Sixteen

2576 Words
Napatingin ako sa batang walang tigil sa pagkanta sa tabi ko. Sobrang excited niya para sa araw na ito at naririndi na ako sa totoo lang! Nandito kami ngayon sa van na maghahatid sa amin papunta sa bahay ni North. Si Benny ang sumundo sa amin dahil may gagawin pa daw ang amo niya. Eto ang araw na napagkasunduan namin na lumipat sa bahay ni Northemio pero ang walangya hindi man lang nag-abalang magkaoras para sa amin. May pasabi-sabi pang gagawin ang lahat. Talkshit lang pala ang pota! "Tito Benny, are we still malayo pa?" "A little bit, baby. Your Papa wanted a good house and a beautiful scenery so we end up here. Kinda far from the city but its worth it, I guess. You'll love the house when we get there." Tumango naman ang anak ko na hindi ko alam kung naiintidihan niya ba talaga. Dahil nitong mga nakaraang araw ay nagtataka na ako kung saan niya hinuhugot ang mga naiisip niya. Para sa batang ilang taon palang nagiexist sa mundo ay masyado na siyang maraming alam. "Eto ang pinagdalhan niyo sa akin noon di 'ba?" Wala sa loob na tanong ko ng makita ang bahay na nasa harap ko. Kulang ang salitang maganda para ilarawan ang paligid. Ibang-iba sa nakasanayan ko sa Manila. Ito ang bahay na gustong gusto ko noon para akong nasa Baguio. A house made of wood, cement and glass with a wide lawn and spaces around the house. Damn this is my dream house... this is our dream house. "I f*****g hate you North!" Wala sa sariling usal ko habang nakatingin sa bahay na nasa harap ko. "Papa's house is so big, Mama. Are we really staying here?" Pilit akong ngumiti ng makita ang masaya niyang mukha at nagnining-ning na mga mata. Kahit ako na overwhelm sa itsura ng bahay, hindi ko inakalang ganito ang desinyo at pwesto nito. "Yes, baby for now. Let's just hope this ends well." Pagpasok namin sa loob ng bahay ay sinalubong kami ng buong banda. Hindi naman sumama si Nanay kasi daw walang maiiwan sa bahay. Ngayon hindi ko alam kung paano ako kikilos sa bahay na hindi akin, malala pa kasama ko si North. Masayang-masaya sila habang inaasikaso ang anak ko. Sa sobrang saya nila hindi na nila ako naalala naiwan ako dito sa sala habang tinitingala ang buong bahay. Ito talaga ang bahay ko. Ang bahay na pinangarap ko noon. Hindi ko alam na binuo niya pala ito. "You like the house?" He asked when he approached me. "Yeah. It looks nice and refreshing. May pinagkuhaan ka ng design?" Tanong ko pa habang panay parin linga at di mapirmi ang mata. "Oo. Sa bahay na binuo mo noon." Napakurap-kurap ako ng tumigil ang mata ko sa kanya. Hindi ko alam na tinago niya ang drafts ng drawing ko. "You kept it?" "Yeah. That's your dream, that's our house and it's your dream right? Your first draft." May himig ng pagyayabang sa boses niya. Na para bang proud na proud siya sa bahay na ito. Na kahit ako ay hindi makaapuhap ng mga salita para mailarawan ang nararamdaman ko ngayon. "Why?" I stutter. "Why? Do I need a reason to kept the things that I loved? Do I need a reason to hold on to the things I lost? Cuz if it does, then your my reason Alitha. You're the reason for all of this." Parang sandaling tumigil ang oras at paghinga ko dahil sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga konting salita niya ay nagkakaroon ng epekto ito sa akin na hindi ko gusto. Ayoko 'yong maramdaman dahil alam kung hindi maganda ang kahihinatnan. Sapat ng nagpauto ako noon, ayoko na sanang ulitin ang katangahang desisyon ko noon. "Why does its so easy for you to say those words? Bakit kailangan mo pang paulit-ulit ipaalala sa akin ang nakaraan? North nakaraan na, lipas na tapos na hindi na kailangan pang paulit-ulit balikan. You may say words that make you feel good but that doesn't change the fact that you hurt me!" "Kaya nga bumabawi ako. Kaya nga paulit-ulit ko ding ipinaaalala sa 'yo na hanggang ngayon mahal parin kita. Hanggang ngayon ikaw pa din. Kung kailangan na magmukha akong tanga sa kakasabi noon sa 'yo, gagawin ko. If that's the only way for you to stay." "I'll stay because of Nari, not because of you. Remember that." Bakas ang lungkot sa mukha niya ng marinig ang sinabi ko. Nasasaktan siya? Bakit nasaktan din naman ako. Hindi niya alam kung anong hirap at sakit ang pinagdaanan ko ng dahil sa nangyari. He doesn't know, coz his not there. Magsasalita pa sana siya kaso biglang sumulpot ang mga kaibigan niya at agad siyang hinila paakyat. Nag-iwan pa sila ng makahulogang tingin sa akin bago tuluyang umalis. Alam kung mas papanigan nila ang kaibigan kesa sa akin. Kahit pa anong dahilan ni North sa kanya pa rin sila maniniwala. Tahimik akong lumabas ng kwarto ni Nari na nakatulog na dahil sa sobrang pagod. Maghapon siyang nakipaglaro sa mga Ninong niya at nakipagkulitan. Napatigil ako ng bumungad sa akin ang isang pigurang maghapon ko na atang iniiwasan. Dahil sa tuwing maghaharap o magkakasama kami ay walang tigil sa bangayan at sumbatan ang nangyayari. Kung magiging ganito kami sa mga susunod na araw hindi ko na alam kung paano kami sa harap ni Narissa. "You want to drink?" Saglit ko siyang tiningnan na parang alanganin din sa tanong niya. Kibit balikat na lang ang sinagot ko sa tanong niya. Be civil that's what we need. Sinundan ko siya sa likod bahay kung saan naroon ang dalawang malaking infinity pool. Makikita mo mula doon ang magandang view ng buong lugar lalo na't nasa mataas na lugar nakapwesto ang bahay. Sa tabi ng pool ay may mga nakahilirang lamesa at mga benches. Sakto lang ang liwanag ng mga ilaw na nakakabit sa gilid ng mga bakod at ang liwanag na nagmumula sa sinag ng buwan. "Care to sit? Hindi ka naman siguro tatayo lang diyan magdamag. Al, we'll see each other more often, so we need to be more civil than we used to be." "Maayos ako North, ikaw ang maraming isyu." Kibit balikat kung sagot bago umupo at nagsalin ng alak na nasa harap ko. Walangya mapapasubo ako sa Bourbon na nasa harap ko. Dahil sa totoo lang lumipas man ang maraming taon hindi talaga kami magkasundo ng alak. "You really changed...a lot." He say's the word as if his saying it for himself. "I did, North. And im not the only who've changed and changed is constant by the way." "Siguro nga. But at least I changed for the better." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Sinasabi niya bang I didn't changed for something good? Cuz if that's what his been implying at I can debate whole night for that. "Oh, really? And I don't? Is that what your saying here? Cuz as far as im concern Mr. Ruiz I took care of my child three straight years without the help of anybody. I build a life far from what I used too. I make a new Ali without a Zuldiriego name on it." Hindi ko napigilan ang sarili ko. Dahil sa dalawang shot ng Bourbon ay pakiramdam ko isang bote na ang naiinom ko. Kung ito ang chance para sa mga nakaraan namin then be it. Bahala na bukas si Batman kung kaya ko pa siyang harapin o ako ang mahiya sa kanya. "I know. And im thakful for that Al. You've made the best for our daughter." Talagang dinidiin ang salitang 'yon ah! "Pero Al, hindi ko alam ang pinagdaanan mo at ganoon ka din sa akin. You don't know what I've lost and gain just to be here in front of you. We both did find our way back but I don't know if its for the better or something else." "Nahirapan ka? Parang hindi naman, nakuha mo ang pangarap na gusto mo ng iwan mo ako hindi ba? So you don't lost anything you've just gain something important to you." Habang sinasabi 'yon ay parang kasing pait ng salitang 'yon ang nararamdaman ko ngayon. "I sacrifice everything for us Al." Bigla akong napa-angat ng tingin sa kanya bago muling ininom ang alak na nasa baso ko. Parang biglang nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. "Sacrifice? Everything? Tang'na, North kelan 'yon? Hindi ko kasi alam. Hindi ako nainform na nagsakripisyo ka pala para sa atin. Kasi ang alam ko noong gabing hindi ka sumipot---" "I was there---" "Talaga ba? Kasi sa pagkakaalam ko umabot ako doon ng umaga pero walang Northemio Dimagiba na dumating. Alam mo kung sinong dumating? Si Daddy kasama ang mga body guard niya at pinilit akong inuwi sa bahay. North, naghintay ako. Umaga-gabi, linggo? Hanggang sa naging buwan naghintay ako, at pilit na gumagawa ng paraan para makataas sa mga bodyguard ko at hanapin ka. But no one knows where the f**k are you! Hanggang sa isang araw ibalita ni Daddy na ikakasal na ako sa taong ni sa hinagap ko hindi ko pa nakikilala. Inayos ang kasal sa lalong madaling panahon and then on the day of my wedding im still praying for you to comeback. Umasa parin ako kahit paulit-ulit mo akong binibigo. And on that day I gave up waiting for you, I learned that I have Nari. She gave me hope North, hope that I never get from you." Pagod akong humugot ng hininga at napapikit habang inaalala ang lahat ng nangyari sa akin noon. "Im sorry.. Hindi ko alam kung ilang beses akong hihingi ng tawad para maibsan ang sakit at hirap na naramdaman mo noong wala ako. Pero hindi ko na mababago 'yon Al, kaya ngayon eto na 'yon e. Eto na 'yong pagkakataon natin para itama ang lahat ng pagkakamali at punan ang lahat ng pagkukulang natin---" Pagak akong natawa sa sinabi niya. Bakit parang napakadali sa kanyang sabihin ang lahat ng iyon? Bakit parang napakadali sa kanyang mag-umpisang muli? Bakit hindi niya magawang sabihin sa akin kung bakit hindi siya sumipot? Bakit hindi niya masabi kung nasaan siya ng mga oras na 'yon. "Sorry? Start? Nagpapatawa ka ba Northemio? Kahit anong gawin mo hindi mo na maibabalik 'yong dati. Hindi ko na mababawasan lahat ng sakit at hirap na naramdaman ko." Frustrated siyang napahilamos sa mukha niya. Parang ako pa ang may mali at may kasalanan kung umarte siya. "Bakit ba ang tigas-tigas mo?" "You made me to be like this!" Sarkastiko kung sagot sa kanya bago sinubukang tumayo. Pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang umikot na ang paningin ko. Malamig na tubig sa swimming pool ang sumalo sa akin. "Al... Damn it! Alitha..." Ang pagbagsak sa tubig ang muling narinig ko matapos sumigaw ni North. Dahil sa nahihilo pa ako ay hindi agad ako nakakilos ng mahulog. Pero sa sobrang lamig ng tubig na binagsakan ko parang nawala na ata ako sa kalasingan. Naramdaman ko nalang ang mga brasong pumulupot sa bewang ko at hinila at paangat. "Alitha... Al, are you okay?" Habol hininga at halos magkandaubo-ubo ako pagkaahon sa akin ni North. "Ayos ka lang? May masakit ba sa 'yo?" Tango lang ang naisagot ko sa kanya habang inaayos niya ang buhok kung napunta na sa mukha ko. "Bakit naman kasi inubos mo ang Bourbon? Hindi ka naman pala sanay uminom. Tsk! Halika na ihahatid kita sa kwarto mo." Saad niya bago nag-iba ng tingin. Napatingin din tuloy ako sa sarili ko. Nakaputing tshirt lang pala ako at maiksing short tapos wala pang bra dahil nga balak ko na ring matulog pagkatapos mo magpatulog ko kay Nari. Napayakap tuloy ako sa katawan ko ng wala sa oras. Idagdag pa ang biglang pag-ihip ng malakas na hangin kaya lalong nanigas ang u***g ko. "Fuck..." Dinig kung mura niya bago biglang tumalikod. Pagbalik niya ay may dala na siyang tuwalya at binalot sa akin. "Sa susunod wag kang pakalat-kalat dito sa bahay na ganyan ang suot mo. Lalong lalo na kapag nandito ang banda." Sungit! Napairap nalang ako bago tumayo. Pero agad ding napahawak sa kanya ng makaramdam ng pagkahilo. Napamulagat ako ng bigla siyang umuklo at buhatin ako. "A--a-anong gi-ginagawa mo?" Nanlalaking matang tanong ko sa kanya. Tiim bagang siyang pumikit bago sumagot. "Stay still, Al." "Ibaba mo na ako kaya kung maglakad." Inis kung utos sa kanya. Pero ang pasaway na lalaki parang walang na narinig at payapang naglalakad na parang akala mo ay hindi tumutulo sa sahig ang basa naming dalawa. "Ibaba mo na sabi ako-" "Damn it, Al. I told you to stay still, your n*****s were rubbing on me." Natigagal ako sa sinabi niya. Ang lamig na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng init. Dahil pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay biglang umakyat sa mukha ko sa sobrang kahihiyan dahil sa sinabi niya. Sa sobrang kahihiyang nararamdaman ko ay bigla akong napapikit. Wala sa sariling napayakap sa katawan ko dahil piling ko parang kamatis na ang mukha ko. At parang pati paghinga ko ay pinigil ko na dahil sa kanya. Lalo na at parang ang layo ng kwarto ko dahil ang tagal naming makarating doon. "Can you walk faster?" "Hindi pwede, baka madulas tayo!" "Then let me walk I'll run to my room. Im already freezing to death here." "Freezing? I thought your having a fever coz your so damn hot, Al." Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Dahil tang'na iba ang pagkakaintindi ko sa narinig kung sinabi niya. Ilang beses pa akong napakagat labi para lang gisingin ang sarili kung malayo na ang imahinasyong nararating. Hanggang sa makarating kami sa kwarto ko ay hindi na ako nagsalita pang muli. Pilit pinapakalma ang sarili kung halos maghestirya na sa nangyayari. Siya na ang nagbukas ng pinto at dahan-dahan akong ibinaba sa sahig. "Ahm.. North-" tawag ko ng dire-diretso na siyang naglakad papunta sa pinto. "Umm.. Thank you for saving me." Tiim bagang lang siyang nakatingin sa akin at walang pinapakitang reaksyon. "First time ko lang talagang uminom ng ganoong alak. Hindi ko alam na ganoon kalakas ang tama noon. Ang madalas lang kasing ipainom sa akin ni Diego ay San Mig. Sabi ni Diego ay-" Napaatras ako ng inilang hakbang niya lang ang paglapit sa harap ko. Ilang beses pa akong napakurap ng sinalubong ng mga labi niya ang labi ko. Parang lahat ng nasa isip ko at pagpoprotesta ay nawala ng dahil sa halik na iyon. Isang halik na pamilyar sa akin pero pinaparamdam niya sa mapagparusang paraan. "Don't you ever mention any man's name in front of me, Al." Hinihingal niyang bulong habang nakadikit parin ang labi sa akin. "Do you undertand Alitha?" Isang mabilis na tango ang ginawa ko bago muling naramdaman ang mga labi niya sa akin. Napakapit ako sa braso niya ng mas pinalaliman niya pa ang halik niya. Imbes na itulak siya palayo at patigilin ay kusa nalang pumikit ang mga mata ko at ninamnam ang bawat halik na ginagawa niya. Parang dinadala ako nito sa isang lugar na nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. I feel like my blood's come rushing to my veins and making me feel alive. I can feel the tingling sensation from his kiss. "Good to hear that, Al." saad niyang muli bago ako hinalikan sa noo at lumabas ng silid ko. Nanghihina akong napaupo sa kama at binalikan ang katangahang ginawa. "Did I let him kiss me?Really two times? For f*****g two times? Im so dead!" Marupok indeed..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD