Chapter 39

2028 Words

"Ako na lang ang magde-deliver ng mga items na inorder ng mahadera mong pinsan," saad ni Salvador. "I don't like the idea na pupunta ka sa wedding ng mga 'yon." Nakapaywang siya habang naglalakad papunta sa kusina. "Kukuha lang ako ng malalafang natin. Kaimbyerns 'yang si Mila." Dama ko na gigil na gigil siya sa pinsan ko. "Oo nga naman, Bes," sang-ayon naman ni Sheena. Nakadekwatro siya ng upo saka ikinurus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib. Maging siya ay tutol na pumunta ako bukas sa bahay nina Tiyo Vering. Nababasa ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "Alam mo naman ang mga kamag-anakan mo sa Laguna. Masyadong sensitibo pagdating sa usapin ng pag-aasawa. Kagaya niyan, buntis si Mila. Aba, Bes, tiyak kong pagtsi-tsismisan na naman ng mga 'yon na kaya nagpakasal agad kasi nga buntis." "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD