MAY ILANG sandali ring matamang nakatingin lamang si Lucero kay Zia, hinihintay ang kanyang magiging desisyon. Nakayuko ang dalaga at hawak ang sariling tainga kung saan naroon ang hikaw na iniwan ni Lucian dito. "You have to make your decision now, Zia," ani Lucian sa malalim na tinig. "It's either, aalisin mo ang hikaw na iyan upang makatawid ka, o mananatili iyan, at babalik na tayo. At hihintayin mo na lang na makabalik si Lucian." Nag-angat si Zia ng nag-aalinlangan pa ring tingin. Bigla, ay parang hindi na siya sigurado sa kanyang magiging pasya. Kung iniwan siya ni Lucian ng ganoong kalseng pananggalang, ang ibig sabihin ay ayaw nito na pumunta siya sa lugar na iyon. Susuwayin ba niya ang kagustuhang iyon ng nobyo? "Honestly, if I were to ask, I want you to choose the latter. L

