Natapos ng mabasa ni Ruth ang chapters na sinabi ni Ray na kan’yang basahin. Napakaganda ng storyline at nakaka-hook. Gusto n’ya pa ngang basahin lahat pero palagay n’ya ay kulang ang isang araw para mabasa lahat ang storya sa buhay nina Mr. and Mrs. Godric Beaurlington. Dito rin napagtanto ni Ruth na ang magiging lugar pala na pagsho-shootingan nila ng mga eksena para sa teleserye na ito ay ang Meopdiod Iallagant University kung saan dun nag-aaral ang kan’yang bunsong kapatid na si Ren. Nai-excite tuloy s’yang ibalita sa kapatid ang tungkol sa bagay na ito. Nang ilapag na ni Ruth ang manuscript sa tapat ng kanyang upuan ay agad n’yang napansin ang natutulog na amo. Sobrang tahimik nito kaya ‘di maiwasan ni Ruth na suriing muli ang mala-diyos na features ng mukha ni Ray. Sa

