We both sat at the dark blue ground while looking up the red but colorful sky, natapos na kaming magsayaw kaya nagpahinga muna kami.
Habang tumingin naman ako sa paligid at nahanap ang kakaibang tumutugtog na bagay, "Pinagsipagan mo talaga itong lahat? Para sa akin?" tanong ko ulit.
"Kasi mukha kang masaya nung sinabi kong gusto mo akong makasayaw" sabi niya at tumingin sa ibang direksyon.
Umupo naman ako sa tabi niya at tinignan lang ang kanyang mukha, "Bakit?" tanong niya sa akin.
"W-wala naman" ay grabe wala akong maitopic, sumisikip din ang dibdib ko at umiinit ang mukha ko, baka nga talaga in love ako sakanya, sa isang ghost?! hindi! hindi! hindi pwede yunnnn!!
"Okay kalang?" tinapik niya ang aking balikat at napatalon naman ako dito, "W-wala naman ito...." at tumahimik nanaman ang paligid namin.
"R-ros..." tawag ko at "Hmm?" lang ang kanyang sagot.
"May sasabihin ako..." tumingin naman siya sa akin at kinabahan ako.
"Ang totoo kasi....eh...ano eh..." nahihiya kong sabi nang bigla siyang tumayo.
"Anong problema?" tanong ko at parang hindi niya ako narinig. "So andito ka ulit....Reaper" sabi niya at may isang lalaking sumulpot mula sa gubat na may itim na buhok at nakanormal na black hoodie at medyo matangkad siya sa akin.
Ang aura na ito....sya nga! Siya yung nakabangga ko noong nagshoshopping lamang ako.
"Ros!" tawag ko at tumayo pero binigyan niya ako ng signal na wag akong lalapit.
"Huwag mong lalapitan si Al! Ano ba nanamang gusto mo? Sinundan mo na nga ako't lahat lahat eh!" teka...sinusundan? Kaya pala binangga niya ako, on purpose pala iyon.
"May bago nanaman kasing mensahe para sayo yung nasa higher-ups" higher-ups? Yun ba yung mga nasa Gate?
"Tsaka mag-chill kalang bro, wala akong interes sa mortal mong kaibigan" ani nya habang palapit ng palapit kay Roswald at dinikit ang kanyang noo sa kaniya at umilaw ito ng kaunti.
Roswald walk back at napaupo sya sa sahig, "Message Sent" sabi nung lalaki at nung tinignan ko ang braso ni Roswald may mga numero itong nagka-count down.
"Congratulations, kapag naubos na yang oras sa braso mo makakapasok kana ng Gate" sabi ng lalaki at lumakad papalayo.
"Teka....Message sent? Congratulations? Makakapasok kana sa Gate? Anong.....ibig mong sabihin?" nalilito kong tanong habang nakatingin silang dalawa sa akin at bumungisngis naman yung lalaki.
"Aha, hindi pa ba ako nakukuwento ni Roswald sayo? Ni hindi niya rin nasabi sa iyo kung ilang oras nalang meron siya?" mas lalong nanlaki ang aking mata dahil doon.
"Roswald...?" tingin ko sa kanya pero iniwasan niya ako ng tingin at tumayo at lumakad papunta sa akin.
"Al..." sabi niya habang sinubukan niya akong yakapin pero lumakad ako palayo, "Bakit hindi mo sakin sinabi?" tanong ko habang may mga maliliit na luhang bumagsak sa aking mata.
"Kasi nga...." ani niya pero bigla na lamang tumakbo ang aking katawan papalayo sa kanya at nanikip din ang aking dibdib kaya hinawakan ko ito sa sobrang sakit.
Tumakbo ako ng sobrang bilis at bigla nalang may natali sa aking paa at napabitin ako sa taas ng puno, binaba ko naman ang aking dress at nahabol naman ako ni Roswald at nakita ko syang nasa ibaba ko.
"Alphonse!"
"Roswald! A-anong nangyayari?" taranta kong tanong at biglang umusok ng kahel sa aming paligid at nawawala na ang aking conscious, nakita ko namang apektado rin si Roswald dito.
"Al...!" naging pabulong niyang tawag habang nawawalan na sya ng diwa at sinubukan ko namang abutin ito pero bumagsak na sya. Bigla namang may mga maiitim na malabong imahe ang nakikita kong lumalapit kay Roswald.
"Anong....ginagawa ninyo..." sabi ko habang unti-unting nawawala ang aking diwa.
.
.
"Siya ba talaga.....yung mortal?"
"Paano sya nakapasok dito....? Hindi ligtas sa mundong.....ito"
"Kailangan nating ma-inform....
ang reyna ng mga bruha"
Eto ang mga salitang naririnig ko habang nakapikit ang aking mata. Mahinhin kong binuksan ang aking mga mata at nakita ang hindi pamilyar na kisame na gawa sa kahoy. Tumingin ako sa aking kaliwa at nakita ang isang malabong imahe ng tao na nakaupo.
Luminaw ng kaunti ang aking paningin at tinignan ko syang muli, "Gising kana pala, mortal" sabi sa akin ng maliit at may balbas na lalaki.
"KUUUAAAAHHHH!" naman ang aking sigaw na rinig hanggang sa labas. Nagmamadali akong tumayo pero nauntog lang ako sa kisame. "S-s-sino kaaa?!" tanong ko at narealize ko na duwende pala ito.
"Ah! Pasensya na ako nga pala ang doctor ng mga duwende, ako si Grog" pakilala niya at inabutan ako ng maliit niyang kamay. "Di kaba natatakot sa akin?" tanong ko sakanya.
"Bakit naman ako matatakot? Eh kasama ko ang iba pang duwende dito" sabi niya at nanahimik ako ng sandali at napaisip. "HA?!" gulat kong sabi at nagulat naman siya sa akin.
"K-kalma kalang mortal, nandito ka ngayon sa tahanan ng mga duwende." mahinhin niyang sabi sa akin at kumalma naman ako at huminga ng malalim.
"Ah! Nasaan na nga pala si Roswald?!" tanong ko at napatingin nalang sa akin yung doctor.
"A-ah...Si Roswald ba yung multo na bata na may puti at magulong buhok" naliwanagan naman siya sa sinabi ko.
"Ah, yung kaibigan mo pala iyon, wag kang magalala pagkakaalam ko ay nasa baba siya eh" baba? ibig sabihin isang gusali ito? paano nila ako napasok sa makipot na kuwartong ito?
"At bago kayo umalis" sabi niya ay binigyan ako ng simpleng puting dress. "Hindi ka namin mapalitan ng sinusuot kaya baka pwedeng magpalit ka ng iyong suot dahil-" sinignal niya naman ang aking suot at nakita kong gasgas-gasgas na ito at madumi na.
.
.
Nakapagpalit na ako at nakababa na sa parang hospital na malaking puno, kaso nga lang sumakit ang aking likod dahil naka yuko ako hanggang pagbaba. Ginabayan naman ako ni Grog papunta kay Roswald.
At nakita ko syang nakatayo at nakatingin sa taas, "Al!" tawag niya sa akin pero di ko siya pinansin kaya bigla nalang siyang sumimangot sa ginawa ko.
"Al..." sabi niya sa akin at may distansya sya sa harapan ko. Tumingin siya sa baba at sa kaniyang kaliwa.
"I'm sorry..." kinilabutan naman ako sa sinabi niya sabay ng mahinhing hanging sumipol sa amin.
"Siguro dapat sinabi ko agad sa iyo...ayaw ko lang kasing pagalalahanin ka eh, kasi ayun yung sabi mo" saad niya at mas kinilabutan pa ako, I never see Roswald like this because he's usually a happy-go-lucky guy and now he's apologizing to me with a sad face.
I huff and crossed my arms and look away at him, "Okay then....I guess I'll forgive you for it" I saw his eyes brighten he really is happy.
"Pasensya na kung madidistorbo ko kayo pero, may gustong kumausap sa inyo" sabat ni Grog sa amin, diko napansin na nandoon pala siya kasi ang liit- okay I take that back baka macurse niya ako.
"Sino naman po?"
"Si Queen Helga, reyna naming mga duwende" nanlaki naman ang mata ko sa kanyang sinabi. Reyna ng mga duwende? Bakit gusto niya akong makausap? Ah! Baka mali talaga ang pagpasok ko sa boundary, baka patayin niya ako-
Hinawakan naman ako sa pulso ko ni Roswald at napatingin ako sakanya, "Wag kang magalala, andito lang ako" with those simple words my chest feels light and my thoughts hurdle out my mind. He really is my friend...And my saviour...
...........
Isang hummingbird na ibon ang lumipad patungo sa isang malaking gubat na napupuno ng malalaki't masisiglang puno. Lumapag naman ang ibon sa daliri ng isang dilag na nakasuot ng malaking sombrero, at nakasuot ng magarang dress at nakaupo sa nakalutang nitong lawis.
"Ah...talaga ba?" sabi niya gamit ang kanyang matamis na boses, "Parang gusto kong makita kung sino itong mortal na babaeng ito...."