Panandaliang nawala sa huwisyo si Caroline nang biglang magsitaasan ang kaniyang balahibo dulot ng dalawang pares ng mata na nakamasid sa kanila. Mabilis pa sa kidlat na dumako ang kanyang tingin sa puno na nasa labas lamang. Ngunit tila isang bula na nawala ang mga iyon. Ang kulay itim niyang mata ay naging pula. Nakaramdam siya ng kakaibang init dahil sa presensya ng mga ito. "Are you okay, Caroline?" Naipikit niya na lamang ang kaniyang mata nang tawagin siya ng kasama. Ilang ulit na huminga ng malalim bago ito balingan. "Opo, Sir," mahina niyang turan, ang isip ay lumilipad kung saan-saan. Napansin niyang sinundan nito ang kanina niya pa tinatanaw na puno. Kunot noo itong tumitig at luminga pero nang walang makita ay bumalik ang tingin nito sa kaniya. "What are you staring out

