Chapter 13

2009 Words

"Sa katapusan daw ang kasal nina Kuya Robert at Ate Mila," wika ni Faye. Narito kami ngayon ng kapatid ko sa bukid na pag-aari ng lolo namin. Matapos kaming maghapunan kanina ay nag-aya si Faye na pumunta rito. Ayon sa kaniya ay gusto niyang panoorin ang mga bituin sa kalangitan gaya ng ginagawa namin sa tuwing uuwi ako at magbabakasyon. Pero alam kong dahilan niya lang iyon para makausap ako ng sarilinan patungkol sa pinsan naming si Mila. Kanina pa kasi nag-uusisa si Mama tungkol sa hiwalayan namin ni Robert at hindi ko naman masabi ang totoong dahilan dahil alam kong masasaktan siya. Masisira rin si Robert sa pamilya ko at ayokong mangyari iyon. Itinuring na nila si Robert bilang kapamilya at gusto kong manatiling maayos ang pagkakakilala nila sa kaniya. "Good for them," saad ko haba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD