Miyerkules na at pagkakaalam ko ay shorten lamang ngayon. Kaya naexcite ako ng kaunti sa pagpasok.
.
.
Ang tangi lang naming nadiscuss this day is yung kalahati ng aming subject at nakinig ako dito dahil gusto kong kahit papaano'y may natutunan ako.
At umuwi na kami.
"Saan kana pupunta ngayon?" tanong sakin ni Roswald.
"I decided na maglilibot muna ako ng kaunti sa paligid na alam ko bago ako umuwi" saad ko ng mga ngisi saking mukha.
"Bakit parang masaya ka ngayon?" tanong niya sakin.
"Kasi nga birthday ni mama ngayon at bibisitahin ko ang mga dati niyang binibisita bago ko sya bisitahin" ani ko at pumunta muna ng bahay para ibaba ang aking bag at magbihis ng damit panglakad.
Dinala ko narin ang gitara ko at nilagay ko ito sa bag nito.
"Saan mo naman gagamitin ang gitarang iyan?" tanong ni Roswald.
"Secret" sagot ko at masayang isinara ang pintuan ng bahay.
.
Naglakad ako papuntang mall na malapit sa bahay namin at naglibot-libot ng sandali at pumunta sa isang key chain store at tumingin-tingin ng mga bagay-bagay.
I used to remember everytime na pupunta kami dito ni mama, pupunta muna kami dito sa key chain store, kakain at pupunta sa mga market para magwindow shopping.
Kinuha ko ang maliit na key chain na may korteng puso, "Masyadong maliit naman yan, pumili kana ng malaki-laki" sabi ni Roswald at wala akong sinabi at sinunod siya.
Nakita ko naman ang hugis gitarang key chain at tinignan ito ng mabuti. "Masyadong plain" saad ni Roswald at binitawan ko ito. At nakuha naman ng aking pansin ang isang key chain na cartoon ang itsura ng magulang na may hawak na baby.
Hindi ko maalis ang mata ko dahil dito kaya ito ang aking binili.
.
Umalis na kami sa store at nagikot sa mall para hanapin ang restaurant kung saan kami dati kumakain.
"Ano naman ang gagawin mo sunod?"
"Hahanapin ko yung maliit na restaurant dito para kumain ng hapunan doon" sagot ko sakanya.
"Pero may tira kapang pagkain sa bahay"
"Tribute koto sa nanay ko okay? Kasi nga birthday niya" bulong ko sakanya.
Nakita ko ang restaurant at inorder ang usual naming inoorder doon ni mama dito, ang cheap nilang burger.
.
Nabusog naman ako sa kinain ko at dali-daling umalis sa loob na ito. Tinignan ko ang oras at 12nn palang.
"Ano namang-"
"Magwiwindow shopping lang naman ako, tapos aalis na ako dito" putol ko kay Roswald at pumasok sa loob nung market.
Tumingin-tingin ako sa mga bagay na alam kong hindi ko mabibili dahil sa kakulangan ng pera, bakit kasi kulang pa yung perang dinala ko dito?!
Nabangga naman ako ng isang babaeng mas matanda sakin dahil hila-hila siya ng kanyang anak papunta sa section kung saan nagbebenta ng laruan.
"Pasensya na hija" paumanhin niya.
"Okay lang po iyon ma'am, sige po sundan nyo na yung anak nyo mukha pong nagmamadali na eh" saad ko at nagpaalam naman siya sakin.
"What a lucky girl" sabi ko at napatingin naman si Roswald sakin.
"Sana malaman ng anak ang kahalagahan ng isang magulang..." saad ko at biglang sumimangot ako sa pagiisip ng ganito at niyakap naman ako ni Roswald.
"You're what you are because of your scars...." saad niya at napatingin lamang ako sakanya.
"Wag kang magsisisi sa mga ginawa mo, ayokong makita kang malungkot ngumiti kana ulit katulad ng kanina" namula naman ang mukha ko dito.
"Salamat Roswald, okay na ako" sabi ko at pinakawalan niya ako sa yakap niya.
.
.
Umalis na ako sa mall at tinigna ko ang oras, it's 2pm na.
Pumunta ako sa parke kung saan kami minsan nagbobonding ni mama, at nakita ko ang malaking puno kung saan kami madalas magsilong ni mama.
Tumakbo ako patungo dito at umupo habang yakap-yakap ang aking gitara. Habang nakatayo naman si Roswald saking harapan.
"I'm here mom....remember this park?" bulong ko at pinikit ang aking mga mata. Nang biglang may narinig akong nguwa mula sa isang batang babae na nasa likuran lamang ng puno.
Dali-dali akong rumespunda at baka kung ano na ang nangyayari. At nakita ko ang parehas na babaeng nakabangga ko kanina pero wala ang kanyang nanay.
"Bata, asan na yung nanay mo?" tanong ko pero mas lumala ang kanyang pagiyak. Napanic si Roswald dahil dito.
"Pasensya na, Alphonse di ako marunong sa mga bata" ani niya at napa-'tsk' nalang ako dito.
"H-huwag kang magalala, tutulungan kita" nagpapanic kong sabi sakanya pero mas lalong lumakas ang kanyang pagiyak, hindi ko alam ang gagawin ko ng bigla kong tinignan ang gitarang hawak-hawak ko.
Tinugtog ko naman ang musikang ito sakanyang harapan at unti-unting humihina ang kanyang iyak hanggang sa tumahan na siya.
Tinigil ko ang pagtugtog ko at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang aking mga kamay, "Anong nangyari?" mahinhin kong tanong sakanya.
"Nagalit kasi ako kay mama kasi hindi niya binili yung paborito kong laruan" sabi niya at tumutulo ang kanyang mga luha.
"Kaya tumakbo ako papalayo at dito ako napunta, nawala si mama sa paligid ko" at ngunuwa naman sya pero tinahan ko siya.
"May rason kung bakit hindi binili ng nanay mo yung gusto mo..." saad ko sakanya.
"Hindi mo alam kung ilang oras siya nagtrabaho para lang bigyan ka ng barbie na hawak-hawak mo" ani ko sakanya at tumahimik naman siya.
"Anak?" tawag ng nanay ng batang nasa harapan ko at napatakbo siya sa nanay niya at niyakap ito.
"Maraming salamat talaga hija ah tsaka pasensya narin kung naabala kita" pagpaumanhin ng nanay.
"Wala pong ano man iyon" saad ko ng may ngiti.
"Maraming salamat po ate!" kaway naman ng maliit na bata habang umalis na sila.
"That feels si good..." ani ko saking sarili habang napangiti.
.
.
Pumunta ako sa flower shop para kumuha ng bulaklak na iaalay ko kay mama at pumunta ako sa sementeryo.
Nilapag ko ang bulaklak, key chain at gitara sa puntod ni mama habang umupo ako sa lupa. "Happy birthday po ma" saad ko habang umupo sa tabi ko si Roswald.
"Alam niyo ma kanina, may natulungan ako dahil sa kantang parati kobg pinapakinggan. And I feel so good with myself" ani ko habang nakangiti.
"Binilhan rin kita ng key chain kasi parating ako ang binibilhan ninyo nito" saad ko.
"Maraming salamat nga pala Roswald kasi sinamahan mo ako sa pagse-celebrate ng birthday ng mama ko" sabi ko sakanya at ngumiti.
"It's fine, I just wanted to see your smiling face" ang tangi niyang saad at ngumiti sakin at nginitian ko naman siya pabalik......