CHAPTER 23 FLYNNE 'S POV MARRIAGE BOOTH “T-tara? Mga joke-joke lang naman ‘to,” ani Flynne kay Kenjie. “Huwag na ang corny niyan, kumain na lang tayo—“ “Please!” pilit ni Flynne. “Corny mo rin, eh.” “Magkano?” tanong ni Kenjie sa binabaeng panay ang pa-cute. “Fifty pesos lang, pogi!” matinisna sagot nito. “Yes! Thank you!” Hinila ko na sa loob si Kenjie nang mabayaran niya ‘yon at makakuha na kami ng ticket. Mukha talagang simbahan ang set-up ng booth at pang-apat sila sa pila na pupunta sa harapan. Pero ang kasiyahan ni Flynne ay unti-unting naglaho nang magsimulang bumilis ang kanyang puso sa pagrigodon. Sa totoo lang madalas na siyang mauhaw, marahil kailangan na niya rin ng dugo. Pero suwerte niya lang na hindi nila iyon ikamamatay dahil para lang iy

