Chapter 41

2135 Words

Lagpas alas singko ng hapon nang makarating kami sa Laguna. Aligaga si Mama sa paghahanda ng meryenda namin. Hindi nila inaasahan na darating ako kasama ang dalawa kong kaibigan. Sinadya ko kasi na hindi ipaalam sa kanila dahil alam kong hindi nila ako papayagang umuwi para dumalo sa kasal ni Mila. "Sana tumawag ka man lang, anak, nakapagluto sana ako ng paborito mong bibingka." Bumuntong-hininga si Mama matapos ilagay sa plato ang cookies. Narito kami ngayon sa kusina at kanina ko pa napapansin ang lungkot sa mga mata niya. "Ayos lang po 'yon, Ma." Pansin ko ang pilit niyang ngiti. "Di bale, anak, magluluto ako ngayon. Saglit lang naman lutuin 'yon, e." "Ma, huwag na po," pigil ko. Alam ko naman kasi na dahilan niya lang ang pagluluto ng bibingka, ang totoo ay gusto niya talaga akong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD