CAROLINE Personal maid. Wala naman siguro iyang pinagkaiba sa normal na katulong, 'di ba? Iyon ang akala ko. Dahil simula nang maging personal maid ako ni Elexir ay halos palagi niya na akong tinatawag para utusan kahit na napakasimple lang naman ng gagawin. Kagaya ng pumili ng damit na isusuot niya para sa trabaho, ipagtimpla siya ng kape at dalhin agad sa kanya, diligan ang mumunting halaman sa loob ng kwarto niya, o kaya ay ayusin ang mga libro sa bookshelves kahit na maayos naman ito. Napakaliit na bagay na kahit siya ay kayang-kaya namang gawin. Kulang na lang ay ako pa ang magsubo sa kanya ng pagkain. Minsan iniisip ko na niloloko lang ako nito, eh. Ito yata ang paraan niya para doblehin ang trabaho ko dahil sa nahuli niya ako no'ng isang araw na hikab ng hikab. Ito na ba ang

