Chapter 12

2022 Words

"So, asahan kita bukas, Bes, ha?" Ngumiti ako kay Sheena. Sa wakas kasi ay pumayag siya na tulungan muna ako pansamantala sa shop. "Take a vacation, Bes," suhestiyon niya. "Kahit ilang araw lang. Para ma-relax ka naman kahit papaano. Grabeng stress ang dinanas mo nitong week lang." Mula sa pagkakatitig ko sa isang slice ng pizza na kanina ko pa kinagatan ay napatingin ako sa mukha niya. "Good idea. Pero huwag muna ngayon. Maraming kliyente ang shop at sayang naman ang kikitain ko kung ngayon pa ako magbabakasyon." Gamit ang remote ay binabaan niya ng volume ang telebisyon. Alas nuwebe na rin kasi ng gabi at dinig na dinig namin ang pag-aaway ng mag-asawa sa kabilang bahay. Napailing na lang si Sheena. Dito siya dumiretso matapos ang interview niya kaninang hapon. Umorder ako ng pabor

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD