CHAPTER 18

1324 Words
CHAPTER 18 I’m not. Huwag kang kabahan mahal. Mabait naman si mama. Paulit ulit ‘yon na nag-p-play sa utak ko. It took us almost an hour bago makarating sa Cali Farm, hindi ko nagawang matulog sa byahe, dahil gising na gising ang diwa ko dahil hindi maalis sa utak ko ang sinabi ni Sean na ipapakilala niya ako sa mama niya. “Welcome to Cali Farm!” bati sa akin ni Sean nang pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Bumaba ako at nilibot ang paningin sa paligid. What a breathtaking beauty! With its lush greenery, swaying trees, and vibrant flora, the park exudes an irresistible sense of serenity and tranquility that will instantly captivate your heart. “I texted mom, sabi niya lunch time na daw niya tayo kitain.” “Ah, ganon ba? Okay.” Tumango-tango ako. Pinaalala na naman niya kung ano ang dahilan ng pagpunta namin dito. Lumapit naman siya sa akin at inakbayan ako. “Mahal, loosen up. I swear, magugustuhan ka ni mama.” Pilit ang pagngiti ko sa kanya. Eh, paano kung hindi? Hindi ko ata makakaya na maghihiwalay kami. The thought of it to happen one day, shatters my heart. “Alam mo, gutom lang yan. Breakfast na muna tayo sa resto nila dito.” He holds my hand at nagsimula na kaming maglakad papunta sa Gazebo. We just ordered two tosilog with garlic rice and two cups of black coffee for the both of us. Hindi ako gaano mahilig uminom ng black coffee pero para sa ganap ngayong araw ay kailangan ko atang uminom para maging matapang tulad ng kape. “Let’s enjoy the day, mahal. Huwag ka na mag-isip ng negative diyan.” He tried to comfort me. Somehow, it helped a little. “Where are we going now?” tanong ko ng makalabas na kami sa resto. “Let’s go to Puerto de Amor first. Sasakay tayo ng Love Swan Boat then maglalagay tayo ng love locks.” He smiled brightly, like the sun above. Kahit na tirik na ang araw ay malamig pa rin ang paligid, kaya pala naka-hoodie siya. As for me, hindi naman ako lamigin na tao kaya keri lang. Pinuntahan nga namin ang Puerto de Amor na sinasabi niya but before we ride the swan boat, bumili muna kami ng love lock. Red heart shaped na lock ang binili namin at tinungo na namin ang pathway kung saan ilalagay ang love lock. Ako ang pinasulat niya, I wrote our names on it na may heart shape sa pagitan ng pangalan namin. Sa baba ng mga pangalan namin ay nilagay ko ang araw kung kailan kami naging official. We took a picture of it bago i-lock na doon sa lagayan ng mga love locks then nag-picture kaming dalawa bago sumakay sa love swan boat. “Ang ganda talaga dito, ang peaceful dahil malayo sa city.” Nakasandal ako sa balikat niya habang naka-akbay siya sa akin, he rested his head on mine. “Yeah, makakalimutan mo talaga ang problema mo pag nagpunta ka rito. I’ve been here months ago.” Inangat ko ang aking ulo at tinignan siya. “Months ago? ‘Yon ba yung time na nag-break kayo ng kasama mo sa trabaho? Nung nalaman mo na buntis siya at ikakasal na sa iba?” Tumango siya habang nakatingin sa kung saan dumadaan ang swan boat. “Let’s not talk about that anymore, it’s all in the past.” He looks at me. “Ang importante yung ngayon. You are a special gift from the heavens. Your smile warms my heart, and your presence makes me whole. I love you so much, Lexi.” “Mahal na mahal rin kita, Sean.” He pulled me closer to him. As I anticipate his kiss, I immediately closed my eyes and just a glimpse, we are sharing a warm kiss. Matapos naming pagsawaan ang pagsakay sa swan boat ay nagpunta kami sa kabilang side ng Puerto de Amor at nagpakain ng mga bibe. Vi-ni-deo-han ko pa siya habang nagbibigay siya ng pagkain, ang saya-saya lang namin. “Mahal, gusto mo mag zipline?” “Zipline? Ikaw na lang, takot ako sa heights.” Sagot ko habang umiiling. He approached me and cupped my face. “Huwag kang mag-alala, kasama mo naman ako. Promise, hindi ko bibitawan ang kamay mo.” Nagdadalawang isip pa ako, but why not face my fears and take this challenge. “Okay, payag na ako.” He pinches both of my cheecks. “That’s my girl!” Inayos na ng mga staff ang mga harness na nakakabit sa amin at ilang segundo na lang ay lalakbayin na namin ang 1,100 plus kilometers na layo ng zipline. Nang hilahin na kami ng dalawang staff paatras ay naramdaman kong hinawakan ni Sean ang kamay ko, until the staffs release us ay hindi ko na napigilang sumigaw. “Open your eyes, Lexi! See the beautiful scenery of Cali Farm!” sigaw niya. With a great courage, I opened my eyes and it’s true. Napakaganda ng tanawin. “See? I told you, you’ll like it!” sabi pa niya. Medyo nahilo ako after sa zipline, umupo lang kami saglit para magpahinga. “Mama texted already, nandoon na siya sa resto naghihintay.” Masayang pahayag ni Sean sa akin. So, this is it! Walang atrasan na ito. *** “Mom!” “Hijo! I’ve missed you so much!” Sean gave his mother a hug and a quick kiss on the cheeks. His mother looks sophisticated and formal, tingin ko nasa late 40s pa siya. “By the way, mom.” Sean put his right hand on my waist. “I would like you to meet Alexis Montenegro, my girlfriend.” Nang banggitin niya ang salitang ‘girlfriend’ ay agad kong napansin ang pagtaas ng kanang kilay niya. She even looked at me from head to toe. “G-good afternoon po, Mrs. Salvacion.” Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko at ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi na lang sana ako uminom ng kape kanina, mas lalo pa akong pinakaba non. Sean pulled one chair for me to sit, before he pulls another one to sit down. Timing at dumating na yung in-order ng mama niya. They started eating pero ako parang may bumabara sa lalamunan ko at hindi ko kayang lunukin ang kinakain, feel ko kasi binabantayan ng mom niya ang bawat kilos ko. “So, hija…” Nag-angat ako ng ulo at umayos ng upo. “Y-yes, po?” I can’t hide my nervousness, buti na lang at hinawakan ni Sean ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa. “You’re a Montenegro, right? I can’t remember meeting such an influenced family with a Montenegro in their surname; what’s your parents work? Ikaw, hija. What do you do?” “Ahm…” natigilan ako sa tanong ng mama ni Sean. But nevertheless, I didn’t let myself get intimidated by her. “My mom and dad are a musician, nag pe-perform po sila madalas sa mga churches at clubs, pero namatay na po sila years ago. I have a brother too pero namatay na rin po, I’m currently living on my own and studying music.” I saw one side of her mouth twist upward, but I acted like I didn’t notice it. Bumaling siya kay Sean. “Anak, can you order a dessert for us?” “Sure mom!” ngumiti siya sa mama niya at nilingon ako. “I’ll be back.” Tumayo na siya at tinungo ang ordering section. When Sean had already left us, his mother looked straight into my eyes. “I’ll be honest, hija. You’re beautiful but you’re not suitable for my son. Itong anak ko na ‘to talaga, he’s too kind and loves to help the needy. Don’t get me wrong, I’m just thinking what’s best for him, ayokong dumating sa punto na perahan lang siya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD