11: Test of Patience

1612 Words

Walang emosyong tinitigan ni Caroline ang babaeng nasa harap. Hindi niya maintindihan kung ibang tao ang nasa loob ng katawan nito o sadyang nagbago lang talaga ang ugali at kilos nito. "Hoy, gaga! Sinong Victoria ba?" muling tanong ni Celeste, punong-puno ng pagtataka ang mukha nito dahil sa pangalang nabanggit. Nagpabalik-balik ang tingin nito sa dalawang kaibigan. Sa isang iglap ay biglang napahawak sa ulo si Evelyn at nanghihinang napaluhod sa sahig. Mabilis itong inalalayan ni Celeste, hinapit ito sa baywang saka inakbay ang braso sa kaniyang balikat. Dahan-dahan nitong inalalayan ang nanghihinang si Evelyn para makaupo. "Ayos ka lang ba? Ano’ng nangyari sa ’yo, Evelyn?!" nag-aalalang tanong nito habang tarantang nagsasalin ng tubig sa baso. Nawala sa isip ang kanina pa nito tinata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD