimik ka nga Aizerene. So ano ngang kailangan mo? Hindi ka naman siguro tatayo lang diyan hanggang mamaya?"
Napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya. Tangina hindi pwedeng babakla-bakla ako sa harap niya. Paano ako papasa kung duduwag-duwag ako? E, anak 'to ni General mas siga pa ata 'to sa akin.
"Ako nga pala si Northemio Dimagiba. Pwede ba kitang ligawan?"
Napatayo ako ng tuwid habang seryosong nakatingin sa kanya. Daig ko pa ang sundalong sumasaludo sa kanyang kumando. Napakurap ako ng imbes na sagot o kung anu man ay isang hagalpak ng tawa ang natanggap ko.
Sa sobrang hiya ko ng marinig ang tawa niya ay napayuko ako at agad na tumalikod. Dali-dali akong naglakad pabalik sa pwesto ng mga kaibigan ko sa sobrang kahihiyang nararamdaman ko.
"Sige.. Pwede kang manligaw. Pero araw-araw susunduin mo ako at dadalhan ng meryenda ah!"
Bigla akong napa-angat ng tingin at gulat na nilingon ang babaeng sumigaw noon.
Para akong aatakihin sa puso habang nakatingin sa siya sa akin at ngumiti.
Tangina... Mamamatay na yata ako!