13

1106 Words
NAGBIHIS si Scarlett ng straight cut na bestida. Walang kakorte-korte ang tabas niyon pero dahil malambot ang tela, ang mismong pag-imbay ng katawan niya ang nagbibigay ng buhay sa damit na iyon. She wore a strappy sandals. Ang maputi at makinis niyang paa ay sapat na upang kahit na sinong lalaki ay makuntento na sa mga paa pa lang niya. But then, si Chad O’Hara ay hindi basta kahit na sinong lalaki lang. At ito ang misyon niya. Hinaplos niya ang sariling mga labi. Likas nang malambot at mapintog ang mga iyon pero sinadya pa niyang mag-lip care nitong mga huling araw. Sa isip niya ay naglalaro na ang mga bagay na gagawin ng mga labing iyon kay Chad. Kapag nagawa niya iyon. Alin sa dalawa, baliw o bakla na lang si Chad para hindi pa siya nito bigyan ng pansin. Pagkaraan ng apat na araw ay nabasa na niya ang lahat ng librong dapat niyang basahin. Napanood na rin niya ang dapat niyang panoorin. Naniniwala siyang handang-handa na siya. She felt very well-informed and educated. In sexuality department, take note, sabi niya sa isip. “Imposible nalang na hindi tatablan si Chad sa mga gagawin ko sa kanya.” Inabot niya ang intercom. “Pakisabi kay Romy, ilabas na iyong Accord. Aalis kami.” Ilang sandali pa at pababa na rin siya sa grand staircase. Nasa kalagitnaan na siya niyon nang makita niya ang isang taong papasok naman sa main door. Muntik nang magkabisala ang kanyang mga paa sa paghakbang. Humigpit ang hawak niya sa pasamano ng hagdan. She made a deep breath at idinikta sa sariling kumalma. “Oh, Rod, naligaw ka?” kaswal sa bati niya dito habang pilit namang itinutulak sa likod ng isip ang alaala ng halik na namagitan sa kanila. Mamaya pa niya iisipin ang halik na iyon—kapag ina-apply na niya ang seductive tactic kay Chad. “We have to talk,” sagot ni Rod. Kagaya ng dati ay nilukot lang niya ang ilong. “May lakad ako, eh. Sa ibang araw na lang.” Nakababa na siya ng hagdan at desididong lagpasan ito. Subalit humarang ito sa daraanan niya. He was in his usual casual get up. Hindi naman nito kailangang pumorma pa nang husto. Amoy pa lang nito, makakatawag na ng atraksyon. Yes, she had to admit. Iyon talaga si Rod. Kahit kailan na maharap niya ito, hindi nadidismaya ang ilong niya dito. Palagi itong mabango. Amoy malinis. Amoy presko. “Mag-uusap tayo, Scarlett.” Narinig na lang niyang sabi nito. Kinontrol niya ang pagkunot ng noo pero hindi niya nakontrol ang pagtataka. Ngayon lang naging ganito ka-seryoso ang tinig nito sa kanya. “Tungkol saan ba?” kunwa ay kapos sa interes na wika niya. Ang totoo, nakadarama siya ng pagkailang. And she wished na hindi ang tungkol sa halik na namagitan sa kanila ang pakay nito. Hindi niya gustong pag-usapan nila iyon bagaman sa memorya niya, nakatatak na ang bawat sandaling iyon na pinagsaluha nila. “Iyong sinasabi ko sa iyong flower farm. Pinasyalan ko iyon noong isang araw. Hindi ka na lugi sa presyong hihingin ng bangko. Ang mga tauhang nag-aalaga doon mare-retain kung gusto mo. Request nga sana iyon ng may-ari which I think it would be better since sila ang mas may kabisado sa mga halaman. Nakausap ko na din iyong supervisor sa farm. At sa tingin ko, okay naman sila. Long-term employees na sila doon. Hindi naman sila siguro magtatagal doon kung puro sakit ng ulo.” Ah, tungkol pala sa flower farm. At parang gusto niyang mainis na hindi pala ang tungkol sa halik ang sasabihin nito sa kanya. At gusto niyang batukan ang sarili dahil nawawalan na yata siya ng rason. Hindi niya gustong pag-usapan ang tungkol sa halik at nang hindi nga iyon ang binuksan nitong paksa ay nadismaya naman siya. Ano ba talaga, ate? Isang paghinga ang ginawa niya. “Rod, wala akong balak bumili ng flower farm,” kaswal na sabi niya. “Kung gusto ko, disin sana’y noon pa. We have a piece of land sa Tagaytay. Alam mo rin naman ang tungkol doon, di ba? Isang ungot ko lang kay Papa, madali iyong mako-convert sa isang flower farm. Nasa pag-aayos ng bulaklak ang interes ko, hindi sa pagma-manage ng isang buong farm. May mga contact naman akong farm. Mas gusto kong bumili na lang sa kanila. Less worries, less stress. Praktikal lang, di ba?” “You have a point but are you sure, ayaw mo ng farm?” tanong ni Rod. “I’m sure.” Bahagyang tango ang ginawa nito. “Now, let’s talk about that kiss,” walang abog na sabi nito. Napatda siya. Akala pa naman niya ay nilagpasan na nila ang paksang iyon. “A-ayokong pag-usapan.” Siya naman ang naging seryoso ang tinig. “Gusto kong pag-usapan,” pilit naman ng binata. Iniarko niya ang kilay. “Sorry. That case is closed. Mauuna na ako sa iyo. May pupuntahan pa ako.” Mabilis siyang inabot ni Rod. At sa isang iglap ay kulong na siya ng mga bisig nito. “All right, kung ayaw mong pag-usapan, so be it. Let’s just taste another kiss.” And his lips moved against her lips. She was stunned. Pakiramdam niya, pati utak niya ay bigla ring namanhid. Pero sandali lang iyon. dahil hindi naman pala siya talagang namanhid at bagkus ay nagulat lang. Aware na aware siya nang magsimulang gumalaw ang mga labi ni Rod, nang sa pamamagitan ng mapanuksong galaw ng mga labi nito ay napagtagumpayan nitong iawang ang kanyang mga labi at palalimin ang ginagawang halik. She felt his tongue tasted the insides of her mouth. She let him explored, all the while remembering every movement of his lips, every teasing of his tongue. For s split second, she felt wanting to kiss him back. Pero kinontrol niya ang sarili. Pinamanhid niya ang buong pakiramdam maliban sa kanyang utak. Hindi siya dapat na tablan ng ginagawang paghalik nito sa kanya. Ang kailangan ay ang utak niya ang makapanaig. She had to remember this kiss—dahil ang matututuhan niya rito ay magagamit din naman niya sa gagawin niya kay Chad. “Kiss me back, Calett,” paungol na wika sa kanya ni Rod. Pero hindi siya tuminag. Hinayaan lang niya ang patuloy na pananaliksik ang labi at dila nito sa loob at labas ng kanyang bibig. Nasa pag-aaral sa halik nito ang buong atensyon niya. kaya naman bigla pa siyang nagtaka nang mapansing hindi na pala siya hinahalikan ni Rod. Puno ng pagtatakang nakatitig na lang ito sa kanya. “T-tapos na?” wala sa loob na wika niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD