Naglalakad kami sa gubat at hindi man lang ako makatingin ng maayos kay Roswald at hindi ko alam kung bakit.
Napapansin ko naman na padilim na ng padilim ang aming paligid, natakot ako at lumapit ng kaunti sa tabi ni Roswald. "Anong oras na ba tayong andito?" tanong ko.
"Ngayon mo lang iyan tinanong sa akin since nakapasok tayo dito. Mga dalawang oras na tayong andito" saad niya habang tinignan ko naman ang paligid.
"Baka kailangan ko nang bumalik sa mundo k-"
"Mamaya-maya na, may isa kapang makikita ngayong araw" sabi niya ng may ngiti.
"Sure kaba na mabagal ang takbo ng oras sa labas?"
"Edi hindi dapat tayo nagtagal dito kung alam ko iyon, kasi may pake ako saiyo" sabi niya, parang nangati naman bigla ang aking tainga ng sinabi niya iyon.
Napunta kami sa isang open space na parte ng gubat, umupo siya at tumingin sa kalangitan. "May makikita kang....napakaganda ngayong araw" bulong nanamn niya. Sinundan ko ang kaniyang tingin at nanlaki ang aking mga mata sa gulat.
Unti unting dumilim and dugong pulang langit at may mga malabituing kumikinang sa taas ng kalangitan namin, nakita rin namin na may umiilaw na malaking mga insektong kamukha ng firefly pero magenta ang kulay ng kanilang balat at buong katawan nila mismo ang umiilaw na nagreresulta sa malakumikinang na kulay sa kalangitan.
"A...ang ganda..." tangi kolang sabi at napaluha ako dahil may nostalgia na dating sa akin ang ganitong senaryo, na parang nakita kona ito dati pa.
"Oh, bat ka umiiyak?" tanong sa akin ni Roswald at pinunasan ko kaagad ang aking luha. "W-wala ito...Ang ganda lang talaga ng senaryong ito. Parang isang panaginip lang, hindi, mas nakakamangha pa sa panaginip" sabi ko habang unti unting ngumiti.
Napatayo naman siya at tinignan ko lang siya, "R...roswald?" tanong ko sakanya at tumayo narin ako.
Bigla nalang niya akong niyakap at halos mawalan ako dito ng balanse, "R-r-roswald?!" natataranta kong tanong dahil bigla nalang nanikip ang aking dibdib at uminit ang aking temperatura.
"Dito sa boundary, pwedeng maghawak ang isang immortal at mortal..." mahina niyang saad at hinigpitan ng kaunti ang kaniyang pagyakap sa akin.
"Ang....ang tagal na nung huli kong maramdaman ang init ng isang mabubuhay...Salamat" bigla niyang sinabi na ikinagulat ko, siguro minsan sa kamatayan may mga gusto karing ulit balikan.... Iniisip ko palang ay sumakit na ang aking damdamin, kaya niyakap ko nalang pabalik si Roswald.
"Maraming salamat din sa iyo...sa pagpakita mo sa akin dito sa boundary" bulong ko sa kanya at sabay hagod sa kaniyang malambot na puting buhok.
Tumingin ako sa taas at ngumiti, "Siguro...time na para bumalik ulit sa mundo ko"
.
.
Sabay naming binuksan ang gate at nakabalik na kami sa entrance ng sementeryo.
Nagunat naman ako at nilanghap ang hangin na kakaiba kaysa sa boundary. "Salamat talaga Roswald ha" sabi ko at mahinahon ko syang nginitian, "Punta ulit tayo sa susunod"
"Sige!" tapos bigla nalang umikot ang aking paningin at napaluhod ako sa lupa
"Alphonse!" tawag sa akin ni Roswald, hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha dahil parang umiikot ang aking paningin.
"W-wag kang gagalaw muna Alphonse, baka pagod lang yung katawan mo pagtapos dumaan ng boundary" dabi niya habang unti unti kong hinihilot ang aking noo.
.
Nung na-regain kona ang aking paningin tumayo ako agad at naglakad, "T-teka! san ka pupunta?!"
"Uuwi na ako...pagod na katawan ko"
"K-k-kaya moba sarili mo?" nagaalalang tono ni Roswald. "Kinaya ko ngang mabuhay ng magisa eh, eto pa kaya?" sarkasmo kong sabi pero sumasakit pa rin ang aking ulo sa pagkahilo.
.
.
Nakauwi ako ng tahimik sa pag-guide ni Roswald sa akin, humiga agad ako sa aking higaan at tinakban ni Roswald ng kumot ang aking katawan, "Salamat, magpapahinga muna ako.." pahina kong sabi at tuluyang nakatulog.
.........
Roswald clenched his fist ang teeth as he bang the bed sheet quietly enough to not wake her up. "I should have more information about the boundary for the mortals before going to that mess" sabi niya sa kaniyang sarili habang sinulyapan ang sugat sa paa ni Alphonse mula nung nakaraang araw.
"Pero wag kang magalala Alphonse, pagaaralan ko ang boundary para marami kang matutunan....bago ako umalis..." bulong niya at tumingin sa kanyang likuran, na may parang sumusunog sa kanya.