Martes ng hapon nang mapagpasyahan kong pumunta sa opisina ni Drew para kumustahin siya dahil wala man lang siyang paramdam simula nang umuwi kami galing sa bakasyon. Kailangan ko siyang makausap at sa pagkakataong ito ay lulunukin ko ang aking pride para lang matuloy ang one-week vacation namin patungong Palawan. Lahat gagawin ko, basta huwag lang akong makapunta sa kasal ng mga traydor na 'yon. Sa labas pa lang ng lobby ay nagtanong na sa akin ang guard kung ano ang sadya ko sa building na iyon. Agad kong sinabi na kailangan kong makausap si Andrew Buenavides na sinuklian naman niya ng ngiting nakakainsulto. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa na lihim kong ikinainis. Maigi na lang at kahit papaano ay presentable ang suot kong damit. Isang kulay lilac na one-piece dress na lag

