CHAPTER 77 Bakit magkasama silang dalawa ni Isidro? Tama ba itong nakikita ko? ‘Di ba sinabi niya sa aking may trabaho siya kaya hindi niya kami masasabayan ng anak namin? Bakit nandito siya? Nagsinungaling siya sa akin. May isang ideya sa isipan ko na ayaw kong paniwalaan. Malaki ang posibilidad. Ang pagkabalisa ni Isidro nang makita niya ang babaeng ‘yon. Saglit siyang nawala sa sarili niya. Bago niya pa kami mapansin ni Sam- Sam ay umalis na kami sa lugar na ‘yon. Nasa loob kami ng taxi ni Sam- Sam ay iyon pa rin ang laman ng aking isipan. Tama kaya ang iniisip ko? Na malaki ang posibilidad na anak ni Isidro ang batang iyon? May kapatid ba si Sam- Sam sa ibang babae? Matagal na bang alam ni Isidro na may anak siya sa ibang babae? Hindi niya man lang nabanggit sa akin ito. May

