Chapter 22 SCHOOL FESTIVAL ‘See you at 6 p.m.’ Parang aatakihin si Flynne, totoo bang pumayag si Kenjie na mag date sila? Natapat pang birthday niya ang school festival. ‘See you,’ Hindi napigil ni Flynne ang mapahiga sa kama. Dinama niya ang puso. Maayos pa kayo ang kanyang puso sa kinalalagyan nito? Hindi niya alam kung ano na ba talaga ang real score sa pagitan nila ni Kenjie, wala namang kompirmasyon at hindi naman nito sinabi na ‘The feeling is mutual’ nginitian lang siya nito at niyakap. Sa tuwing maaalala niya ‘yon para siyang hinehele. Lahat ng problemang pinasukan niya ay parang bigla niyang nalabasan. Iba si Kenjie sa mga nakilala niyang lalaki. Si Kenjie kasi ay hindi mahilig mag text o tumawag, hindi rin siya kinukulit, pero marahil dahil

