[When it comes to God] We can't run out of second chances...only time.
Robin Jones Gunn
Hingang malalim, hinga ulit ng malalim at hinga ulit ng malalim. Ilang beses ko na iyong ginagawa pero hindi parin ako makahanap ng tamang tyempo. Hindi pa rin ako makalma kahit anong gawin ko.
"Mama, can you stop walking balik-balik? Im getting dizzy."-maarteng sita ni Nari sa akin.
Kahit ako nahihilo at napapagod na sa ginagawa ko, pero kailangan. Kailangan ko makahanap ng tyempo at lakas ng loob para sabihin kay Nari ang totoo. Dahil iyong lintik niyang Tatay ay hindi ako pinatulog sa pangungonsensya. Para bang kasalanan ko ang lahat, although may konti akong kasalanan, aminado naman ako doon.
"Baby..." Ilang minuto siyang nakatingin sa akin na halatang kanina pa nag-aantay kung ano ang sasabihin ko. "Baby-"
"Mama can you stop calling me? Im just here in front of you."-kibit balikat niyang sagot sabay haw isa buhok niya. Titirisin ko talaga 'tong batang ito makaarte kala mo laki niya e.
"Nari, nahihirapan lalong mag-isip ang Mama mo kung lagi kang sumisingit."
"Lola, she always say's nahihirapan siya. I told her already to be friend with my Papa so she will not make hirap na."-maarte niyang paliwanag sa matanda na kinataas lang ng kilay ni Nana sa akin.
"About that- about your father we need to talk about him-"
"Mama, are we-"
"Pssst! I told you to listen right?"-tumango siya. Puputi talaga ng maaga ang lahat ng buhok ko sa magtatay na 'to e. "Now-your father wants to meet you. Actually Narissa-"
"Its Nari or Issa, Mama. Just don't call me on my fullname." Inis akong napahilamos sa mukha ko. Saan ba magmana ang batang ito?
"Nari, anak- alam mo namang ako lang ang nagpalaki sayo mag-isa. Noong lumayas si Mama sa mga Lolo mo, buntis na ako noon. Pero hindi alam ng Papa mo. Kaya hindi niya alam na may anak kami. Ngayong nagkita kami ulit, I really wanted to tell him the truth. But not as early as this cuz im still not ready for this-for confrontation or any topic about you. Natatakot akong magalit ka, masaktan incase your father doesn't want to know you. But still you need to know, so he wants to meet you. Are you okay with that baby?"
Naiiyak kung paliwanag sa kanya. Napaangat ako ng tingin sa kanya ng maramdaman ko ang maliliit na daliring pumapahid ng luha sa pisngi ko. Mas lalo akong napahagulhol ng makita ko siya at agad niyakap.
Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa aming mag-ina. Lalo na at nag-uumpisa ng bumalik ang mga taong tinatakbohan ko noon.
"It's okay if your not yet ready, Mama. I can wait. Just don't cry okay? Nari will get sad."
And I almost lost it. I cried and cried in front of her.
It really breaks my heart that my daughter is braver and tougher than me.
"Thank you baby... And im sorry if Mama were not brave enough to do that."
Sabado ngayon at walang pasok ang anak ko. Ngayon ko napagdesisyonang ipakilala si Nari sa Tatay niya. Dadalhin ko siya sa isang gig ng Tatay niya. Kaya todo ang paghahanda naming mag-ina. Hindi ko nga alam bakit kailangan ko ding maghanda, pero kasi kinakabahan ako. Isipin palang kung ano ang magiging reaksyon nilang dalawa.
"Mama, im ready na."-napatingin ako kay Nari. She's wearing a white shirt na pinatungan niya ng black jumper skirt at tinirnohan ng black boots. I tied her hair into a bun for both sides.
My baby were a k-pop fan.
At inaral ko din siyang magmix match ng mga damit niya incase na wala ako para bihisan siya. At infairness naman sa kanya sobrang effort niya ngayon para sa pagkikita nila ng Tatay niya. Ako hindi naman masyadong nageffort pero syempre mas maayos sa dati.
Isang off shoulder crop top and ripped jeans na tinirnohan ko ng sneakers ang suot ko ngayon. Nari asked me to wear this, para daw pag nakita ako ng Tatay niya baka bumalik na. Hindi ko lang masabing lahat ng itsura ko nakita na ng Tatay niya.
Sadyang may mga bagay lang talaga na hindi natin masasabi kung hanggang kailan magtatagal.
"Nay wish me luck."-yakap ko sa kanya bago kami umalis ni Nari. Pinagalitan pa ako kasi baka kabagin daw ako sa suot ko.
Halos hindi ko na marinig ang buong paligid dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Marami namang tao dito sa venue pero parang sobrang tahimik ng buong paligid at wala akong marinig. Napatingin ako sa buong paligid na abala sa pakikinig sa kumakanta. Hindi pa sila ang nakasalang susunod palang sila. Parang mini concert kasi ito para sa mga charity at isa sila sa mga magpepreform.
"Mama, paano natin makikita dito si Papa ang dami kayang tao."-maarte niyang paypay sa sarili. Medyo hindi naman siksikan sa puwesto namin sadyang maarte lang ang anak ko.
"Kakarating palang natin, mag-antay ka kaya anak."
"Okay!"
Attitude talaga siya. Di ko talaga alam kung saan nagmana ang bruha!
"Salamat po! Ang susunod pong banda ay paborito ko at siguradong paborito rin ng lahat. Please give a them around of applause... Cardinal Direction"-sigaw nung vocalists bago bumaba ng stage. Nakipag-apir pa ito kila South ng magkasalubong sila.
Kasabay ng paglabas nila ay ang nakakabinging sigawan ng mga tao. Mapait akong napangiti sa isiping, hindi na nga sila gaya ng dati. Hindi na sila ang bandang ako lang ang nagkukumahog na sumalubong at pumalakpak para sa kanila. Ngayon handa na ang buong mundong pumalakpak sa bawat lyrikong bibigkasin nila.
"Oh, Mama that's my Tito's right?"
Bigla siyang nabuhayan ng makita sila. Mataas ang puwesto namin kaya alam kung kitang-kita din nila kami kung sakaling kakaway ang anak ko. Kung alam lang ng anak ko na isa doon ay ama niya baka pinagsisigawan niya na ngayon dito.
"This song is dedicated to someone-"
"Tito North! Im here..."
My daughter shouted in a very excited tone.
Kaagad na tumingala ang buong band asa puwesto namin at buong galak na kumaway ang anak ko. Kitang-kita ko kung paano lumiwanag ang mukha ni North ng makita ang anak. Nang magawa ang tingin niya sa akin ay tinanguan niya lang ako.
Tinanguan niya lang ako na parang isang kakilalang napadaan lang...
Isang simpleng kilos, pero parang ang bigat sa dibdib ko.
"Itong kantang ito ay isa sa mga kantang ginawa namin noong bago palang kami. Para sana sa isang tao, kaso bigla siyang nawala kaya hindi ko alam kung narinig niya pa ba ito. Pero mukhang hindi kaya ipaparinig ko nalang sa inyo... Para sa lahat ng nagmamahal."
Naikuyom ko ang mga kamao kung nakapatong sa hita ko ng marinig ang sinabi niya. Bakit ba sa tuwing sa kanya manggagaling parang ako ang may kasalanan? At para bang ako ang masamang tao?
"I love you, North!"
"I love you too!"-napatingin ako sa kanya ng sagutin niya 'yong sigaw ng isang audience. Nagtagpo ang mata naming dalawa matapos niyang sabihin iyon. Pero agad din siyang nag-iba ng tingin.
Nagbaba siya ng tingin na parang hindi niya ako nakita.
Intro palang ng kanta parang sumisikip na ang dibdib ko. Alam ko ang kantang iyon, hindi man ako kasama ng unang nilabas 'yon pero alam kung akin 'yon.
Para sa akin 'yon...

You would always ask me
Those words I say.
And telling you what it means to me.
Every single day you always act this way.
"Ano ba Northemio?"-pangungulit ko sa kanya habang nakaupo kami dito sa ilalim ng puno.
For how many times I told,
I love you for this all I know
Come to me and hold me
And you will see.
"Ano ba 'yon? May ginagawa kasi ako mahal e."-hinarap ko siya sa akin kaya nilapag niya ang hawak na ballpen.
The love I gave
For You still hold the key
Every single day you always act this way,
For how many times I told you.
I love you for this is all I know.
"Mahal mo ba ako?" Napakagat-labi ako ng makita ko siyang tumitig sa akin ng matagal bago kumamot sa ulo. "Ano hindi mo ako mahal ano? Siguro iba ang-" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng maramdaman kung lumapat ang labi niya sa akin.
I'll never go away from you
Even the sky will tell you
That I need you so
For this is all I know.
"Mahal, nakikita mo ba ang taniman ng mga repolyong yan?"-tumango ako sa tanong niya. "Walang koneksiyon sa pagmamahl ko yan sa'yo."-napangiwi siya ng paluin ko ang balikat niya.
"Umayos ka nga kasi.."
I'll never go away from you.
Come to me and hold me
And you will see
You still hold the key.
"Mahal, ilang beses mo ng tinanong yan? Hindi ka parin kuntento sa sagot?"
"Malay mo nagbago."
Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa dibdib niya.
I'll never go away from you.
Come to me and hold me
And you will see
You still hold the key.
"Nararamdaman mo ba ang pintig ng puso ko?"-tumango ako sa tanong niya. "Hangga't pumipintig yan ibig sabihin nandito ka pa rin sa puso ko." Di ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya.
"Ayosin mo naman kasi ang sagot mo!"
"Mahal, walang magbabago kahit araw-araw o minu-minuto mong itanong yan. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal parin kita."
Napangiwi ako ng pisilin niya ang pisngi ko at bigyan ako ng isang halik sa pisngi.
Napatigil ang pagbabalik-tanaw ko ng may kumalabit sa akin.
"Mama, your crying."-agad akong napahawak sa pisngi ko ng marinig ang sinabi ni Nari.
Hindi ko na namalayang sa paglalakbay ng isip ko makakarating ako doon. At hanggang ngayon parang hindi tao ang lumipas ng maghiwalay kaming dalawa.
"Napuwing lang si Mama, anak."-pagsisinungaling ko dito.
Pagtingin ko sa stage ay saktong tumingin si North sa pwesto namin kaya agad akong napayuko sa kinauupoan ko. Sa sobrang pagmamadali ay nauntog pa ako sa likod ng upoan. Baka kasi makita niyang umiiyak ako, mahirap na piling pa naman ang lalaking 'yon.
"Mama, are you okay?"
"Yes baby. May nakita lang ipis si Mama. Halika imeet na natin ang Papa mo."
Niyaya ko na siya papunta ng backstage dahil may break naman ang banda at ibang banda naman ang kakanta. Pagdating namin ng backstage ay hindi pa kami agad pinapasok. Mabuti nalang at natawagan ko si East pero paglabas niya ay kasunod niya ang nakasimangot na Carne Norte.
"Bakit kailangang si East pa ang tawagan mo? Pwede namang ako na diretso."-maktol nito.
"Siya ang ang naalala ko agad e."
"Hi Nari, how's our song?"
East hug her and she giggled like a teenager.
"Your all good. Im here to meet my Papa. Have you meet my Papa before Tito East?"-napatingin sa akin si East na halatang nag-aantay ng hudyat mula sa akin. Si North naman ay sa ibang bahagi nakatingin, natatakot atang marinig ang sasabihin ng anak.
"Yes baby, your father is a very good friend of mine."
"Oh really, do you think he'll like me?"-nakurot ko bigla ang sarili ko sa tanong na iyon.
I never realized that Nari is this curious about her father. This never crossed my mind that she'll be excited to meet him. And yet so afraid to disappoint him for meeting her.
Am I too selfish to ignore how she feels?
"Of course baby, he really loves you."- East answered confidently.
Sinundan ko ng tingin si North na nauna ng maglakad papunta sa puwesto nila. Gusto kung humingi ng sorry dahil alam kung nasasaktan siya. Pero mas nangingibabaw din sa akin ang sakit na naramdaman ko ng mawala siya.
Masyado ng matagal ang sugat kaya akala ko mapaghihilom na ito ng panahon. Pero kahit pala panahon hindi sapat para makalimot at mapaghilom ang lahat. Hindi parin pala sapat ang ibaon nalang ito sa limot dahil muli rin itong babalik at ipapaalala sayo ang lahat.
"Baby.. I told you that were going to meet your father right?"
"Yes mama, but why his not wala pa? Ayaw niya akong mameet?"
"No! Of course not. He's been waiting for this day baby. Do you see that man in front of you?"-tumango siya matapos tingnan si North na nakaupo sa harap niya.
"And what about--"
Ang daldal talaga ng batang ito 'e. Hindi ka makakatapos o makakapagsalita ng hindi siya sisingit.
"He is your father baby. Im sorry for not telling you this sooner."
Dire-diretso kung paliwanag. Nang makita kung seryoso siyang nakatingin kay North na walang malay sa pinag-uusapan namin ay natatakot ako sa iniisip niya. Pero nang muli akong magsasalita ay bigla nalang siyang tumayo at dumiretso sa harap ng ama.
"Yes baby, you need anything? You hungry? Are you in pain? Tell me what's wrong your making me worr-"
Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha ni North ng hindi nagsasalita ang anak namin habang nakatingin sa kanya.
She's accepting her father.
I knew that.
"Baby, your making me worried-"
Niyakap nito si North at hindi nagsasalita kaya mas lalo silang natakot ng umiyak ito sa balikat ng ama. Pati ang mga Tito niya ay natakot sa nangyayari pero nginitian ko lang sila para sabihing ayos lang.
"I hate you, Papa for coming too late. But I know your busy cuz I always saw you on tv. But Mama and I were waiting for too long. Are you coming back home now? You're not leaving again right?"-she cried. North froze when he hears that.
I might be angry on him but im not selfish to kept our daughter from him.
Hindi ko maiwasang mapangiti kahit panay tulo narin ng luha ko. Napatingin si North sa akin kaya tinanguan ko ito. Alam kung alam niya na natatakot ako pero kailangan kung gawin 'to para sa kanilang mag-ama. Masyado na akong maraming pinagkait na oras at panahon para sa araw na ito.
Sapat ng ako nalang...
Gusto ko namang maranasan ng anak ko kung paanong sumaya ng buo.
He mouthed thank you before I stood up and leave. I just bid my goodbye's to the boy's.
"You need a ride?" South asked before I head out.
"No need. Enjoy your day with her."
Paalam ko pa sa kanila. Isang beses ko pang tiningnan ang dalawang taong importante sa buhay ko. Dahil kahit anong mangyari North is always one of that people.
Mapait akong napangiti ng makita ang nag-aantay sa akin sa labas.
"My loves, ready ka na?" I smiled bitterly on Diego.
Yeah, im ready to accept all the people from my past now. And face all the reality i'd been running away for years already.
Im ready to fill all the questions and feel the pain i've been hiding for years.
Im not ignoring all the chances that god has given me now.