"It's about second chances, Neil. Second, third, fourth, whatever, as long as you get at least one more than what anyone else wanted to give you."
Nora Sakavic
Napatingin ako sa mga batang naglalabasan, lahat sila ngiting-ngiti habang sinasalubong ang mga sundo nila. Napapaisip din tuloy ako kung 'yong anak ko din ba ganito kasaya kapag sinusundo ko? Siguro naman dahil mukha naman siyang kuntento sa kung anong set-up namin ngayon.
Binaybay ko ang daan patungo sa classroom ni Nari kasi hindi pa rin sila lumalabas. May pinapagawa pa ata si Ms. Galindon sa kanila. Pero bago pa ako makarating doon ay naabotan ko siyang nakikipagusap sa isang kamag-aral, at mukhang seryoso ito kaya nagtago nalang muna ako at naghintay.
"Northern Narisa.."-dinig kung tawag ng isang batang babaeng nakapigtail ang buhok. At mukhang sinuka ni hello kitty sa sobrang pink.
"Ano 'yon Ashley?"
"Why is your so long? Its so tiring to say it!"-maarte nitong sabi ng makalapit ang anak ko. Maliit pa intrimitida na.
"Cuz that's my Papa's name. What do you want Ashley?"-suplada ding sagot ng anak ko. Ayaw din pakabog sa kamalditahan.
"I see. But you don't have Papa, so how come its your Pap's name?"-saglit akong natigilan sa sinabi ng bata. Mula sa kinatatayuan ko kitang-kita ko ang lungkot at sakit na dumaan sa mukha ng anak ko. Gusto kung lumapit at awayin ang batang iyon, pero mas lalo lang itong masasaktan kung makikialam ako.
"I have a Papa, Ashley. Cuz if I don't have I can't be here standing in front of you. I need to go my Mama's waiting for me. Bye."
Saglit na natigilan ang batang kausap niya bago naglakad na rin palayo. Samantalang ang anak ko ay isa-isang pinapahid ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. Agad akong lumayo doon para hindi niya malamang narinig ko ang pinag-usapan nila. Pero habang naglalakad din ay patuloy din sa pag-agos ang mga pesteng luha ko. Sobrang sakit sa dibdib na marinig ang tanong na 'yon para sa kanya. Pero sobrang sakit na makita siyang matapang sa harap ng ibang tao kahit nasasaktan na siya.
Masyado ko ba siyang hinuhubog para maging isang matigas na tao? Dahil kung ganoon nga, kailangan ko na talagang ipakilala siya sa ama niya. Sa murang edad niya masyado na siyang expose sa buhay na meron kami. Wala akong nililihim sa kanya, kahit alam kung masasaktan siya. Pero ngayong nakikita koi to, parang gusto ko nalang magsisi na masyado akong open sa kanya sa lahat ng bagay.
Ilang beses akong huminga ng malalim bago sinalubong siya ng nakangiti. Gaya ko, praktisado niya na rin ang ngumiti sa harap ko kahit nasasaktan na. Mag-ina nga kami, kayang itago ang lahat ng sakit na nararamdaman namin.
"Ma, wala ka pong work?"-tanong niya matapos akong salubungin ng isang yakap. Parang ayoko nalang siyang bitawan sa bigat ng nararamdaman ko. "Wala, baby. Im yours all day."-nakangiti kung sagot bago pinaandar ang kotse.
Balak ko siyang dalhin ngayon sa mall, hindi na kasi kami nakakapasyal simula ng sumama ako sa Tatay niya. Pagdating namin ng mall ay nag-punta agad kami sa bookstore. Saktong paglabas namin ay dumagsa ang tao sa mall dahil may artista daw.
"Mama may artista daw, gusto ko pong makita."-hila niya sa kamay ko.
"Okay baby, we just need to let them pass first."-pahayag ko.
Habang panay tingin sa harap kung saan kami pwedeng dumaan na hindi siya maiipit. Akala ko ay ayos na dahil hindi naman siya nagprotesta sa sinabi ko. Pero pagtingin ko ay nawawala na ang paslit na katabi ko. Tinanong ko ang gwardiya kung nakita niya ba si Nari pero hindi daw. Parang nawala ata lahat ng dugo sa katawan ko sa sobrang nerbiyos ko. Sinubukan kung umikot at hanapin siya pero masyadong maraming tao.
"Nari... Narisa... Baby please show yourself to Mama." Nagmamakaawa kung sigaw pero parang nililipad lang ang boses ko sa mas maingay na paligid. Walang pumapansin o tumutulong sa akin doon kahit naiiyak na ako sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko pwedeng mawala ang anak ko. Ang tanga-tanga ko naman kasi kung kailan lumaki si Nari saka ko pa maiwawala. "Northern Narisa... Nari baby... Baby please..." Naiiyak ko pa ding sigaw habang natatarantang nag-iikot doon.
Lahat na ata ng tindahan sa floor na 'yon ay napuntahan ko na. Kahit ilang beses na akong nababangga at muntik madapa dahil sa magmamadali ko ay hindi ko na ininda. Kailangan kung mahanap ang anak ko, dahil tangina hindi pa nga sila nagkikita ng tatay niya, nawala ko na agad.
"s**t!" Napamura ako ng muntik akong bumagsak dahil may nabangga ako. "S—sorry. Are you okay? Nagmamadali lang talaga ako. Sorry—" Natataranta kung hinging paumanhin at dahil aligaga ako dibdib niya ang hawakan at nakapa ko.
"Are you okay miss?"-tanong nito sa baritonong tinig ng hulihin ang kamay ko mula sa dibdib niya. Hindi ko alam kung gusto ko ng kainin ng lupa o ang himatayin nalang para masalo niya. Ang gwapo niya, ang seryoso niyang mukha ay mas lalong nakakapagdagdag ng kasimpatikohan nito. Hihilingin mo nalang makulong malalaki at makikisig nitong mga braso, pero sa isang iglap nilipad ang pangarap ko. "Love, is everything alright?"-sinilip ko ang boses mula sa likod niya.
Isang magandang babae ang nasa likod niya at may kargang sanggol. Ngumiti ito ng tumingin sa akin at awtomatikong napaatras ang katawan ko palayo dito. Para akong napaso sa apoy na nilalaro ko. Malandi ka talaga! Saway ko sa sarili ko dahil sa sandaling minuto na nakatayo ako doon ay malayo na ang narating ng isip ko. Sa kabila ng nawawala kung anak nagagawa ko pang lumandi sa iba.
"Yes, love. Are you okay miss? Be careful. People might not see you, because of the band."-bilin nito bago tumalikod at naglakad palapit sa asawa nito.
Napangiti ako ng lapitan niya ang asawa at agad na hinampas ito sa braso. "Tumalikod lang ako may humihimas na sayo? Naku Zillion talaga, pag ako pumayat papahimas din ako sa iba."-dinig kung saad nito na kinasimangot naman ng asawa.
I wish I can have my own happy ending too...
Magmumuni-muni pa sana ako doon ng marinig kung tinawag ang pangalan ng anak ko mula sa kung saan. Sinundan ko iyon at dinala ako sa kumpol ng mga tao di kalayuan sa kinatatayuan ko. Nandoon nakatayo sa gitna ng intablado ang anak ko at may hawak na mikropono at masayang nakikipagngitian sa harap ng kanyang ama.
Iniimagine ko na mangyayari ito isang araw ang makita silang magkasama at masayang nagngingitian, pero ang ganito kabilis at harapan ay mahirap pala. Parang tumitigil ang oras at pati bawat paghinga ko ay pinapabagal niya hanggang sa unti-unti itong tumigil. Bawat lirikong sinasambit ng anak ko ay nakakapagpapabingi sa akin dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Doon sa gitna ng intabladong iyon kumakanta ang dalawang importanteng tao sa buhay ko. Walang-malay sa ugnayang meron silang dalawa. Walang-malay sa lihim na pilit kinukubli sa kanilang dalawa.
"Ang cute nilang dalawa."
"Para silang mag-ama noh!"
"Ang ganda ng bata.."
Mga iilang papuri na naririnig ko mula ss mga katabi kung nanonood.
"My Girl"
[North:]
I've got sunshine on a cloudy day,
When it's cold outside,
I've got the month on May.
[All:]
I guess you'd say,
What can make me feel this way.
Kasabay nila kumanta ang anak kung walang muwang sa mga nangyayari. Walang-malay na ang ama niya ang kaharap at inaawitan. Pipi akong lumuluha sa sobrang lungkot at saya na nakikita at naririnig ko ko silang dalawa.
[East:]
My girl, (My girl, my girl,)
Talking about my girl.
(My girl,)
[North:]
I've got so much honey,
The bees envy me,
I've got a sweeter song,
Than the birds in the trees.
Well...
Pero mas nangingibabaw ang takot na baka hindi siya nito matanggap. Ang takot sa kung ano ang magiging reaksyon nito pag nalaman nitong may anak siya? Ganito parin kaya? Buong puso niya pa rin kayang ngingitian si Nari? Natatakot ako sa bawat sagot na naiisip ko.
[All:]
I guess you'd say,
What can make me feel this way.
[North:]
My girl, (My girl, my girl,)
Talking about my girl, (My girl,)
Ooohhh.
[All:]
Hey, hey, hey,
Hey, hey, hey.
Natatakot akong baka kapag sinabi ko ay ako pa ang maging dahilan ng sakit na mararamdaman ng anak ko. Isa lang naman ang gusto ko, ang sumaya ito. Pero kung ang totoo ang makakasakit sa kanya parang gusto ko nalang itong habang buhay na ilihim.
[South:]
Ohh yeah,
I don't need no money,
Fortune or fame,
I've got all the riches baby,
One man can claim.
Well...
[All:]
I guess you'd say,
What can make me feel this way.
[South:]
My girl, (My girl, my girl,)
Talking about my girl.
(My girl, talking about my girl,)
[West:]
I've got sunshine on a cloudy day,
With my girl.
[South:]
I've even got the month of May,
With my girl.
Pero may mga bagay at pangyayari talagang hindi nakikiayon sa atin. May mga pangyayaring pilit tayong susubukin kung gaano katatag ang paninindigan natin.
[West:]
Talking about,
Talking about,
Talking about my girl,
Whooooo,
My girl,
[North:]
That's all I can talk about...
Kung hanggang saan mo kayang panindigan ang bawat paniniwalang meron ka. Kung hanggang saan mo paniniwalain ang sarili mong, tama ang lahat ng ginagawa mo.
"Mama... I sing with them. Look mama, im here that's my Mama, Tito North."-kaway niya sa akin habang masayang tumatalon-talon habang hawak ngTatay niya.
Pakiramdam ko para akong hinuhulog sa isang malalim na balon habang isa-isang nahahawi ang mga tao sa paligid ko. Kasabay ng pagkawala ng mga tao sa harap ko ay tuloy-tuloy ding umaagos ang luha ko.
"S—she's your daughter?"