CAROLINE Sinundan ko ng tingin si Evelyn na ngayon ay biglang nag-iba na naman ang kilos, lumapit ito sa kanila at umakto na parang nag-aalala. Nagtagis ang aking ngipin. Anak ng pating! Ang kapal ng mukha niya para mag-inarte gayong siya naman ang may kagagawan nito. “Ano ba ang nangyari? Bakit pumutok ang bumbilya?” tarantang tanong ni Carmina. Sinipat din nito ang iba para siguruhing walang nasaktan. Napahinga ako ng maluwag. Buti na lang at walang napuruhan. Kailangan lang nilang maligo at magpalit ng damit para masigurong wala nang bubog na nakadikit sa kanila. Umalis saglit si Bong at Ramon para kumuha ng panglinis, kumalat kasi ang ito sa sahig at lamesa. Habang si Carmina naman ay inaasikaso si Celeste, inutusan niya ang sira*long si Evelyn para kunin ang first aid kit. Ang sar

