24: Montenegro Brothers

1539 Words

CAROLINE “What happened to you?” nag-aalalang tanong ni Elexir. Naiwan kaming dalawa sa silid at punong-puno ng tanong ang kaniyang isip. ‘Is she okay? I want to know what happened.’ ‘Bakit ba kasi nasa labas siya ng mansyon?’ ‘Paano na lang kung hindi siya nakita ni Xion?’ Napaiwas ako ng tingin dahil sa mga titig niya, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at kung ano pa ang masabi ko sa kaniya. Pinikit ko ang aking mata. Biglang sumagi sa isip ko iyong lalaki kagabi. Sino ba talaga siya? Tinulungan niya lang ba talaga ako o iyon ang paraan niya para ipaalam sa akin na buhay sila at nagtatago lamang. Sa totoo lang, gulong-gulo ako ngayon. Ang dami kong kailangang isipin. Kung sisimulan ko na ba ang paghahanap sa mga ito o mananahimik na lang muna at hintayin na sila mismo ang pum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD