Napatingin ako sa salamin. Ilang beses ko ng inayos ang buhok ko pero parang hindi parin ako nakukontento. Maaga ang punta ko ngayon sa palengke dahil ako ang magbubukas. Kawawa naman si Katya dahil nalulutang na kakagising tuwing umaga.
"Nay aalis na po ako ah!"
"Dalhin mo na itong almusal mo ah! Baka mamaya puro kape ka na naman." Napanguso ako sa sinabi ni Nay. Kasi madalas naman talaga tinatamad akong kumain kaya puro kape lang.
"Nay naman e. Aga ng sermon. Alis na po ako."
Humalik lang ako sa pisngi niya bago lumabas. Tulog pa si Nari kaya humalik na lang ako dito bago umalis. Ayoko na siyang gisingin dahil pagod pa ito sa pinaggagawa nila ng ama niya nitong weekend.
"Good morning! Ang aga natin Ali ah! Wala si Katya?"
"Good morning din Kuya Gil. Mamaya pa siya darating. Baka lalong lumutang ang isip kung siya lagi ang magbubukas."
Abala na ang ibang pwesto sa pag-aayos ng kanilang mga paninda. Iyong iba nga alas tres palang ng madaling araw ay nandito na. Ako lang talaga ang pwestong tamad magbukas ng maaga. Nakakaantok kaya gumising ng maaga di ko naman ikakayaman 'to. Ang importante may pang gastos kami at pambili ng pagkain magi-ina.
"Ate Ali, saan ko ilalagay 'tong mga isda mo?"
"Diyan nalang Cardo. Mamaya ko na aayusin yan." Utos ko kay Cardo na nagsasideline dito sa palengke pag wala siyang labas sa tv.
"Tulongan na kita 'te. Nasaan ba si Katya at ikaw ang nandito ngayon?" Tanong niya habang inaayos ang mga tray ko.
"Naku ah! Ayaw mo ba akong makita dito kaya hinahanap mo si Katya? Pag iyon lagi ang tao dito baka malugi na ako kasi mas lalong magiging lutang ang crush mong 'yon." Masungit kung singhal sa kanya pero tinawanan lang ako.
"Si Ate talaga! Wag ka ngang laging magsungit ang aga-aga pa kaya. Sana maaga dumating ang mga manliligaw mo para lumamig na ang ulo mo."
Napangiwi siya ng batukan ko ng tray. Aga-aga sinisira agad ang araw ko.
"Te bumili ka na kaya. Daig mo pa ang nanliligaw diyan sa isda ko e, lamas na lamas na." Nakakaasar kanina pa pindot ng pindot lamog na lamog na ang isda e.
"Miss tinitingnan ko pa. Ba't ba nagmamadali ka? Sa iba na nga lang ako bibili. Hmf!"
"Aba't ikaw pa galit 'te? Tatandaan ko 'yang mukha mo ah! Wag na wag kang bibili kahit kailan sa akin." Sigaw ko dito ng maglakad ito palayo at lumipat ng ibang isdaan.
"Ate, hayaan muna. Fresh pa naman si fishy.. kasing fresh ko pa din." Napakunot ang noo ko lalo sa sinabi ni Katya habang nagpafoundation sa harap ko.
"Oo nga e. Pansin ko din Katya fresh na fresh ka pa nga. Mas fresh ka pa nga sa isda na tinda natin e. Simula ba naman ng dumating ka hindi na matigil ang kaka kuskos mo diyan sa mukha mo e."
"Hala, Ate hindi kaya. Mga isang oras palang naman. Grabi ka talaga sa akin 'te."
"Oo nga. Isang oras palang simula ng dumating ka pero nag-iinit na ang ulo ko sa 'yo." Parang hindi pa siya naniniwala sa sinahi ko. Naku kung hindi lang talaga ako naaawa sa Nanay nito matagal ko na 'tong pinalitan.
Napatingin ako sa celpon ko na kanina pa tunog ng tunog. Inaabala ko na nga ang sarili ko dito sa palengke pero 'tong si Norte hindi magtigil sa pang-aabala. Hindi iyong anak niya ang iniistorbo niya ayon marami 'yong time sa kanya.
"Hello my loves.." Napasimangot ako ng malayo palang ay kumakaway na si Diego sa akin. Kabuntot niya si Boni na may bitbit na kung ano.
"See, Ate. Nandiyan na ang magpapalamig ng ulo mo at magpapaubos ng paninda mo" ngisi agad ni Katya. Dahil pag tumambay dito ang magkakapatid ay pati katawan nila ay inilalako na rin nila. Mas nakakatulong daw sa kanilang kumikitang pangkabuhayan. Sayang naman daw kung hindi gagamitin.
"Ano na namang ginagawa mo dito?"
"Eto naman si my loves parang hindi masayang makita ako."
"Hindi talaga."
"Grabi ka naman! Dinalhan pa nga kita ng bulaklak kasi naalala kita ng dumaan ako ng dangwa." Kunot noo ko siyang tiningnan pati si Boni na nasa likod niya.
"Nasaan ang bulaklak Kuya Diego? Dyino joke mo lang yata si Ate e."
"Boni ibigay mo nga ang regalo ko kay Ali ng maniwala. Kakainis 'to nageffort pa kaya akong bitbitin yan. Kasi sabi ni Ateng tindera maganda daw yan na pampaswerte."
Halos malaglag ang panga ko ng tanggalin ni Boni ang paper bag na nakabalot dito. Tumambad lang naman sa harap ko ang gumamelang nakalagay pa sa paso. At may bunos pang langgam ang bulaklak niya.
"Ba't parang hindi ka naman masaya my loves? Hindi mo man lang na appreciate ang effort na ginawa ko para sa 'yo?"
Juice ko lord. Bigyan niyo po ako sa araw-araw ng mahabang pasensya at pang intindi sa mga taong nasa paligid ko.
"Hindi masayang-masaya nga ako sa gumamelang dala mo Diego. Sobrang natutuwa ako na parang gusto ko na lang ihampas sa 'yo."
"Ate sinabihan ko na din siya. Pero mapilit kaya heto kami."
"Ikaw na nga ang binigyan e. Halika na nga Boni kunin mo 'yong gumamela ilalagay natin sa bahay 'yan." Bilin niya pa bago kami tinalikuran.
"Hoy binigay mo na kaya ba't iuuwi mo sa inyo? Boni sa bahay mo yan idiretso magsasara na rin kami." Pagkarinig ni Diego na magsasara na kami ay agad itong bumalik sa harap ko at ngumiti.
"So my loves sasabay ka na ba sa akin? Dala ko ang motor ko pwede kitang iangkas." Napahilamos na lang ako sa kakulitan ng isang ito. Minsan mas gusto ko pa siyang seryoso kita ganitong kinukulit niya ako.
Matiyagang nag-antay si Diego sa amin. Tinulongan niya rin akong magsara dahil past twelve na. At siguradong pagagalitan na naman ako ni Nay Meding dahil iisipin na naman niyang hindi ako kumain. Na minsan ay totoo naman dahil sa sobrang busy ko ay nakakalimutan ko na din talaga.
Pero paglabas namin ay naabutan namin si North na seryosong nakasandal sa kotse niya habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa.
He really look fresh in his gray shirt with black blazer and a faded jeans with his sneakers.
Boy next door ang datingan ni Kuya. Mukhang kanina pa siya nag-aantay dahil naipon na sa kabilang gilid ang mga babaeng nag-aantay na lingunin niya. Napailing na lang ako sa itsura niya tapos mukha pang bago ang sasakyang dala niya.
Mayabang din!
"North.." tawag ko sa kanya. Agad siyang nag-angat ng tingin at ngumiti pero agad ding nawala ng magawi ang tingin sa likod ko. "Anong ginagawa mo dito?"
"Sorry. Nagsend kasi ako ng message at tumatawag sa 'yo pero walang sumasagot kaya pumunta na ako."
"Baka busy kaya hindi masagot" Napakamot ako sa ulo ng biglang sumabat si Diego na nasa likod ko pa rin.
"Diego.." pinandilatan ko lang siya ng mata at nagkibit balikat. "Sorry, pero busy din talaga ako lalo na kung nandito ako sa palengke. Ano ba 'yong sinadya mo pa dito? Pauwi na din kasi kami sa bahay, gusto mo doon nalang tayo mag-usap?"
"Ah---Ummm... Pwede ba tayong mag-usap privately? About Nari." Bigla akong tinuboan ng kaba sa sinabi niya. Ayoko na mababanggit ang anak ko dahil sobrang takot ang nararamdaman ko.
Bumaling ako kay Diego. "Dieg's sorry pero pwedeng mauna ka na? May pag-uusapan lang kami ni North. Salamat."
"Sige. Tawagan mo lang ako kung may gagawing masama sa 'yo ang mokong na ito." Tumango lang ako bago sumakay na sa kotse ni North.
Ilang beses. Kung tinanong si North tungkol sa gusto niyang sabihin pero mamaya nalang daw. Kaya pagdating namin sa bahay ay tinanong ko ulit ito. Mabuti nalang at wala pang tao dito sa bahay dahil nagsundo pa si Nanay kay Nari. Makakapag-usap kami ng maayos dito sa bahay at kung sakaling hindi ko naman magustohan ang sasabihin niya maaway ko siya ng hindi hinaharass ng media.
"Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan tungkol kay Nari?" I started.
"I want to have the rights on my daughter, Al."
I almost drop the glass im holding as I heared what he said.
"Right's? Really North. Anong right's pa ba ang gusto mo? Malaya mong nakakasama at nakikita ang anak mo, so ano pang right's ang hinihingi mo?" Parang biglang nag-init ang ulo ko dahil sa narinig ko sa kanya.
"I know, Al. And im thankful for that. But I wanted more, I want her to bear my name and be a father to him."
"Tangina! Bear your name? O e 'di sige palitan mo ang apelyido ng anak ko kung iyan ang ikakasiya mo. Pero hinding-hindi mo siya makukuha sa akin kahit magkamatayan tayo Northemio."
"Al, can you please listen to me first? I mean no harm about this I just want the best for our daughter. Ilang taon mo na siyang kasama ako ngayon lang Ali. Nakikiamot pa ako sa oras na pwede siya at kung papayag ka pa. Kung ayaw mo akong bigyan ng karapatan sa kanya I don't have a choice but to bring this to court."
"f**k you!" Naiiyak kung saad sa kanya. Parang hindi ako makahinga sa mga naririnig ko mula sa kanya. Ilalayo niya ang anak ko at hindi ako makakapayag noon.
"Then lived with me and Nari." He say's it like its just simple as that.
Mangha akong napatingin sa kanya.
"You say's it just like that easy!"
"You'll just gonna lived with me Al---"
And before I knew it, my world were already collapsing.
"Omg! Were leaving at Papa's house? Im so excited for it Mama. When are we going to pack? Do I need to pack all my things? Does Lola Nanay are going with us?"
Pabagsak akong naupo sa sofa at naihilamos ang dalawang kamay.
Im so dead right now!
At ang walang-hiya ay siguradong tuwang-tuwa sa naririnig mula sa anak. Wala na itong tigil sa sobrang pagkaexcited sa narinig. Kanina nagpapasalamat ako na dito kami nag-usap. Pero ngayon pinagsisisihan ko na iyon ng husto. Hjndi ito ang inaasahan kung kalalabasan ng pag-uusap na ito.
"Baby.. Nari can I talk to you?" Agad ma bumalatay sa mukha niya ang lungkot sa tawag kung iyon. Wala pa akong sinasabi pero ramdam niya ng hindi ako ayon doon.
"Why, Mama? Are you not going with us?" Napatingin ako kay North na agad na naalarma sa tanong ng anak namin.
Mahina ako sa ganito, mahina ako pagdating kay Nari. Napakagaling miyang maisip ito at bigyan ako ng ganitong isipin. Alam niyang mahina ako pagdating sa anak ko, ni hindi ko nga yata kayang mabuhay ng wala siya e.
"No, its not that baby----"
"Mama sabi ni Teacher family should be living together. But us were living separately. I want us to be together like my friends. I want to attend at the family day with both of you." Umiiyak na siya habang sinasabi iyon. Napahinga ako ng malalim at nilapitan siya para yakapin.
"Baby.. I loved you and you knew that I will do everything for you to make you happy!" Pag-alo ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya. Tiningala ko si North na tiim bagang din na nakatingin sa amin.
Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari sa akin ngayon.
"Im sorry. I just wanted to---" He started when I got out after I tucked Nari to sleep.
"Sorry?" I glared at him. "Para saan pa? Simula ng dumating ka gumulo ang buhay naming mag-ina alam mo ba 'yon? Tapos ngayon gusto mong kunin ang anak ko? Hindi paba sapat sa 'yo ang lahat ng ito?"
"Anak natin Alitha. At lahat ng ito ay hindi ko kinukuha nakikihati lang ako sa karapatang meron ka dahil anak ko rin siya. Ilang beses mo ba akong itataboy? Pinipilit ko namang maging mabuting ama para maging deserve niya. Why do I feel like its not enough? That im not enough for her, for you. Im taking all the chances I have to have you both back in my life, Al."
Pagod siyang tumingin sa akin. Ang sakit na nakikita ko sa mata niya ay hindi ko matagalan ay napilitan akong magbaba ng tingin.
"Your asking too much.." I whispered.
"Too much? Is it too much to ask for your forgiveness and a second chance to be with you?"
"Sapat ng kay Nari nalang North."
"Tangina Al, ilang beses akong hihingi ng tawad para mapatawad mo? Anong kailangan kung gawin para mabawi ang tiwalang nawala ko? Ilang panunumbat pa ba tungkol sa nakaraan natin ang kailangan kung tiisin para mapanatili ka sa tabi ko? Dahil kung madami pa, ayos lang basta sa huli akin ka!"
I was stunned on what he said. And before I could think of words to defend myself, he ran out of the house.
Ang walangya tumatapang na may pagwalk out pa.