"Our lives improve only when we take chances -- and the first and most difficult risk we can take is to be honest with ourselves."
Walter Anderson
CHANCES 9
Sa lahat ng dasal kung dininig ng diyos noon, parang gusto kung bawiin at itong hiling ko ngayon ang pakinggan niya. Pero kahit anong dasal at pikit ng mata ko sadyang nasa harap ko ang mag-ama at nag-aantay ng sagot mula sa akin.
Sana 'yong sitwasyong kinalalagyan ko ay gaya ng sa teleserye na huli na pero nagagawa pa ring baliktarin ang kuwento. Nagagawa pa ring hindi magtagpo ng dalawang bida na parang walang nangyari.
Pero hindi ito ganoon, totoong buhay 'to!
Reality baga!
Pero ang tindi pala ng reality ano? Hindi lang nananampal, para kang sinapak ng katotohanan para magising ka sarili mong kasinungalingan. Nananadya bes!
"Mama.. Oi Mama, nastroke ka na po ba?" 'Tong batang 'to kung hindi ko ito anak kakaltokan ko talaga 'to eh! "Mga Tito sorry, but I need to help my Mama, she might die in heart attack. She's been stress eating lately."
Napahilamos ako ng mukha sa pinagsasabi ng anak ko. Hindi ko alam kung alin ba ang uunahin ko. Ang kahihiyan ko ang susunod na itatanong ni North na hanggang ngayon ay hindi man lang inaalis ang tingin sa akin. Kung pwede lang kainin ng lupa ora mismo ginawa ko na.
"Ali, are you okay? You look pale."
"Ah— oo— Nari halika ka na. May emergency daw sa bahay sabi ni Tito Diego mo."-yakag ko dito bago ito binuhat palayo doon. Tinawag pa ako ng apat pero hindi na nila nagawang sumunod dahil hinarang na sila ng mga fans.
Halos liparin ko ang daan, makauwi lang kaming mag-ina. Hindi ko pa kayang sagutin lahat ng tanong. At hindi ko pa rin sila kayang makita lalo na si Norte. Baka matuyoan ako ng dugo ngayon palang parang aatakihin na ako sa puso.
"Mama, why did you run? Tito North wants to know you." Ito namang anak ko nakikisabay pa talaga sa lahat ng kabaliwan ko. Paano ko haharapin ang Tatay mo kung uulanin ako ng tanong nun. Yong isang tanong pa nga lang halos panawan na ako ng ulirat, iyon pa kayang tungkol sayo. "Mama..."
"Sorry baby, its just I didn't hear it. Yeah, that's right I did not hear what he say."-pangungumbinsi ko sa sarili ko. Pero kahit anak ko hindi naniniwala sa pinagsasabi ko.
"Its like your convincing me."-bulong niya pa. Bakit kasi sa dami ng araw na magmomall tour sila, ngayon pang pupunta kami ni Nari. Ngayon pati sa anak ko tuloy mahihirapan akong magpaliwanag, mana pa naman 'to sa magulang niya mausisa.
Pero 'yong akala kung makakahinga man lang ako kahit konti. Mali pala!
"Mama sila Tito North oh!"-sigaw ng anak ko bago dumungaw sa bintana at kumaway sa kanila.
"Nari, wag mong ilabas yang ulo mo baka maputol yan!"-sigaw ko ng sumungaw ito sa bintana habang tinatabi ko ang sasakyan.
Napayuko nalang ako sa manibela ng makita silang nakaabang sa gate ng bahay ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko at hindi na gumagana ang utak ko para magdahilan pa. Siguradong hindi na rin nila ako hahayaang magdahilan pa, dahil kitang kita naman ang ebidensiya. Wala na finish na talaga ako.
Napahinga ako ng malalim bago nagpasyang lumabas na. Wala na ang tatlo tanging si North lang ang naiwan doon habang matamang nakatingin sa akin. Ngayon palang gusto ko ng tanungin ang sarili ko kung tama ba ang lahat ng desisyon ko? Ngayon palang gusto ko ng ipagtanggol ang sarili ko. Pero alin man doo nang ipananggalang ko sa sarili ko isa lang ang bagsak noon, naglihim ako.
"Can we talk?"-alanganin niyang tanong ng maupo ako sa upoang kahoy na nandito sa harap ng bahay.
"Do we need to talk? I mean there's no reason for that!"
"Kahit may anak ako sa'yo hindi pa rin tayo pwedeng mag-usap?"-sigaw niya at kitang kita kung paano siya magpigil ng galit niya.
"Wow ah! May anak lang ako sa'yo agad? Di pwedeng baka sa iba yan? Di puwedeng malandi ako at nagpabuntis ako sa iba?"-singhal ko din dito. Alam kung may mali ako pero syempre hindi ako tanga para umamin agad. Papanindigan ko na lang 'to kesa aminin sa kanya ang totoo.
"You knew that its mine and your not that kind of girl, who just jump into—"
"What if I did? What if I really do?"-hamon ko sa kanya pero inis lang siyang napakamot sa ulo niya.
"Mine or not, babawiin ko kayo!"-may penalidad na pahayag niya. Akala mo naman may umaangkin sa amin para bawiin niya.
"Pwede ba Norte, tigilan mo ang pag-iilusyon mo. Wala kang kailangang bawiin dahil unang-una hindi kami sayo. Kung may inambag ka lang semilya at dugo mo lang 'yon, the rest akin na. Matagal kang nawala may nalaman ka lang biglang iyo na agad? Ano yan finders keepers? Tangina hindi kami gamit! Diyan ka na maghahanda pa ako ng pagkain." Pero bago pa ako makahakbang palayo sa kanya ay hinablot niya na ang kamay ko dahilan para mapabalik ako sa kanya. "Ano ba?"
"Is she mine?"
I smirked. "What do you think?"
Gustong-gusto ko ng aminin sa kanya, pero may parte sa akin na gusto kung paghirapan niya. Gusto kung mahanap ko ulit sa sarili ko ang pagtitiwalang kinuha niya sa akin noon. Gusto kung ibuhos sa kanya lahat ng sakit, lahat ng hirap at pagdurusa ko noon. Pero para saan pa? Gaya nga ng sabi ko nakalipas na, wala na ring saysay ang ungkatin pa 'yon.
Pagpasok ko ng bahay ay abala ang anak ko sa mga bisita niya. Nakita ko pang makahulugan nila akong sinulyapan pero inirapan ko lang sila. The more na affected ako sa presensiya nila mas lalo akong mahihirapang itago ang totoo dahil kakabahan ako.
"Anong gagawin mo ngayon?"-napapitlag ako ng biglang magsalita si Nay Meding.
"Hahayaan siya kung anong gusto niyang gawin? Sa totoo lang Nay, hindi ko rin alam. Dahil natatakot akong malaman niya, natatakot akong sumbatan nila ako sa ilang taong pinagkaitan ko sila ng totoo. Pinagkaitan ko sila ng oras na pwede silang magkasama mapapatawad ba nila ako?"
"Anak, lahat naman ng rason mo may dahilan. Hindi mo yan ginawa dahil lang gusto mo o dahil lang galit ka kay North. Ginawa mo yan kasi noong mga oras nasasaktan ka at mag-isa ka, 'yon ang alam mong tama."
"Nay, naman pinapaiyak mo ako eh!"-reklamo ko habang isa-isang pinapahid ang mga luhang tuloy-tuloy na dumadaloy.
Kakaiyak ko ay wala na akong nagawa sa kusina kaya pinaalis na ako doon ni Nay Meding. Nagpunta ako ng likod bahay para doon magisip-isip. Pero kakaupo ko lang doon pinaligiran na ako ng tatlong ugok, kaya sigurado akong magigisa ako ng wala sa oras.
"Gusto kung sabihing hanga ako sa ilang taon mong nasolo ang lahat ng ito. Pero ang mga taong pinagkait mo ay kanila ay dina mababalik pa."-inirapan ko si East ng marinig ang sinabi niya.
"Alam kung galit kayo. But at least give me some benefit of the doubt. Alam niyo kung anong nangyari noon, kaya kahit anong gawin ko nangyari na. At maraming bagay ang kailangan kung iconsider para sa lahat ng ito."
West and South hug me from both sides.
"Mahal ka namin kahit anong mangyari, alam mo yan? Pero sana naiintindihan mo din ang madami naming tanong."-mapait akong ngumiti sa sinabi ni South. Siguro nga, isa 'yon sa mga bagay na hindi ko maiiwasan.
"Pero talagang anak niyong dalawa ni Norte si Nari? What's her fullname? Do you register North as the father? How come—"
"Pwede bang isa-isa lang West? Stress na ako wag mo ng dagdagan, baka bigla nalang akong pasagasa diyan."-reklamo ko sa kanila kaya agad nila akong hinawakan sa braso. Mga baliw, mahal ko pa ang buhay ko noh! "Hindi ko alam kung paano sasabihin ang balitang ito sa anak ko. Natatakot ako." Pag-amin ko.
"Just tell her. Maiintindihan ka nun, at mukha namang matalino ang inaanak namin."-napanguso ako ng mayabang na sabihin 'yon ni East.
"Mga Tito, sabi ni Tito North wag niyo daw po yakapin ang Mama ko baka hindi na makahinga."-napahinga ako ng malalim ng makitang kasunod ni Nari ang Tatay niya.
Lahat tuloy sila nagtinginan ng sabihin ng anak ko ang salitang 'yon. Grabi 'tong mga 'to, hindi man lang papatulogin ang balitang nalaman kailangan talaga sabihin ko na din kay Nari? Baka naman mabigla siya? Natatakot ako sa reaksyon ng anak ko.
"Baby, can I talk to you for a sec.? Actually North and I need to talk to you. How can I say this? Ummm... actually baby—" -taka siyang nakatingin sa akin at kay North na tahimik lang na nakamasid sa likod niya.
Ilang beses akong humugot ng hininga at tumingin kay North bago muling babalik kay Nari. Para akong nasa isang bangin na nag-iisip kung itutuloy ko ang pagtalon. Alam kung tama ang gagawin ko dahil hindi na ako maglilihim sa kanila.
But the fact that It may hurt my daughter, I can't take a risk. Just because he wants the truth, doesn't mean that I need to do the same. Cuz in the first place its our daughter feelings is at risk in this kind of situation. Maybe she can understand it, but the fact that were not together and were not a family is another set of questions on her.
"Its okay, Ali. You don't need to do that!"-napakagat labi ako ng tumalikod siya at naglakad palabas.
Wala siyang lingon-likod na lumabas doon. Agad na sumunod ang tatlo sa kanya at sumenyas lang na tatawag nalang. Nagpaalam din sila kay Nari bago lumabas. Alam kung nasasaktan ko siya hindi ko itatanggi 'yon. Pero mahirap naman talagang sabihin ang katotohanan lalo na at ang alam ng anak ko ay hindi naman siya ang Tatay nito. Minsan talaga ang kasinungalingan, pag nadagdagan hindi mo na alam kung paano mahahanap ang salitang tama.
Sometimes the truth were more painful than the reality you've been facing right now.
Cuz in the process you can stop, turn around and never look back. But you still choose the hardest and painful part. Face and tell them the truth, even though it can breaks you!