Ilang araw akong sunog ng kilay para sa isang espesyal na araw ng aming test, and I'm surprised na hindi ako ginulo ni Roswald during test namin, to be honest, hindi ko pa sya nakikita since that night.
"Asan na kaya siya?" pagaalala kong tanong sa sarili ko habang nakaupo sa cafeteria. May nakita naman akong anino at nung tinungo ko at nakita ko sila Lucy.
"So Alphonse, sasama kaba sa prom?" masaya niyang tanong na may ngiti.
"A-ah...Oo syempre, aabangan ko kayo sa gate ha?" sabi ko ng mag ngiti at umalis naman sila agad, at napawi ang ngiti sa aking mukha, "Roswald...nasaan ka nanaman ba?"
.
.
Natapos ang araw ng aming test, at bukas na ang prom night pero di ko parin nakikita kung nasaan si Roswald. Kaya pumunta ako sa sementeryo.
Binisita ko narin ang nanay ko doon na isang linggo konang hindi nabibisita, "Kamusta kana ma?" tanong ko sa kanyang puntod at umupo sa harap neto.
"Ma...alam ninyo...hindi ko pa siya nakikita simula nung nakaraang 3 araw, ewan ko kung nasaan na sya..." ani kong pabulong saking sarili habang nakatitig sa puntod ni mama.
"Pero sana...maisayaw niya ako tulad ng pangako niya" ngumisi naman ako sa sinabi kong iyon at nagaasam talagang isang araw ay makasayaw ko siya.
Tumayo ako at umalis, pero may nakita akong isang puntod na walang pangalan kalahating metro mula sa puntod ni mama. "Kanino...kaya iyon?" ani ko sa aking sarili.
.
.
Pumunta naman agad ako sa bahay at tinignan ang aking buhok ng kalahating oras sa salamin, at nag-browse ako na pwedeng kakaibang hairstyle sa mahaba at makulot kong buhok.
Tinignan ko na rin ang aking susuotin sa prom night at ito ay isang pink dress na off-shoulder, abot sa aking tuhod at kumikinang sa white glitters. At ang aking white heels na mula pa sa aking nanay. Kaya niyakap ko ito ng nahigpit.
Binuksan ko naman ang aking bintana at dumungaw doon ng saglit, naramdaman ko ang malamig at mahinhing hampas ng hangin sa aking kutis.
"Nasaan kana kaya...buwisit ka talaga at pinagaalala mo ako"
.
.
At isang tulog ko ay araw na ng prom night namin, kaya noong hapon kinulot kona ang dulo ng aking buhok at nilinis ang aking mga gagamitin mamayang gabi.
"Ang linis mo naman pala" biglang may nagsalita sa aking likuran at nung unti-unti kong tinignan si Roswald pala ito na nakalutang sa hangin at nakangiti na parang walang nangyari.
"Yo-ho~" ang sabi niya pero bigla ko siyang sinapak at lipad sya papuntang kabilang kuwarto.
"Woy!? bakit mo naman ginawa iyon?!" sulpot niya sa kabilang kuwarto habang naginginig parin ako sa galit.
"DAPAT LANG SA IYO YON! SAAN KABA NAGPUNTA NG MGA NAKARAANG ARAW HA?!" sigaw ko sakanya at nawala naman ang kanyang inis sa akin.
"Di ka man lang nagpaalam sa akin, buwisit ka talaga no!" sabi ko at lumuhod sa sahig ng nakababa ang aking mukha.
"....Wag mo na akong paalalahanin ng ganoon ha....para kasing ilang taon kanang wala eh..." nguwa ko ng mahina sa kanya, naramdaman ko naman ang yakap niya sa akin.
"Pasensya na kapag feeling mo bigla kitang iniwan...may surpresa lang talaga ako saiyo" ani niya at nanlaki naman ang mata ko.
"Talaga...?" mahina kong tanong at tinignan siya at ngumiti sya, "Talaga" napangiti naman ako dito at naexcite sa kung anong surpresa ito.
.
.
Nilagay kona ang aking damit at nagayos ng magara habang nakatitig lang sa akin si Roswald nairita ako sa kanyang pagtitig at hinampas ang pink lipstick ko sa lamesa, "Bakit?!" inis kong tanong.
"P-pasensya na! A-ang ganda mo lang talaga kasi eh..." sabi niya habang napakamot sa kanyang ulo at napangiti, bigla namang uminit ang aking mukha dahil doon, "T...tanga.." bulong ko sa kanya.
.
.
Naghintay ako sa labas ng gate para kitain sila Lucy at nakita ko silang nakalong gown at kasama ni Lucy si Zack, ang heart-throb ng aming campus, pero wala akong interes sa mga ganoong itsura tulad niya.
"Andyan kana pala Alphonse, ang ganda mo ngayon ha. By the way, eto pala si Zack, kadate ko sya ngayon" pagmamalaki niya at nginitian kolang silang dalawa.
"Halika na" sabi niya kay Zack at hinatak niya siya papunta sa loob.
Ginanap ang aming prom night sa loob ng gymnasium namin at parang disco night sa dami ng makukulay na ilaw at pagkain ang nakahanda.
"Halika Zack sayaw na tayo" sabi ni Lucy at umoo naman si Zack kaya inabot ni Lucy saken ang maliit niyang bag, gumaya narin ang kanyang mga kaibigan at nakaupo lang ako sa umpuan habang pinapanood ang ibang tao na nagsasayaw sa aking paligid.
Nainggit naman ako sa kanila, dahil may kasintahan sila at kaibigan na pwedeng magpasaya sa kanila sa gabing ito, habang ako wala.
"Ah! ikaw bayan Al?!" isang pamilyar na boses ang aking narinig at nung tumingin ako sa direksyon ng boses ay nakita ko ang dati kong kaklase. "E-edzel?! anong ginagawa mo dito?!" nataranta ako at napatayo sa aking inuupuan.
"Kamusta kana Ed? Pogi ngayon ha" asar ko ng kaunti sakanya, "Ahahaha okay lang naman ako, ang ganda mo ngayon ha, walang halong joke" sabi niya at nagblush naman ako sa sinabi niya.
"Jusko! ikaw talaga palabiro!" sabi ko at hinatak ang kaniyang pisngi, "A-aray! aray! S-so, may ka-date kaba ngayon?"
Napatingin ako sa baba, "Wala nga eh"
malungkot kong ani.
Inabot naman niya ang kanyang kamay sa akin, "Pwede bang...masayaw kita?" tanong niya sa akin, "Wala kang ka-date?"
"Kaya nga tinatanong kita para sumayaw eh" sagot niya at napahalakhak ako dito at inabot ang kanyang kamay.
Nagsayaw kami sa ilalim ng makukulay na ilaw. "Tagal na nating di nagkita ha, ilang taon na kaya"
"Mga dalawa o tatlo na ata, wala naman akong pake"
Tumawa naman siya ng mahina, "Di ka parin talaga nagbabago, Al"
"Ikaw rin naman eh, Ed" sagot ko at nagtawanan kami ng mahina. Bigla ko namang nakita sa dulo ng aking mata si Roswald na nakatingin lang sa amin, at parang nanakit ang dibdib ko dito.
.
.
Natapos ang prom night at si Edzel lang ang aking nakasayaw, "Bye-bye Al!" sigaw sa akin ni Edzel habang lumalakad papalayo.
"Sige! Paalam na muna Ed!"sigaw ko pabalik habang nakangiti.
"Ka-date moba iyon?" tanong ni Lucy, "Ah hindi, kaibigan ko dati" ani ko habang nakangiti.
"Pero pwede kayo ha, ang cute" asar niya, "Wag ka namang magsalita ng ganyan!" tumawa siya at nagpaalam na sa akin.
Naguusap naman ang lahat ng dumadaan sa paligid ko, "Alam mo bhie, may eclipse daw mamaya, panooren naten ha?" sabi ng isang babae sa kanyang mga kaibigan, may Eclipse palang magaganap ha...sana may makasama akong panoorin ito...
"Sino yung lalaki?" biglang sulpot ni Roswald sa gilid ng mukha ko, "Huwag ka namang manggugulat ng ganyan! Tsaka kaibigan ko lang iyon"
"Ang saya nyo naman" ani niya
"Ilang taon na rin kasing di kami nagkikita, kaya nagalak lang akong masayaw sya" sabi ko ng nakangiti. Bigla namang kinuha ni Roswald ang aking kamay at hinila ako.
"S-saan naman tayo?!"
"Edi sa sorpresa ko!" sabi niya na parang medyo galit, at naalala ko nga pala na may sorpresa sya sakin.
.
"Sa sementeryo?" tanong ko habang nakatayo kami sa entrance nito.
"Pumasok ka sa border" sabi ni Roswald at nagmotion ako na parang may binubuksang pinto at pinatong niya ang ang kanyang kamay sa kamay ko.
Hinila niya ako para makapasok sa border, at lumiwanag nanaman ang aking paningin.
.
Binuksan ko ng mahinhin ang aking mata at nakita ang isang lalaki na naka talikod sa akin at inaayos ang kanyang all-white na tuxedo.
Tumingin naman siya sa akin at narealize ko na si Roswald pala ito, at nakaayos din ang kanyang usual na magulong puting buhok, at diko napansing umiinit na pala ang aking mukha.
"Okay ba?" tanong niya sa akin at nakatulala lang ako, "Ang cute mo..." bigla nalang lumabas sa aking bibig at tinakapan ko ito.
"Salamat, ikaw din kaya" at sumabog ang aking utak sa compliment niya na iyon, ang pogi niya pero ang cute niya kapag ngumiti, he's like the definition of 'hottie but a cutie'.
"May problema ba?"
"W-wala...b-bat nga pala tayo andito?" inabot niya ang kanyang kamay sa akin.
"Pwede ba kitang maisayaw?" hindi ako nagmumura pero shet ang cute nya talaga, napatulala ako pero inabot ang kaniyang kamay at ngumiti naman siya, I CANNOT TAKE THIS ANYMORE WAHHHH!!! sigaw ko sa sarili ko.
Nilakad niya ako sa loob ng gubat at may mga flower petals ang daanan, gosh ang romantic naman, tsaka bakit nagkakaganito ako sakanya?! sakanya lang ako nagkakaganto? Bat ganto?!
Napunta kami sa isang open space sa gubat at may mga Pixies na anyong alitaptap ang nasa itaas namin na nagcrecreate ng makukulay na ilaw.
"Ikaw gumawa nitong lahat?" tumungo lang siya nang may ngiti. Bigla niyang hinawakan ang aking isang kamay at bewang ng tumitingin ako sa paligid, nagulat ako dito pero hinawakan ko sya sa kanyang balikat.
Inistart naman niya akong iikot at may narinig akong musika mula sa buong paligid, halatang pinaghandaan talaga.
"Nalungkot kaya ako...." nagsalita siya at tumuntun ang atensyon ko sakanya, "Nung sinabi mong si Lucy lang yung kaibigan mo...." malungkot na ani nya, "H-hindi.." sagot ko sakanya habang paikot-ikot kaming sumasayaw.
"Tsaka nung nakasayaw mo yung Ed nayon, biglang sumakit dibdib ko..."
teka, nagseselos sya?...
"Sagutin moko Alphonse....ano ba ako sa iyo?" tinignan niya ako ng kanyang inosenteng kayumangging mga mata, at naramdaman ko namang tumalon ang aking puso dahil dito.
Niyakap ko naman siya at napatigil kami sa pagsayaw. "Roswald..." tawag ko sakanya at dinikit ang aking noo sa kanyang noo.
"Ikaw yung klase nang kaibigan kong nagpapasaya sa akin...ikaw lang ang gumawa noon para sa akin, at masaya ako doon" sabi ko at pumikit, pumikit din siya.
"Pwede ba kitang matawag na Al?"
"Sige, tapos tatawagin naman kitang Ros"
"Salamat, Al"
"Walang ano man, Ros..." yakap ko sakanya at nagsayaw ulit kami.....