“Sir…” Mahinhing sabi ni Ruth nung nasa tapat na s’ya ng pinto pero ‘di pa rin sumasagot si Ray kaya naman inulit n’ya ang pagtawag dito. “Sir!” Sumigaw na ng ‘di naman gaanong kalakas si Ruth para lang makuha ang atensyon ng amo na ‘di n’ya alam kunug ano ang ginagawa sa loob. Mabuti na lang at agad itong narinig ni Ray. Impossible naman kasing hindi, gayung sila lang dalawa ang nag-iingay sa loob ng kwarto ni Ray. “Pasok ka, Ruth.” Saad ni Ray na mapaghahalataang nagmamadali. Kaya naman, kahit naiilang si Ruth na pumasok sa loob dahil alam nitong naliligo pa si Ray ay wala s’yang nagawa dahil inutusan s’ya ng amo. Ayaw n’yang magalit si Ray sa kan’ya dahil kapag nangyari ‘yun ay papahirapan na naman s’ya nito. Agad na bumungad sa mata ni Ruth ang shower area na halos n

