BIGLA, ay naging tila kay bigat ng pakiramdam ni Zia. Parang mayroong mabigat na bato na nakadagan sa dibdib niya, at hindi siya makahinga. Sa ikalawang pagkakataon, ay nasaksihan niya ang pagkamatay ng kanyang ina. Ang kaibahan lang, at mas masakit, sa pagkakataong iyon ay may isip na siya. Naiintindihan niya na ng lubos ang mga pangyayari. Mas nararamdaman niya na ang sakit na dulot ng pagkawala ng nag-iisa niya na lamang na magulang. "Nais mo pa bang magpatuloy, mortal?" Maya-maya, ay narinig niyang nang-uuyam na tanong sa kanya ni Lucifer, hindi pa man siya nakaka-recover mula sa pag-iyak, dahil sa nasaksihang pagkamatay ng kanyang tunay na ina. Namumula pa rin ang kanyang ilong, at bakas pa ang luha sa kanyang mga mata. Hindi pa rin tumitigil ang mahihina niyang hikbi, at pagsigok

