Chapter 3

1823 Words
PANAY ang lunok ni Terra habang nakasiksik siya sa ilalim ng cart. Doon siya pinatago ni Jelly habang dahan-dahang itinutulak ng hotel staff ang room service cart. Fully covered ng tablecloth ang cart kaya walang nakakapansin na may nakatago sa ilalim ng mesa. Nakalagay naman sa ibabaw ang ilang pagkain at wine habang nakasunod si Jelly na pakendeng-kendeng ang balakang. Pagpasok nila sa loob ng silid, sinenyasan nito ang staff na dalhin ang pagkain sa center table sa mini sala ng silid. Isa-isang inilapag ng staff sa mesa ang mga dalang pagkain. "Uhm, can you check the bathroom? Prepare the bathtub for me." Utos ni Jelly sa staff. Yumuko naman ito na sumunod sa dalaga. Pagpasok ng staff sa banyo, mabilis na pinalabas ni Jelly si Terra sa ilalim ng cart. Pinagpawisan pa ito dahil mainit sa pinagtaguan. "Hurry up, magtago ka na muna. Mamaya ka pa lalabas," utos nito na ikinasunod ni Terra. Hindi naman nagtagal, lumabas na ang staff dala ang cart. Napangising napasunod ng tingin si Jelly dito hanggang makalabas na ito ng silid. She turned off the lights. Tanging ang banyo lang ang nakabukas ang ilaw para maaninag pa rin ang loob ng silid. Nilapitan niya si Terra na nagtatago sa walk-in closet ng silid. "Bilisan mo. Mag-shower ka na doon at baka ma-turnoff pa si Joshua kapag naamoy niya ang pawis mo!" sikmat nito sa dalaga. Iniabot niya ang robe dito. Kaagad namang sumunod si Terra. Mabilis siyang pumasok sa banyo na inalis ang lahat ng suot. Napangisi naman si Jelly na naupo sa may sofa. Binuksan ang red wine at nagsalin sa glasswine nito. Napapanguso ito habang marahang pinapaikot ang laman ng wine sa baso. Nakamata sa pintuan at inaabangan ang pagpasok ni Joshua. Joshua's assistant already informed her that his boss is on the way. Kaya naman excited na ito at the same time ay kabado. She wants everything to be perfect as what she planned. Ayaw niyang magkamali si Terra dahil tiyak na masisira ang plano niyang pamimikot sa kanyang long time crush na si Joshua Madrigal! Hindi lang dahil bilyonaryo si Joshua kaya hinahabol niya ito. Kundi dahil napakagwapo nito kahit arogante at kilalang beast in bed! Hindi naman nagtagal, lumabas na si Terra suot ang roba. Dinala din nito ang mga damit niya na muling bumalik sa walk-in closet. Doon kasi ito pinatago ni Jelly. Nagsalin naman si Jelly sa isa pang wineglass ng wine na dinala kay Terra. "Drink this too. Baka mapansin ni Joshua na walang wine sa hininga mo," wika nito na iniabot kay Terra ang wine. "Pero. . . hindi po ako umiinom, ma'am." Pagtanggi ni Terra dito na napataas ng kilay. "I don't care if you're drinking wine or not. Basta inumin mo, naiintindihan mo?" sikmat ni Jelly dito. Napapalunok namang kinuha iyon ni Terra. Inirapan ito ni Jelly na bumalik na sa sofa. Ini-enjoy ang wine nito habang inaabangan ang pagdating ni Joshua. Hindi naman makikita ang mukha niya dahil naka-off ang mga ilaw sa silid. Pero maaaninag ang bulto niya dahil naka-on ang ilaw sa banyo. "There you are," usal nito na napangisi. Bumukas na kasi ang pintuan at pumasok ang matangkad na lalake. Kahit bulto lang nito ang naaaninag niya ay alam na alam niyang si Joshua na nga ito! Mabilis niyang tinungga ang laman ng wine. Tumayo na nakangiti sa binata. "Did you wait too long?" ani ng baritonong boses na napaka-husky at lalim! Kinilig ito na inilapag sa center table ang glasswine. Napasinghap pa siya na malanghap ang manly perfume ng binata. Napadantay siya sa malapad na dibdib ni Joshua. Kahit gustong-gusto niyang makita sa liwanag ang mukha ng binata, hindi pa pwede. Dahil tiyak na masisira ang plano niya. Napanguso ito na kumapit sa necktie ng binata. Dahan-dahang kinalas iyon na sinamyo pa bago inihulog sa sahig. Nakamata lang naman si Joshua dito. Inaaral ang pigura ng dalaga. Pero kahit anong pagtitig niya ay hindi maaninag ang mukha nito. Pero kung katawan lang? Kita sa kurbada nito na may shape ang katawan nito. "Not bad. At least she's virgin tho," piping usal ni Joshua sa isipan na inabot ang wine sa mesa. Tinungga niya iyon direkta sa bote. Nakatingala naman sa kanya si Jelly. Kinikilig na nasa harapan na niya si Joshua! "Unbutton it," utos ni Joshua dito. She bit her lower lips. Napapapilantik ang mga daliri na isa-isang kinalas ang mga butones ng long sleeve ni Joshua. Hinayaan lang naman ito ng binata. Maya't-mayang tumutungga sa wine hanggang sa makalas na lahat ng dalaga ang butones ng long sleeve nito. "Let's start. Make sure you're virgin, lady." Wika ni Joshua dito na hinapit ito sa baywang. "Uhm, sandali. I need to use the bathroom first." Pabulong saad ni Jelly dito. Humingang malalim si Joshua na tumango. Pabagsak itong umupo sa sofa. Kaagad namang umalis ang dalaga sa harapan niya. Nagtungo sa closet na nagkunwaring kukuha ng robe. "Nand'yan na siya. Ayusin mo, Terra. Kapag nakatulog na siya? Lumabas ka na para makapalit ako, naiintindihan mo?" pabulong paalala niya kay Terra. "O-opo, ma'am." Utal na sagot ni Terra dito. "Pumunta ka muna ng bathroom. Maghilamos ka." Utos ni Jelly na pasimpleng pumasok sa closet at pumalit na si Terra. Nasa sofa naman si Joshua. Nakapikit na hinihilot ang noo. Naiiling na lamang ito na may nahanap nga silang birhen sa mga babaeng naghahabol sa kanya! Akala niya ay suntok sa buwan na makakahanap siya ng birheng dalaga sa panahong ito, maliban na lang sa kanilang angkan. But he was wrong. Ilang sandali pa ay narinig na nito ang mga papalapit na yabag ng dalaga mula sa likuran niya. Nanatili siyang nakaupo sa sofa. Lumapit naman si Terra na dahan-dahang naupo sa tabi nito. Napangisi si Joshua na nilingon ito. Inaasahan niya kasing sa kandungan niya uupo ang dalaga pero. . . sa tabi niya ito naupo. "You want this, right?" tanong niya sa dalaga na nakasuot na ng roba. Napalunok naman si Terra. Kabilin bilinan kasi ni Jelly na hwag na hwag itong magsasalita. Dahil baka makabisa pa ni Joshua ang boses niya. Nakagat nito ang ibabang labi na marahang tumango. Mahigpit na nakakapit sa kanyang roba. Napabuntong hininga naman ng malalim si Joshua na nakamata dito. Pakiramdam niya ay natatakot ang dalaga sa kanilang gagawin. Pero ito naman ang nagpresinta na ibigay ang katawan sa kanya at sunggaban ang pagkakataon na maikasal sa isang famous tycoon billionaire like him! "Come here, lady. Sit on my lap." Utos ni Joshua dito. Naninigas ang mga tuhod ni Terra na tumayo sa kinauupuan. Hinawakan naman ito ni Joshua sa kamay na hinila paupo sa lap nitong ikinasinghap ng dalaga! Bumilis ang t***k ng kanilang puso sa paglalapat ng kanilang balat! Na tila may libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kanilang ugat. Napalunok silang dalawa na dama ang connection sa isa't-isa! Palakas din nang palakas ang kabog ng kanilang dibdib! Dahan-dahang nag-angat ng mukha si Terra. Gusto niya sanang makita ang mukha ng lalakeng pag-aalayan niya ng kanyang dangal. Pero madilim kaya hindi niya ito makita. Pero amoy na amoy niyang napakabango nito. Ang sarap nitong amuyin at kita din na matangkad itong lalake at maayos ang haircut. "Are you okay? Hindi ka ba handa?" pabulong tanong ni Joshua dito. Umiling lang naman si Terra. Tila may sariling pag-iisip ang kamay nito na umangat at sumapo sa pisngi ng binata. Hinayaan lang naman ito ni Joshua. Nakakapit siya sa baywang ng dalaga na nakaupo sa lap niya. Damang-dama tuloy niya ang malambot nitong pag-upo. Napapalunok si Terra na kay bilis ng t***k ng puso niya habang marahang hinahaplos ang malambot at makinis nitong pisngi! Maging ang hininga ng binata ay napakabango! Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha. Lakas loob na magaang hinagkan ito sa pisngi. Napangiti naman si Joshua na napapisil sa baywang nito. Damang-dama niya ang kaba at tension na nadarama ng dalaga. "Kiss me on my lips too," utos nito na dahan-dahang humaplos ang palad pataas sa batok ng dalaga. Parang nahihipnotismong napasunod si Terra dito. Dahan-dahang pinaglapat ang kanilang mga labi. Mariing napapikit na hindi makakilos. Mahinang natawa naman si Joshua. Halatang hindi marunong humalik ang dalaga "Looks like. . . I am her first kiss too," piping usal nito na dahan-dahang humagod ang labi na buong ingat inangkin ang mga labi ng dalaga! Napakapit si Terra sa malapad nitong balikat. Ninanamnam ang kakaibang sarap na hatid ng mga labi ni Joshua na masuyong inaangkin ang mga labi nito! It was her first kiss and she don't know how to respond! "C'mon, baby. Kiss me back, hmm?" anas ni Joshua na muling inangkin ang mga labi nito. Napaungol si Terra na napayapos sa batok nito. Inaaral ang bawat paghagod ng mga labi ni Joshua sa kanyang mga labi. Dahan-dahan namang hinila ni Joshua ang tali ng roba nito na kaagad nakalas. "Uhmm!" Kumawala ang ungol sa labi ni Terra na pumasok sa loob ng bibig niya ang labi nito at gumalugad sa loob hanggang mahuli nito ang dila ng dalaga! Napangisi sa isipan si Joshua na pinuluputan ang dila ng dalagang naninigas na at hindi makatugon! Dahan-dahan niyang inilihis ang suot nitong roba pahubad sa dalaga habang mapusok niya itong hinahalikan! "Uhmm!" Panay ang kawala ng mga nagrereklamong ungol ni Terra na halos lapain na ng binata ang buong labi niya! Nauubusan na rin ito ng hangin sa baga sa lalim at diin nitong humalik! Napasinghap si Terra na napaliyad nang maramdaman ang unti-unting pagdaosdos ng suot na roba. Napaliyad ito na bumitaw sa malalim nilang halikan nang maramdaman ang mainit na palad ng binatang humaplos sa likuran nito. Napalunok pa ito na nagkakapalitan sila ng hanging nalalanghap ni Joshua. Sumasampal sa mukha niya ang mainit at mabangong hininga ni Joshua na ibang-iba ang dating sa kanyang puso! "Are you sure about this, hmm? Once I thrust mine inside you. . . no turning back," bulong ni Joshua dito na napapikit. Yumakap siya sa binata na napasinghap. Nakabukas na kasi ang polo ni Joshua habang si Terra naman ay nakalantad na ang kalahati sa katawan nito. Kaya naman dama nila ang kakaibang init ng kanilang katawang naglapat. Mapait na napangiti si Terra na naluha. Ayaw niyang sa gan'to ibigay ang puri niya. Pero bayad na siya at kailangan niyang sumunod sa kasunduan nila ng kanyang amo. "O-oo. Sige na. G-gawin na natin." Pabulong sagot ni Terra nang makalma ang sarili. Napapisil naman sa baywang niya si Joshua. Dahan-dahan itong kumalas na humaplos sa pisngi ng binata. Pilit ngumiti na kusang inilapit ang kanyang mukha dito. Hanggang sa tuluyang maglapat ang kanilang mga labi. Kabado pa ito na maingat sinipsip ang ibabang labi ng binatang lihim na napangiti. Niyakap niya ito na tinugon ang halik ng dalagang kabado at hindi marunong. Halatang nahihiya pa ito at hindi sanay. Tuluyang namigat ang paghinga ni Terra na napapikit. Nagpatianod sa binatang kinarga siya habang malalim silang naghahalikan at dahan-dahang naglakad na dinala siya sa kama!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD